35.GUCCI

1K 55 0
                                    

               

    After what happened in the mountain,Hindi na ako nagpaka kampante pa.Nag aalala ako sa pwedeng gawin pa uli ng mga taong yun kay KATIE at MAUI  kung sakali.Ayon sa kwento ng mga guide na syang nakausap ng mga nag utos sa kanila,Para nga daw mga hindi sanay  at walang alam  sa gagawin ng mga taong kumausap sa kanila.

"Kahit naman ganito kami Boss Chi,Takot pa din kaming gumawa ng masama.Saka sa ganda ng pakikitungo nyo sa amin,Magagawa pa ba naman namin kayong saktan?
Ngayon lang kami naka encounter ng ganun,Kaya natakot din kami sa kanila at nag kunwari na lang kaming susunod sa utos nila._Manong Julius.Sya yung pinaka matanda sa grupo ng mga nag guide sa amin sa pag akyat sa bundok.

"Oo nga boss Chi.Mahirap lang kaming lahat pero mahal namin ang trabaho namin.At saka may mga anak at asawa din kami na umaasa sa amin kaya bakit naman namin gugustuhing gumawa ng masama._Kuya Chubz.Yung pinaka mataba naman sa grupo.

"Pasensya na po kayo pero hindi po kasi ako ang nagdecide sa mga bagay na yun kayo  kundi ang parents nina Maui at Katie.Pero hayaan nyo po at kakausapin ko sila na payagan na kayong makalaya.Salamat din po pala sa ibinigay nyong info,Malaki po ang pwedeng maitulong nito sa kaso._AKO.
Pinasyalan ko sila sa bayan kung saan sila naka detain.Naaawa man ako sa kanila dahil naniniwala akong wala naman silang kasalanan,Pero wala akong magagawa sa ngayon.

Bumalik ako ng Manila at saka ko ipinakita kay Zee ang nakuha kong pagkakakilanlan sa isa sa mga suspek.(Mayroon akong hinired na private investigator para sa kaso)Bukod sa napansing tattoo ng isang leon sa braso ng lalaking nakausap nila para mangidnap,Nahulog din ng lalaking nakatakip sa mukha ang kanyang silver bracelet na may letrang "PH" na naka ukit sa likuran.

"Bakit ba ayaw mong ipaalam sa parents mo na nag papa imbestiga ka sa kasong to ha Chi?Baka ikapahamak mo pa yan eh.Im sure naman pati sina Ma'm Top at Ma'm GD ay may kanya kanya ding ginagawang imbestigasyon tungkol duon kaya hayaan mo na lang sa kanila yan._Zee.Sya kaagad ang kinontak ko tungkol sa mga nakalap kong ebidensya at ipinakita ko sa kanya ang itsura ng bracelet.

"Gusto ko din namang malaman kung sino ang gustong magpadukot sa kanila.O kung pangingidnap nga ba talaga ang pakay nila o pwedeng gusto lang gumanti hindi ba?_AKO.Tinitignan  ko din kasi ang anggulo ng paghihiganti o kaya ay baka may naiinggit lang.

"Well,Posibleng inggit nga siguro yan.Baka may nakabangga ang isa sa kanila na nagtanim ng sama ng loob tapos nagpa utos na ipadukot sila.
Or pwede ding kidnapin talaga dahil obviously,Anak sila ng mga businesswoman at mga taga pagmana._Zee.

"Look at this bracelet,Sa palagay mo ba hindi lalagpas ng kwarenta ang mga suspek?Kasi sa palagay ko,since mahilig sya sa accesories gaya nito...
Nasa late 20's to 30's  pa lang sila kung sakali._AKO.

Pero hindi biro ang kasong isasampa sa kanila kung sakali kapag napatunayang sila nga ang nag utos na magpakidnap sa dalawa.At duda ako,Wala sa matinong pag iisip ang nagpapadukot na yun dahil halatang hindi pinagplanuhang maige ang kalalabasan ng gagawin  nilang krimen.

"Sasabihin ko din sa kanila later on,Kaya lang gusto ko munang makasiguro.Iniisip ko lang,posible kayang matagal ng minamatyagan ng mga suspek sina Maui at Katie at saka sila kumuha ng tyempo?Kung sa bundok nga naman,walang mga CCTV at in case magka gulo,malayo sa kabihasnan._AKO.

"Ang ibig mong sabihin,Kumukuha lang ng tyempo ang mga kidnapers at saka nila gagawin ang masama nilang balak?Sa bundok talaga kahit alam nilang puro skilled at armado ang mga kasama nyong bodyguard,ganun ba? Then papano mo ipaliliwanag yung anggulo na kung saan ang sabi ng apat na guide,tumanggap sila ng tigpa 5K each,Meaning accesories to the crime pa din sila dahil tumanggap sila ng pera._Zee.

"Tinanggap pero isinuko sa quarters nila.Sympre natakot naman sila na baka pag di sumunod,baka pagbabarilin pa sila.At saka gusto din nilang makatulong para ma save sina Maui at Katie,kaya sinadya nilang ipadinig sa taong daraan yung plano na nagkataon namang ako ang nakadinig.
Kung tutuusin nga dapat pasalamatan sila ng pamilya Guillermo at Villareal dahil kundi dahil sa naisip  nilang strategy,posibleng nakidnap talaga yung dalawa._AKO.

"So ano ng plano mo ngayon nyan?Wala kang kahit isa manlang lead sa mga kidnapers kundi yang silver bracelet at tattoo.Mahirap malaman kapag ganyan lang,Dapat yung itsura ng lalaki matandaan nila._Zee.
Medyo madilim din daw kasi sa bahaging pinwestuhan nila kaya bahagya lang nilang naaninag yung walang takip sa mukha.

"Sa palagay ko,Kailangan ko munang malaman kung ano ano ba ang mga ginagawa sa araw araw ni Katie,At kung sino sino ba ang mga nakakasalamuha nya.I need to check din kung sino sino ba ung mga taong nakabangga o maybe mga taong nabanatan nya na as a journalist.
_AKO.Lahat ng posibleng pwedeng maging suspek ay dapat kong ma imbestigahan.

"Teka nga,Bakit ba masyado ka naman yatang nakatutok sa case na yan ha.Oo sabihin na nating mga kaibigan at kababata mo ang mga involve,pero panyero LAW ang kinukuha mo at hindi pagpupulis.At saka bakit naman dun ka lang sa KATIE NAKA FOCUS,Diba pati kamo yung socialites na si Villareal ay kabilang din sa may nagtatangkang kumidnap Bakit hindi mo din bantayan ang daily routine nya?_Zee.

"Kasi ikaw ang pagbabantayin ko sa kanya.Tamang tama,palagi kang nasa University diba tapos dun din naman sya palagi tumatambay dahil palagi syang nagpapraktis ng cheerdance,so sayo ko na sya ipauubaya._AKO.

"ANO,Teka,pano naman ako nasabit dyan?Ayoko kang makialam sa buhay ng spoiled brat na yun! Saka malayo ang Business Ad building sa building natin,Papano ko naman yun mababantayan aber?Wag na ko,Iba na lang.Ang hirap magbantay sa taong feeling sya na lang ang bukod tanging pinagpala sa balat ng lupa._Zee.

Ngumiti lang ako ng lihim.Matagal ko na kasing gustong magkakilala sina Maui at si Bespren Zee.Feeling ko,perfect ang kumbinasyon nila.
Isang matalino at isang tamad mag aral.Isang sosyalera at maarte at si Zee na mahirap nga pero magaling makisama sa lahat ng tao.Opposites attracts ika nga.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon