13.KATIE.

1.1K 49 1
                                    

"Napaka arogante talaga ng babaeng yun!Kundi dahil sa pakikialam nya,nakuha ko na sana yung buong detalye dun sa kaso eh.Nakaka gigil.Kundi ko lang kakilala ang pamilya nun,matagal ko ng sinira ang image nun sa media eh.Kakainis!_AKO.Tamang abang lang ako sa labas ng Cityhall dahil pinagbawalan na akong pumasok sa loob ng Justice hall habang patuloy pa rin ang trial.

"Miss Katie,Kalma lang po.Ako ang nini nerbyos sa inyo eh.Hintayin lang po muna natin matapos trial at saka natin abangan si Miss Dela Peña.Malay nyo,magpa interview sya sa inyo hindi ba?_Kuya Roger(Cameraman na palagi kong kasama sa location)

"Sana nga magkatotoo yang sinasabi mo at paunlakan ako ng isa sa kanila na ma interview ko.Kapag hindi tayo nakakuha ng information,lagot talaga sa akin yang Gucci na yan._AKO.Nakakainis lang na kahit magkakilala naman ang mga pamilya namin,Para syang ibang tao kung itrato ako.

"Miss Katie,Hindi ba sya yung babaeng humarang sa inyo na makapasok sa court?Yung babaeng maganda pero hindi ngumingiti,Kasama yung abogado nung walang pangalang author._Roger.Saka ako napatingin sa labas ng sasakyan.Sila nga yun.Nakita ko na pinagbuksan pa ni Gucci ang abogado ng pinto sa kotse nito.Napaangat ang kilay ko sa nakita,Kakaiba kung itrato ni Gucci ang Boss nya.Bukod sa nakangiti sya dun sa abogada,
May pabaon pa kasi syang pagtapik sa balikat nito.

"Teka lang ha,Susubukan kong lapitan yung writer at kausapin.Baka sakaling pagbigyan nya ko._AKO.Mabilis akong bumaba ng sasakyan at saka lumapit kay Dela Peña.Mabilis naman akong hinatak papalayo ni Gucci sa kanya.

"What the hell are you doing?Hindi ba sinabi ko na sayo na wag mong lalapitan ang kliyente namin?Talaga bang nananadya ka o hindi ka nag iisip?Umalis kana dito para pare pareho tayong makauwi na okey?_Gucci.Palingon lingon sya sa paligid habang kausap ako.

"Teka nga,Sandali lang.Magkaliwanagan nga tayo.Bakit ba mas mahigpit kapa sa mga bantay ng supreme court ha?Ano kaba dito,Hindi ba nag aassist ka lang sa abogadong pinag OOJTIHAN mo,Tapos kung pagbawalan moko,akala mo naman napakalaking balita na nung kalalabasan ng kaso.Isang simpleng isyu lang ito na ewan ko ba kung bakit napaka higpit ng mga taong involve sa kasong ito na isa publiko!_AKO.

"Ikaw na nga ang nagsabi hindi ba,Maliit lang na isyu ito kumpara sa mga naglalakihang pasabog ng network nyo.Pero naiisip mo ba kung bakit sayo inassign ang tungkol sa kaso nito?Hindi kaya dahil alam na alam na ng head ng news team nyo kung gano ka kapursigidong makakuha ng impormasyon sa mga task na ina assign sayo at kapag sa mabibigat at may matataas na taong involve,ayaw ka nilang iassign?._Gucci.

"So anong gusto mong palabasin sa sinasabi mo?Na kaya lang ako ang ina assign ng head namin sa mga ganitong topic dahil alam nilang wala akong mga matataas na taong makakabangga?_Ako.

"Alam mo sa sarili mo kung anong ibig kong sabihin.At para mas maintindihan mo ang sinasabi ko,Ito ang contact number ni Miss Dela Peña.Alam kong kapag ginusto mo,walang imposible.Sana lang,kapag nakausap mo sya,Wag mong isipin ang sarili mo lang.Dapat marunong ka ding makaramdam sa damdamin ng iba._Gucci.Iniwan nya akong nag iisip lang habang nakatingin sa paalis nyang sasakyan.



"Really girl,Sinabi nya yun sayo?Ay iba din.Mataba ang utak.Kaya pala law ang kinuhang kurso.May point naman sya dun girl.Kasi naman yang bosses ng network nyo,Masyadong madaming pinagtatakpang mga tao kaya ayaw ka nilang ma involve.Kaya sa mga unknown at mga pipitsuging balita ka lang nila pinadadala._Channel.Tinawagan ko sya sa fone at kinuwento ang mga nangyari.

"Hindi naman siguro ganun,Nagkakataon lang.Pero meron akong interesting fact na gustong malaman tungkol dun sa sinabi ni Gucci sa akin eh.Sinabihan nya ako na maging sensitibo sa mga tao sa paligid ko.Bakit, sa tingin nya ba wala akong damdamin sa kapwa ko at puro trabaho lang ang nasa utak ko?Ayyy grabe sya.Sya na ang mabait at humble human being!_AKO.Lalo tuloy akong naging interesado sa pag uusap namin bukas ni Edna Dela Peña.

"Hahahaha.Talagang ang laki ng galit mo dun sa ex kababata mo noh?
Pero infairness,Maganda sya ha.Kahit simple lang at ayaw magpahalatang RK,halata pa din sa kilos at sa itsura na hindi sya basta basta lang.
Kung lesbian lang yun gaya ng kapatid nya,malamang ang dami ding chiqs na mag hahabol dun._Channel.Saka biglang bumalik sa alala ala ko yung itsura nya nung 7 years old pa lang sya.Ang totoo,gandang ganda talaga ako sa kanya nuon pa lang.Madalas na sya ang gusto kong kahawak kamay kapag naghahabulan kami at palaging kakampi.

"Maganda nga pero hindi naman marunong tumawa!Naalala mo nung nasa resto tayo at saktong nandun din sila ng buong pamilya nya?Imagine,
Family na ang kasama nya nun ha,pero ni hindi ko nakitang ngumiti man lang.Masyadong formal at ni hindi umiimik._AKO.Kapag may gatherings ang pamilya namin,tanging sya lang ang hindi nakikihalubilo at nagdadahilang mas gusto nyang nasa library lang.

"E kasi nga law ang kinikuha.Baka nga naman walang kumuha sa kanyang kliyente kapag nakita syang patawa tawa lang.Mas okey din yung pa misteryosa ng kaunti.hahahaha.Anyways,so papano bukas tuloy na ang pag uusap nyo ni unknown otor nyan?Mabuti naman at pumayag syang magpa interview sayo.Goodluck na lang inday._Channel.

"Kaya nga,para matapos ko na din itong kaso na ito at maka move on na.
Meron akong inaabangang bagong balita eh,kaso hindi pa confirmed kaya saka ko na sayo sasabihin.Mabuti pa matulog na tayo.Baka magka pimples pa tayo sa pagpupuyat natin.Goodnight girl._AKO.Pagtapos naming mag usap,Nagsimula na akong magpahid ng moisturizer sa mukha.Meron ding para sa katawan.Nag spray din ako ng

para sa anti aging at saka lip balm para hindi mag dry ang lips ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

para sa anti aging at saka lip balm para hindi mag dry ang lips ko.

Bahagya muna akong sumilip sa labas ng room.Bukas na sisimulang ipa renovate ang rooftop open area at hindi ko na din matatanaw mula dito sa kwarto ang mga bulaklak na yun.Maaaring sa paningin ng iba,naka aaliw pagmasdan ang mga ibat ibang uri ng mga bulaklak,pero iba sa kaso ko na nag iiba ang mood kapag may bulaklak sa paligid ko.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon