1."THE ROOFTOP PRINCESS"(I)

3.1K 65 1
                                    

KATIE AND GUCCI LOVE STORY

KATIE POV'S

Malalim at matatas na pananalita,matibay ang dibdib at walang inuurungang mga pangyayari,kababalaghan,krimen,trahedya at mga kalamidad,Yan ang mga katangian ng isang magaling at hinahangaang tagapagbalitang tulad ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malalim at matatas na pananalita,matibay ang dibdib at walang inuurungang mga pangyayari,kababalaghan,krimen,trahedya at mga kalamidad,
Yan ang mga katangian ng isang magaling at hinahangaang tagapagbalitang tulad ko.May isang bagay lang akong kinatatakutan...Ang matataas na lugar.May fear of heights kasi ako mula pa nung bata.
Ako nga pala si Karen Jodie MERCADO GUILLERMO...aka KATIE G.
Anak ng mag asawang sina JOYCE AT TERRY GUILLERMO.

Si Mama Terry ang CEO ng Terry's grill restaurant na may mahigit limampung branches lang naman all over the Philippines.Namana nya ang lahat ng chain na ito sa lolo at lola ko dahil sya lang ang nag iisa at lehitimong anak ng mag asawa.

Meron din kaming limang yate,apat na ISLAND RESORT at dalawang private beach house na kanya namang naipundar mula sa sarili nyang pagsisikap.Katulong nya si mommy Joyce sa pagpapatakbo sa mga negosyong ipinamana sa kanya.

Idagdag mo pa ang buwanang 20 percent nyang parte sa kinikita ng GUILLERMO GENERAL HOSPITAL na pagmamay ari ng pamilya ng lolo Leon ko.Mayroon din syang natatanggap na 20 percent na parte sa kita ng DelaCerna Brewery corporation,mula naman sa family business ng Lola Gina ko sa CEBU.

Lahat ng kita ng mga iyun ay masinop na iniipon ng parents ko para daw sa kinabukasan ko ng magiging pamilya ko sa hinaharap.

"Mom papasok na po ako.See you later na lang.bye!_AKO.Nagmamadali ako sa paglabas ng bahay dahil baka malate na ako sa pagpasok.May kalayuan din kasi ang LAGUNA sa pinapasukan ko kaya hindi ako pupwedeng magpatagal tagal.

"Teka anak,hindi kapa nag aalmusal ah?Kahit uminum ka lang sana ng gatas muna._Mommy Joyce.Hinabol nya pa ako sa garahe para painumin ng gatas na personal nyang tinimpla para sa akin.

"Mommy talaga,Hindi na ko baby para painumin mo pa ng gatas twing umaga.Madami naman akong madadaanang drive thru para makabili ng coffee.Pero salamat sa gatas mommy,Ilove you.bye na._AKO.Agad kong inistart ang kotse ko at kumaway sa kanya palabas ng mansyon.Tanaw ko sa side mirror ang magiliw nyang pagkaway sa akin habang hawak ang baso ng gatas na inihanda nya para sa akin.

Masasabing maswerte ako sa pagkakaroon ng dalawang nanay,Pero may mga times din na naiisip ko kung ano kaya ang feeling ng may totoo akong ama.Kahit pa hindi naman nagkulang sa akin si Mama Terry na gampanan ng pagiging daddy,Nararamdaman ko pa din na may kulang ang pagkatao ko.

"Good Morning Miss Katie,here's your hot coffee with vanilla cream._ Venice.Assistant ko sa trabaho at parang PA na din dahil sya lang ang may access sa lahat ng ginagawa ko kahit pa sa personal kong pangangailangan

"Thanks Venice.Good Morning din.Kamusta na pala yung pinapahanap ko sayong pwede kong maupahan,May nakita ka na ba?_AKO.Dahil nga malayo ang bahay namin dito sa pinapasukan kong TV station,Balak ko sanang mangupahan sa malapit lang dito para hindi ako palaging nali late sa pagpasok.

"Naku Ma'm wala pa po kasing mga bakante as of this moment,lahat po kasi may mga umuupa na.Kung gusto nyo po,Sa SKY TOWER na lang po kayo mangupahan._Venice.Ang Skytower ay pagmamay ari ng mga Pamintuan.Family friend ng pamilya.

"Naku naman Venice,Ilang beses ko na bang sinasabi sayo na ayoko nga sa condo.Malulain ako sa mataas na building hindi ba?Hanggang apat na palapag lang ang kaya kong akyatin,kapag lagpas na duon nahihilo na ako._AKO.May fear of heights kasi ako kaya hindi ko gustong sa hotel or sa condo unit mag stay o mangupahan.

"Opo Ma'm,kaya nga po nahihirapan akong makahanap ng matitirahan nyo.Kung meron mang hanggang apat na palapag na upahan,mga karaniwang bahay at paupahan lang po iyun.Wala pong ganun sa pang mayayamang lugar._Venice.

"Kaya naman pala nahihirapan ka,kasi nga puro business class area ang hinahanap mo.Mga pang mayayamang paupahan at mga sikat na hotel.
Okey lang naman sa akin kahit hindi sa high class condominium or hotel ako titira,basta wag lang sa mataas na building._AKO.

"Opo mam,masusunod po.Hayaan nyo at hahanapan ko kayo kaagad agad ng matutuluyan.Hindi hotel or condo,kahit hindi pang sosyal yung lugar basta hindi lalagpas sa 4th floor ang taas ng bahay._Venice.Tumango tango ako sa kanya at saka ako nagsimula ng magbasa ng mga script na sasabihin ko mamaya.Isasalang kasi ako ngayon sa news flash.Mamaya namang hapon,may interview ako sa bibisitang sikat na Kpop group mula sa bansang Korea para sa darating nilang concert dito sa Manila.

"Knock knock! Hello there Miss Katie.Mukhang ready kana para sa pagsalang mo maya maya ah!_Diego Dela costa.Kapwa ko news reporter na madalas mangulit sa akin.Gwapo naman sana kaya lang may kahanginan at saka may amoy ang hininga.Malakas kasi manigarilyo kaya ganun.

"Oh,Diego ikaw pala.Well,Im always ready naman kahit saan ako ilagay kaya walang problema.Btw,Kamusta na nga pala yung last exposé mo dun sa mayamang negosyante na nanuhol sa taga BIR para lumiit ang taxes nya?_AKO.

"Speaking of exposè,Balita ko sayo na assign yung pagsisiwalat ng isang CLOSET SINGER sa pagiging lesbian nya?Totoo bang aamin na sya na sila nga ni ELLEN JACOB(Sexy star) ang magkarelasyon at hindi ang kapatid nyang guy na isang matinee idol?_Diego.Natawa nalang ako bigla sa kwento nya.
Actually,mali kasi ang nakalap nyang tsismis.Ang totoo kasi nun,Yung guy na matinee idol talaga ang gay at karelasyon nya yung gaymanager ni Ellen Jacob.

"Hahahaha.Ikaw talaga.Kaya ka pala andito para lang makasagap ng chismis eh.Pwede bang patahimikin mo na muna ako at kailangan kong sauluhin itong mga ibabalita ko maya maya?_AKO.Agad naman syang tumayo at saka kumamot sa ulo.

"Im sorry to disturb you.Sige maiwan na muna kita.Kita na lang tayo maya sa lunch.Ako ang taya mamaya,Pambawi ko sa maling chismis na nasagap ko.hehehehhe.Seeyou later.Goodluck sa news flash._Diego.Nakangiti naman akong tumango tango lang sa kanya at saka sya tuluyan ng umalis sa opisina ko.

"Ang galing galing nyo talagang magbalita mam,Daig nyo pa sina Miss Korina at Miss Karen sa pag dedeliver ng mga salita eh.Kapag kayo ang nagbabalita,parang mas kapani paniwala._Lyndon.Researcher ng news team.

"Ay tama ka naman dyan Lyn,Mahusay talaga si Miss Katie sa pagdedeliver ng balita.Maiintindihan mo talaga.Saka ang ganda pa ng rehistro nya sa tv hindi ba,Parang artista.Mas okey ka sa news room madam,kaysa field reporter._Tanya.Associate producer ng production.Katatapos ko lang kasi magbalita at nandito na ako ngayon sa loob ng opisina.

"Salamat sa inyo.Masaya akong madinig sa inyo ang magandang papuri.
Nakakataba ng puso.Anyways,Mauuna na din pala ako sa inyo at may commitment pa akong pupuntahan.Salamat guys._AKO.Sa isang simpleng dine in restaurant na kami nagkita ni Diego.Pagpasok ko pa lang sa loob,Natanaw ko na kaagad sya at saka ako kumaway sa kanya.Huli na para mapansin ko na may nabangga pala akong tao sa harapan ko na hindi ko sinasadyang matabig at bumagsak sa sahig ang fone na hawak nya.

"Ohhh my gosssh!Ang cellfone...Nagkalagas lagas!Haaaist! Bakit ba kasi hindi tumitingin sa dinadaanan eh.
_Babaeng di ko sinasadyang makabangga.Agad syang yumukod at isa isang pinulot ang mga parts ng fone nya na nagka kalas kalas.

"Hey Miss,Sa pagkaka alam ko kasi ikaw ang di nakatingin sa dinaraanan mo at dyan ka sa fone mo naka focus._Ako.
Medyo iritable ako sa tono ng salita nya dahil parang mas nag alala pa sya sa fone kaysa sa akin kung nasaktan ba ko sa pagkaka bangga nya.

Saka ako nagulat ng sa pagtayo nya ay kaagad ko syang namukhaan.Papanong lumang model ng cellfone ang hawak hawak ng isang anak ng Bilyonaryong si GUCCI PAMINTUAN?

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon