20.GUCCI

1K 46 0
                                    

                  Matapos ang ilang linggong pag aaral at pagsusunog ng kilay,Ngayon na ang araw na itinakda.Sa pagsusulit na ito nakasalalay ang kinabukasan ko.At kung saan nga ba ako patungo sa hinaharap.

"Panyero,Kamusta naman yung exam?Mukhang pinagpawisan ka ng husto ah.Pero sa totoo lang,Sumakit ang ulo ko sa hirap ng mga tanong.
Puro reasoning at halo halo yung mga questions eh_Zee.Sabay kami halos na tapos sa exam kaya sabay din kaming lumabas sa examination room.

"Kung ikaw nga na genius nahirapan ako pa kaya?Hindi ko nga alam kung ano ano yung mga pinagsasagot ko dun.At tama ka,sobrang ramdom ng mga tanong kaya nagra rumble talaga sa utak yung mga isasagot._AKO.

Sa paborito kong resto kami papunta ngayon.Bukod sa malapit ito sa Uni,Malinis at masarap ang mga pagkain nila dito.Napag usapan na kasi namin na after ng exam,dito kami kakain.Alanganing lunch na at miryenda kami natapos kaya pareho kaming nagutom na talaga.

Alanganing lunch na at miryenda kami natapos kaya pareho kaming nagutom na talaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Goodluck na lang sa atin panyero.Idaan na lang natin sa kain at ng mawala lahat ng mga pag aalinlangan natin._Zee.Dahil kilala na kami at suki duon,mabilis na nilapitan kami ng waiter na palagi ding nag a assist sa amin.Si kuya Jomar.

"Mga Bossing,Welcome po.Ano po bang order natin? Panigurado,Dalawa kayo sa magiging top notcher sa exam nyo ngayon.
Balita ko,Mahirap daw talaga ang exam sabi nung ibang kasabayan nyo._Kuya Roger.
Madami ding kumakaing law students dito kaya alam nila na ngayon ang araw ng examination.

"Sana nga kuya Roger,Magdilang anghel ka at pareho naming maipasa ang exam.Salamat._Zee.

"Kapag nagkatotoo yang sinasabi mo kuya Roger,May balato ka sa akin.
Promise yan. Sya,Oorder na kami ng dati pa din tapos padagdag na lang ng nilagang buto buto.Parang masarap humigop ng mainit na sabaw ngayon eh!_AKO. Pareho kami ni Zee na hindi matakaw pero hindi naman pihikan kumain.Madalas na gulay at saka isda lang kami kapag magkasabay.Pag may special occasion,nagdadagdag ako ng porksteak or sisig.Ayaw ni Zee na nililibre ko sya sa pagkain kaya hati kami sa bayad.

"Aba ayos yan.Parang naubusan din ako ng lakas sa exam kanina kaya tamang tama yang sabaw.Sige kuya,Saka malamig na tubig na din ha. Salamat._Zee.Kaagad namang umalis si kuya roger para kunin ang order namin.

"Hindi kaba nagsasawa sa daing na bangus at laing ha Chi?Wala ka ng ibang order dito kundi yun na lang palagi.Ayaw mo bang mag chicken o steak kaya?_Zee.Puro kasi karne at saka ibat ibang putahe na ang pagkain ko sa araw araw kaya kapag kami ni Zee ang magkasabay kumain,Nakiki gaya ako sa kanya na budgetarian meal ang order.

"Healthy foods kaya yun saka masarap kaya paborito ko.Mas nagsasawa ako sa steak at mga may sauce na pagkain.Wag ka ng umangal dyan kasi hindi naman ako umaangal sa palagi mo ding order ah!_AKO. Paksiw na tilapia at saka pinakbet naman ang madalas nyang orderin.

"Alam mo ewan ko sayo!Mula ng magsasama ka sa akin naging jologs kana talaga.hahahah.Bilisan na natin kumain ng makauwi na.Ang dami ko pang gagawin sa bahay,Nasira na naman yung rice cooker namin kaya mano mano ako magsaing._Zee.Sya din kasi mismo ang nag aayos ng nasisira nilang gamit sa bahay kapag alam nyang kaya nya ayusin.Kapag lang need na talaga ng technician saka sya nagpapagawa.

Wala kami halos imikan habang kumakain.Pareho kasi kaming gutom na talaga.Lalo kaming ginanahan dahil na din sa mainit na sabaw at sa patis at kalamansi na may sili.Pawisan kami habang kumakain at saka kami nagkatawanan ng makatapos dahil simot na simot ang mga laman ng mga plato namin.

May dala akong sasakyan dahil sa mansyon ako naglagi habang nagre review.Sa mansyon din ako pansamantalang umuuwi ngayon dahil na din sa kailangan kong mag focus nga sa eskwela.Naghiwalay na kami ng uwi ni Zee dahil magkaiba kami ng uuwian.Kapag sa apartment kasi ako umuuwi,pareho kami ng rutang dinadaanan kaya sabay kami.

"Mommy,Im home na po!_AKO.Sa pintuan pa lang ay tinawag ko na kaagad si mommy para salubungin nya ko.Para kasing gusto kong salubungin sya ng yakap at tumabi sa kanya.

"Anak,Nandyan kana pala.Tamang tama at naghahanda ako ng pagkain natin for dinner.Uuwi din daw si Sky para maki celebrate sa katatapos mo lang na exam.Kamusta naman,Nahirapan kaba ng husto ha anak?_Mommy Dess.Kaagad ko syang sinandalan sa balikat at niyapos ng magkatabi na kami sa malambot na sofa dito sa sala ng mansyon.

"Mom,Sobrang nanghina ako kanina after ng exam.Super hirap talaga nya as in.Kahit nga si Zee ay sumakit ang ulo eh._AKO.Running for Cumlaude si Zee.Ganun sya katalino kahit na andami dami nilang problema sa bahay nila at madami syang ginagawa.

"Naku,Kawawa naman ang bunso ko.Kaya naman pala parang hinang hina ka dyan.Dont worry anak,Im sure naman kayang kaya mo din yung exam nyo.Ngayon pa lang,binabati na kita.Im so proud of you anak._Mommy.
Mahigpit na yakap at saka halik sa nuo ni mommy lang ang kailangan ko tapos okey na ulit ako.

"Wow naman,Nagmomoment ang mag ina ko.Kakainggit naman.Pwede bang pasali din?_Daddy Top.Kadarating lang nya from work at kaagad syang lumapit sa aming dalawa ni mommy para makisali sa yakapan namin.

"Daddy talaga,Ayaw na ayaw magpapalamang.Hindi naman ako ang talagang gusto mong yakapin kundi si Mommy lang eh.hahahaha.Grabe ka makahalik eh,parang pa honeymoon na._AKO.Nakayakap kasi sya sa aming dalawa pero swabe yung halik na ginawa nya kay mom.

"Luko luko talaga yang daddy mo eh!Top,Tumigil ka nga sa kahalayan mo.
Di ka na nahiya sa anak mo.Grabe ka makahalik,sibasib talaga?_Mommy Dess.
Literal na ganun magsalita si mommy.Hindi sya pabebe na pa sosyal kapag nagsasalita.Prangka at nakakatawa ang mga hirit nya kaya palagi kaming masaya sa bahay pag magkakasama.Mga bagay na namimiss ko kapag nasa apartment lang ako mag isa.

"Heeeey!Napag iiwanan na ko ah!Anong sibasib yung nadinig ko ha?
Daddy,Im sure hindi ka na naman nakapagpigil at pinang gigilan mo na naman si mommy noh?_Sky.Kaagad syang tumabi sa amin sa sofa at humalik kina mom and dad.Ginulo naman nya ang buhok ko bilang pagbati nya sa akin.

Paminsan minsan ay masarap din yung hindi kayo palaging magkakasama para kapag nagsasalo salong gaya nito,Mas masaya dahil miss na miss nyo ang isat isa.Like any other families,Meron din kaming ups and down.
Nag aaway din kami at nagkakatampuhan.Pero hindi kami umaabot sa point na nagkakasakitan.Masayahin at mababait ang pamilya namin kaya wala kaming masyadong problema.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon