23.KATIE

1K 56 2
                                    

                   Puro field reporting  kaya hindi masyadong challenging ang mga trabahong  ibinibigay na assignment sa akin ngayon.Tahimik lang din ang kampo ni Senator Hipolito at walang mga threats o pakikipag usap na nagaganap.Hindi ko alam kung nagpapatay malisya lang sya o kumukuha lang ng tyempo para takutin ako.

"Miss Katie,Pinapatawag po kayo ni Madam Stacey sa office nya.Kabilin bilinan din nya na wag nyong ipapa alam kay Boss Kelly na kinausap nya kayo._Mira.

"Ngayon na daw ba?Okey sige pakisabi na susunod na ko._AKO. Tinapos ko lang muna ang ginagawa ko at saka ako naglakad na papunta sa opisina ni Stacey.(Babaeng ka relasyon ngayon ni Boss Kelly,Halos sabay lang kaming pumasok dito pero mabilis syang na promote dahil sa kapit nya.)

"Come in,Bukas yan._Stacey.Binuksan ko ang pinto at naamoy ko ang matapang na pabangong gamit nya palagi sa loob ng opisina nya.

"Yes Stacey,Pinatawag mo daw ako.May problema ba?_AKO.Hindi ko sya tinatawag ng Madam dahil magka edad lang naman kaming dalawa.

"Maupo ka muna,Do want anything?Coffee,tea or juice?_Stacey.
Maiksing maiksi ang suot nyang damit at masyadong revealing na akala mo pupunta sa isang party.Makapal din ang make up nya.

"Its okey,Katatapos ko lang.So ano bang atin at pinatawag mo ko? Masyado bang importante kaya kinailangan mo pa kong istorbohin sa ginagawa ko?_AKO.

"Actually pinapunta talaga kita dito para sabihin sayo na pwede bang tigilan mo na ang pagpapa cute kay KELLY?_Stacey.Napataas ang kilay ko sa sinabi nya at napatayo ako bigla sa kinauupuan ko.

"What did you say,Nagpapa cute ako kay Boss Kelly?Come on Stacey,Alam mong hindi totoo yan.Wag mo kong inaakusahan ng hindi ko ginagawa._AKO.

"May nagsabi sa akin,Galing ka daw last week sa opisina nya at halatang may milagro kayong ginawa sa loob.Inaakit mo sya,para mabigyan ka ng magandang spot sa news team at hindi puro sa field ka lang ina assign._Stacey.

"Reall now...So ako pa pala ang nang aakit sa kanya?Are you serious Stacey?
Tignan mo nga ang status at ang background ko kung kailangan ko pang mang akit ng boss ko para lang ma promote at mapansin? Sa palagay mo gagawin yun ng "NAG IISANG TAGAPAGMANANG" tulad ko?_AKO.Hindi ko ugaling ipagyabang kung anong estado meron ako pero kapag ganitong klaseng tao ang kaharap ko,gusto ko lang matuto syang lumugar sa kung saan lang sya nararapat.
Saglit syang di naka imik at saka kunwaring nag browse sa fone na hawak nya.

"Here's the proof.Kuha ito sa isa sa mga events ng news department team.
Kitang kita dito na magkatabi kayo ni Kelly at nagtatawanan habang nag uusap._Stacey.Inabot nya sa akin ang fone at tinignan ko din naman.
Natawa ko dahil madami kami sa group picture at hindi lang ako ang babae dun kundi pati sya.

"Will you stop it Stacey.Masyado mong ipahahalata na takot na takot ka sa mga bagay na ikaw lang din naman ang gumagawa.Wag na tayong magpaligoy ligoy,Tatapatin na kita para matapos na tong usapan na to.Hindi ko kailangan ng backer para lang makilala at sumikat.Hindi din ako nagmamadali.At lalong hindi ko kailangan ng ibang tao para gamitin lang at magpagamit.Sa susunod,Kapag may gusto kang itanong o may kailangan ka...Matuto kang ikaw na mismo ang lumapit.May mga paa ka naman diba?_AKO.Sabay talikod sa kanya at alis sa opisina nya.

Bumalik ako sa mesa ko at muling binasa ang bago kong assignment.
Magkakatabi lang kami dito ng iba pang mga kagaya kong nasa news reporting din. Kapag mga nasa front cam or mga news anchor na kasi, may kanya kanya na silang room na para sa kanila lang.

"Hello beautiful lady.Mukhang hindi yata maganda ang umaga natin ah.
Ang aga mong pinatawag sa taas,May problema ba?_Diego.Hindi ko namalayang nasa malapit na pala sya dahil naiinis talaga ko sa bruhang Stacey na yun.

"Hindi  mga boss yung nagpatawag sa akin,Taga news team.Yung feeling boss._AKO.

"Uhmmm,Parang alam ko na kung sino.Si Stacey right?hahahahha.
So,tinotoo pala talaga nya yung sinasabi nya na kokomprontahin ka.Im sure napahiya mo na naman ng husto ang bruha._Diego

"Alam mo,hindi naman ako nainis dun sa mga pinagsasabi nya at mga inimbentong mga kwento eh...Nainis ako na kailangan ko pang mag hagdanan para lang pumunta sa office nya tapos wala naman palang kwenta yung sasabihin nya.Nakakapagod kaya pumanhik at bumaba._AKO.Hindi alam sa work na takot ako sa heights kahit pa ang mga head ng network.
Under maintenance kasi ang elevators kaya napilitan akong gumamit ng hagdan.Nasa 2nd floor kami at nasa 4th floor sya ng building.

"Hahahah.Nakakainis nga talaga yun.Ramdam kita.Sige,ganito na lang.
Para maalis yang inis mo,bakit hindi muna tayo mag coffee break sa baba,Treat ko.Tara?_Diego.Isa pa to,para paraan din sa pag diskarte kahit ke aga aga.
Pero dahil gusto ko din namang magkape talaga at magpahangin na din kaya sumama na lang din ako sa kanya sa coffee shop.

"Hindi ba si Attorney Lara Quijano yun,Yung sikat na lawyer ng mga PERALTA?(Sila ang may ari ng network station na pinagtatrabahuan namin)_Diego.

Sa malayo ko lang nakikita palagi si Atty Quijano pero ngayon ay halos magka bungguan lang kami dito sa loob ng coffee shop.Napalingon ako sa kanya at saka sa kasama nyang babae din.Si Gucci Pamintuan pala ang katabi nya sa mesa.

"Ahhh,Sya pala yan.Hindi ko pa kasi sya nakikita ng malapitan.Maganda pala sya talaga._AKO.Ewan ko ba kung bakit parang may kasamang pait yung pagkakasabi ko na maganda sya.Sa totoo lang,maganda talaga sya kahit mas may edad sya sa akin.

"Yeah,She's beautiful pero mas lamang kapa din.Pero bakit kaya mas madaming girls na nakatingin dun sa magandang estudyanteng kasama nya,Is she a celebrity or a model?_Diego.Napangiti naman ako sa sinabi nyang mas maganda ako kay Attorney.pero hindi ko naman pinahalata masyado.Ayoko namang isipin nya na GGSS ako.

"Sa pagkaka alam ko,Karaniwang law student lang si girl.Kakaiba lang kasi talaga ang charm nya kahit sa simpleng ayos ay kapansin pansin pa din._AKO.May ilan kasing kabataan dun na palihim syang kinukuhanan ng picture kaya akala ni Diego ay celebrity sya.Hindi nakapagtataka dahil nsa lahi na ng Pamintuan ang malakas ang dating kahit sa simpleng ayos nya.

Hindi nakapagtataka dahil nsa lahi na ng Pamintuan ang malakas ang dating kahit sa simpleng ayos nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Uhmmm,Parang kilalang kilala mo din si girl ah.Don't tell me isa ka din sa napapahanga sa charm nya?hahahah.Just kidding._Diego.Ngumiti lang ako sa kanya na naiiling.

"Alam mo ikaw,basta magaganda ang bilis ng mga mata mo!Bilisan na natin magkape ng makabalik na tayo sa trabaho._AKO

"Hahahaha.Hindi ah!Sayo lang naka focus tong mga mata ko noh!My one and only you.Ikaw lang kaya ang pinaka maganda dito sa lahat._Diego

Mabuti na lang at naisipan kong sumamang magkape dito.
Pansamantalang nawala ang inis na naramdaman ko kani kanina lang kay Stacey.Naaliw naman ako kahit papano sa mga korny jokes ni Diego
Madalas din akong napapatingin sa gawi nila Gucci at nakikita ko na masaya din silang nag uusap ni attorney.Marunong din palang tumawa si Gucci,at si Attorney lang pala ang nakakapag pa smile sa kanya ng ganun.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon