19.KATIE

987 43 0
                                    

Masayang masaya talaga ako sa kinalabasan ng rooftop renovation dahil ibang iba na kasi sya kaysa dati

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Masayang masaya talaga ako sa kinalabasan ng rooftop renovation dahil ibang iba na kasi sya kaysa dati.Nag hired si mom ng gardener para lang maging maayos naman ang kinalabasan ng bagong garden nung may ari na nasa 1st floor.(Yun din daw  ang may ari ng apartment ayon kay Ate Menggay)

"Naku Ate Meng,Pakisabi sa may ari salamat at pumayag syang magamit ko pa yung space ko dito sa labas ng room ko.Alam kong maninibago pa sya sa umpisa pero masasanay din sya paunti unti for sure.Syanga pala, Meron ako ditong mga sobra sa mga pinamili ko,Kung gusto mo lang naman,para sa mga anak mo at sayo na din._AKO.Inabot ko sa kanya ang mga imported chocolates na sobra na sa maliit kong ref.Mga dalawang plastic bag din ang sobra kaya sayang naman kung matutunaw lang.

"Ikaw naman Katie,Nag abala kapa.Ang dami naman ito.Tyak na matutuwa ang mga anak ko dito.Salamat ha.Hindi ka lang maganda,Mabait kapa.Hihihi._Ate Menggay.Matapos ang kaunti pang kwentuhan  ay umalis na din sya dala ang dalawang plastic bag ng chocolate.

After kong kumain ng dinner ay nagpahangin akong saglit sa rooftop.
Hindi ako lumalapit sa gilid at hindi din ako sumisilip sa pinaka dulong bahagi nito.Nakatingala lang ako sa mga bituin sa langit habang nakaupo sa naka design na talagang upuan duon.
Takot na takot talaga ako kapag nasa itaas at lulang lula kapag titingin sa ibaba kaya sa itaas na lang ako tumitingin.

"Pasensya na kayo ha,Medyo lumiit ang space nyo ngayon.Pero wag kayong mag alala,hindi ko pa din naman kayo pababayaan.Aalagaan ko pa din naman  kayo at mas pagagandahin pa._Nagmula ang tinig sa kabilang side ng rooftop.Sa may bandang hardin.Kinakausap ba ng may ari ang mga halaman nya?Natawa ako ng bahagya.

Mabuti na lang at may sarili na syang daanana kaya hindi na kami magpapangita pa ng owner nitong apartment.Kaagad naman akong pumasok sa loob ng room ko para makapag ayos na din sa sarili ko.
Panibagong assignment na naman kasi ang siguradong ia assign nila sa akin kaya need kong matulog na ng maaga para makapag relax at di mag mukhang haggard pagpasok ko bukas.

Panibagong assignment na naman kasi ang siguradong ia assign nila sa akin kaya need kong matulog na ng maaga para makapag relax at di mag mukhang haggard pagpasok ko bukas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Safari adventure ang motiff ng birthday party ng anak ni congresswoman Abby Castillo.Madaming kilalang mga personalidad ang nagsipagdalo sa okasyon kabilang na si Senador Pen Hipolito.Ang ini assign sa akin para daw magbalita sa magaganda nyang nagawa.

"Magandang hapon sa lahat ng mga taong nandirito.Nagpapasalamat po
kami,in behalf of my family sa pagdalo ng ating butihing senador na si Senador Hildalgo.Salamat po senador sa mga tulong na inyong ibinigay para sa mga batang nangangailangan ng tulong at pagkalinga.(Nag invite sila sa party ng mga batang lansangan para maipakita sa publiko ang kanilang pagkakawangga)Nagpalakpakan ang lahat para sa senador.

"Magandang hapon din,Congresswoman Castillo at sa lahat ng mga tao na nandirito.Una sa lahat binabati ko sympre ang iyong anak ng happy birthday.Natutuwa ako na kahit para ito sa kaarawan ng iyong anak Miss Abby, Mas pinili nyo pa ding makatulong at magbigay ligaya para sa mga nangangailangan.Kaya naman ako'y nagagalak at hindi na patatagalin pa ang aking salaysay.Mula sa pondo ng aking opisina,Magdodonate ako ng malaking halaga para sa mga batang ito._Senador Hidalgo(Ipinokus ang camera sa mga batang pulubi na nanduon.Mga batang kundi ako nagkakamali ay mga hinila lang sa kalye para gawin kunwaring mga bata ng isang foundation).

Tuwang tuwang nagpalakpakan naman ang lahat ng nanduon at saka isa isang kinamayan ni senador ang mga bata.Habang abala ang lahat sa pagpapakain sa mga bata,lihim kong sinundan si senator Hildalgo at congresswoman Castillo papunta sa loob ng isang room duon sa venue.

"Abby!Sinabi ko naman sayo na wag na wag mo akong pakakamayin sa mga mababahong bata na yun!Nakakadiri ang mga amoy at madudumi pa ang mga kamay._Senator Hidalgo.

"Biglaan naman kasi itong pagpapa media coverage mo.Malay ko bang dito pa sa birthday ng anak mo gagawin ang pangangampanya.Nanghila lang ang mga tauhan ko ng mga bata sa kalye.Sa susunod,magpasabi ka kaagad ng mas maaga._Congwm.Castillo.Dinig na dinig ko ang pag uusap nila.Sinasabi ko na nga ba,kunwari lang na tumutulong sa mahihirap yun pala,palabas lang ang lahat.Isa pang nakaka gulat ay ang pagkakasabi ni congresswmn Abby na anak ng senador ang celebrant.Sa pagkaka alam ko, pareho silang may asawa at pamilya.

Kaagad akong tumakbo papalayo sa room ng nakayuko para hindi ako makita.Hindi ko na inintay na matapos pa ang pag uusap ng dalawa at baka may makakita pa sa akin na nakikinig ako sa usapan nila.

Malapit na ako sa sasakyan ng may isang kamay na humila sa braso ko at kaagad tinakpan ang bibig ko para hindi makagawa ng ingay.

"Wag kang kikilos ng masama kung ayaw mong iputok ko sayo itong baril na hawak ko._Lalaking may hawak sa akin.Napatango naman ako habang hatak hatak nya ako sa likuran at saka dinala sa room kung saan ko nadinig na nag uusap sina Senador at congresswoman.Wala na sila duon sa loob at kami na lang nung lalaki ang nasa loob

"Anong ginagawa mo dito at bakit ka pagala gala?Malayo na ito sa venue ng birthday.Hindi mo ba alam na bawat sulok ng lugar na ito ay may cctv camera na nakatutok?Sino ka at anong pakay mo sa congresswoman?_Lalaking malaki ang boses at katawan.

"Ahhhh,Kasi boss naghahanap ako ng CR sana.Kaya lang nagkamali ako ng napuntahan kaya dito ako napadpad.Isa akong reporter.Ito yung ID ko.
Minsan ko na ding na interview ang senador kaya im sure maaalala nya naman siguro ako kahit papano._AKO.Lumapit si kuya sa akin at saka tumawag sa telepono nya.Maya maya pa ay isang babaeng naka puting polo shirt ang dumating at kaagad lumapit sa akin.

"Pasensya na miss pero kailangan naming ma check baka meron kang mga nakatagong deadly weapon.Tumawag ako ng babaeng bodyguard para sya ang mag assist sayo,Pasensya na pero kasama ito sa mga protocol ng company namin._Kuya bodyguard.Hinayaan ko namang i check ako nung ladyguard.Infairness,hindi sila bastos na kagaya ng ibang bodyguard na basta ka na lang kakapaan ng hindi nagpapalaam.

"Pwede na ba kong bumalik sa sasakyan ko?Inaantay na siguro ako ng kasama ko kanina pa.Pasensya na din sa abala.Sige mauna na ko._AKO.
Dali dali akong naglakad pabalik sa sasakyan at saka ako nanlambot na napaupo na lang back seat.

"Miss Katie,Ayos ka lang ba?Namumutla ka ah.May nangyari ba sayo sa loob?Tubig,gusto mo?_Kuya Roger.Inabutan nya ako ng bottled water at saka ako nagkwento sa kanya sa nangyari sa akin sa loob.

Hindi ko alam kung bakit walang ginawa si Senador sa akin kahit alam kong alam nya na may nadinig ako sa pinag usapan nila ng congresswoman.Kung ano man ang binabalak nya sa mga susunod pang mga araw,Kinakailangan kong maghanda.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon