33.KATIE

1K 61 1
                                    

Back to normal na ulit ang lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Back to normal na ulit ang lahat.Nasa field reporting pa din ako at kung ano ano lang ang inaassign sa akin na i report kahit hindi ganun ka importante.Ganun  kasi talaga kapag wala kang backer.Kung sino lang ang malakas sa Boss,Sila lang ang palaging nasa harap ng camera.

"Good afternoon Miss Katie! Hello sayo,Okey lang ba na maabala kita kahit saglit?Baka pwede ka namang makausap kahit ilang minuto lang?_Miss Martha.Sya yung  nagrerent dun sa 2nd floor nitong apartment.Kapag kasi may chance,nagkakangitian at nagkakatanguan kaming dalawa kapag nagkakasalubong sa ibaba.

"Oh,Hello.Miss Martha right?Sure,Ano ba yung pag uusapan natin at mukhang importante._AKO.Sa rooftop na naman kami muli nagkatagpo. This time,hindi na sya basta naka simpleng short at tshirt lang.
Naka light green polo sya na nakatupi hanggang siko at saka Gucci black skinny pants at saka boots na kulay black din.

"Actually,Talagang kinapalan ko na ang mukha ko para humingi sana ng favor sayo.Since nasa media ka naman,Baka naman pwedeng makahingi ng tulong sayo kung pupwedeng mabigyan ng chance mai featured sa network nyo yung foundation na tinutulungan ko para kahit papano may makapansin at mahingian ng tulong sana._Martha.

"Ganun ba,Okey sige magpapa alam ako sa boss ko.Mas maganda kung mai interview sila at mabigyan ng air time at chance na ma featured yung foundation nila on national tv.
Mas madami pang tutulong sa kanila kapag napanuod sila sa tv for sure.
_AKO.

"Salamat ha.Pasensya kana kung masyadong makapal lang talaga tong mukha ko.Kahit na alam kong hindi pa naman tayo masyado magka close at di pa ganong magkakilala.
Kailangan lang kasi talaga eh.Masyado ng dumarami yung mga batang may cancer na humihingi ng tulong at hindi birong halaga ang mga kailangan nila._Martha.Nasa mukha ni Martha ang pagpapahalaga  sa mga nangangailangan ng tulong.

"Okey lang yan,Malinis naman ang hangarin mo eh.Saka gusto ko ding makatulong kahit papano.Wag kang mag alala,bukas na bukas din ay kakausapin ko ang head namin para matulungan sila sa lalong madaling panahon._AKO.

"Salamat,Ngayon pa lang Maraming Salamat na talaga sayo.
Btw,Okey lang ba na kung hingin  ko yung contact number mo just in case may mga itanong sila  about sa foundation,para pwede mo kong itext o tawagan._Martha.Agad ko namang tinayp ang numero ko sa cp nya at saka nya ko miniskol pagkabigay ko sa number ko.

"So papano,Kita kits na lang tayo next time.Im sure madami ka pang ipipintang mga obra kaya hindi na kita masyadong aabalahin.
Tawagan na lang kita bukas para sa confirmation.Bye._AKO.
Alam kong pwedeng maging negative ang dating sa kanya ng palagi kong pagputol sa chikahan namin pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na hindi ko kayang tumagal mag stay dun sa rooftop.Pakiramdam ko,may hihila na lang sa akin pababa kapag nagtagal pa ako dun.

Pakiramdam ko,may hihila na lang sa akin pababa kapag nagtagal pa ako dun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maaliwalas na ang labas ng rooftop ko after ko syang iparenovate.
Wala na akong nakikitang mga bulaklak na masakit sa mata kapag babangon ako sa umaga.

"Magandang umaga po Sir,Nagpunta lang po ako dito para sana humingi ng pahintulot na payagan nyo akong i interview ang "HAPPY SOUL FOUNDATION".Mga cancer patient po ang mga myembro ng grupo nila at nais lang po sana nilang humingi ng tulong sa mga tao at manawagan na din sa mga sponsor para sila matulungan._AKO.After lunch ko na nakausap si Sir Benny dahil nang galing pa daw sya sa isang luncheon meeting.

"HappySoul foundation?Parang ngayon ko lang nadinig yan.At isa pa,merong ng foundation ang network kaya hindi tayo pupwedeng basta basta na lang mag promote ng ibang foundation.Baka magsilipatan pa duon ang mga sponsors natin,Hindi yun papayagan ng management._Sir Benny.

"Pero Sir,Kailangan po kasi nila ng tulong.Madami po kasing member nila duon ang mga nasa critical stages na at nangangailangan ng tulong talaga.
Sir,Baka naman po pwede natin silang bigyan ng kaunting time lang para makapag anunsyo para kahit papano mapakinggan ang hinaing nila._AKO.

"I told you,Hindi ka pakikinggan ng mga bosses natin.Mahigpit na pinagbabawal ang mag advertise o mag promote ng ibang mga charity group unless hindi ang foundation ng kumpanya.Sorry pero hindi kita matutulungan sa gusto mong mangyari._Sir Benny.

Wala naman akong nagawa pa kundi ang lumabas na ng opisina ni Sir Benny.Sa pagkakataong ito,Parang gusto kong maluha.Okey lang kung hindi nila ako bigyan ng magandang break as  tv news anchor at sa labas lang nila ako itaboy.Pero this time,buhay na ang nakataya.Madami ang pwede sanang makatulong kapag napanuod nila sa tv na nangangailangan ang foundation ng tulong.

"Papa,Alam mo naman na hindi ko ugali na humingi sa inyo ni mom ng tulong basta basta unless kailangang kailangan lang talaga diba?Pero
since alam ko naman na madami kang kakilalang pwedeng maging sponsor,Hihingi sana ako ng pabor sayo._AKO.After ng trabaho ko,Tinawagan ko si papa na magkita kami sa HOLLY CAFE dahil meron akong sasabihin.

"Anak,Sympre naman.Kahit ano pa yan handa akong makatulong sayo.
Like what you said,Hindi mo ugali ang lumapit sa amin ng mommy mo unless hindi mo talaga kailangan,So Is there anything I can do for you anak?
You can ask me everything anak at gagawin ko lahat para sayo._Papa.

"Papa naman,Masyado kang seryoso eh.Gaya ng sabi ko sayo fone,hindi naman ito tungkol sa akin,Actually may naki usap lang sa akin at nagpapatulong kaya ayoko namang mapahiya sa kanya.Saka isa pa, Gusto ko din talagang makatulong sa mga nangangailangan._AKO.

"Okey sige sabihin mo sa akin kung anong pwede kong gawin?_Papa Terry

"Papa,Pwede ka bang magpa event para sa isang foundation?_AKO.

"Event para sa isang foundation,You mean,CHARITY EVENT?Wow,Ikaw ba yan anak?At kelan kapa nagka interes sa mga ganyang mga bagay?
Ang alam ko,pagbabalita at pagbubulgar lang ng mga sikreto ng mga currupt official ang forte mo,Ngayon pala nasa pagkakawang gawa kana din.hahaha._Papa Terry.

Papa naman eh!Wag mo na kong tawanan,Seryoso nga ako.Mga Cancer patient naman ang tutulungan eh kaya sige na,Pa event kana pleaaassee.
_AKO.

"Sige na sige na,Ako na ang bahala dyan sa request mo.
Ibigay mo lang ang details sa secretary ko at sya na ang bahalang kumausap sa charity na gusto mong matulungan.
Pambihira,Akala ko pa naman boyfriend na ang ipapakilala mo sa akin,yun pala charity event lang._Papa.Yumakap ako at humalik sa kanya at saka ko kinausap sandali yung secretary nya para sa mga pwede nyang kontakin para sa details ng gagawing event.





"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon