THIS IS ABOUT THE STORY OF FRIENDSHIP AND RELATIONSHIP OF TWO PEOPLE WITH THE SAME GENDER.
MULA SA TAMBALANG SALLY AT GD,NAGKAROON NG "MAUI AT ALOHA"
"Kinidnap na Pangarap" (Maui and Zoila love story)
"Ang oldmaid kong stewardess" (Aloha and Gari lo...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mabuti na lang at hindi ako kailangang maaga ngayon sa station kaya medyo tinanghali ako ng gising.Maganda ang panahon at hindi masyadong maaraw kaya naisipan kong lumabas saglit sa room ko sa para mag inat inat. Nagulat ako ng may nadatnan akong babae na nakaupo sa sofa at abala sa pagpipinta gamit ang isang lapis.Ito na kaya yung sinasabi ng landlady na may ari ng mga tanim na mga bulaklak?
"Hello Miss,Pasensya na sa abala.Ako nga pala si KATIE,Ako yung nakatira dito sa rooftop,Nice to meet you._AKO.Bahagya akong nagulat dahil mukhang foreigner din pala ang itsura nya,Singkit kasi ang mga mata nya at saka maputi.
"Hi din,Nice to meet you too.Im Martha Morgan.Dun ako sa second floor nagri rent.Pasensya kana kung naabala yata kita sa pamamahinga mo, maingay ba ko kaya ka napalabas ng room mo?_Martha.Tagalog sya magsalita pero bakit Morgan ang surname nya kahit Asian beauty sya?
"Akala ko chinese ka or korean kaya nag alangan akong kausapin ka kaagad.Tagalog ka din pala magsalita.Taga saan ang mga Morgan if you dont mind asking?_AKO.Sa totoo lang ang wierd ng pagkatao nya sa tingin ko.
"Hahahah.Wag kang mag alala,Hindi lang ikaw ang unang nagtanong nyan.Actually medyo magulo din kasi ang lahi ko talaga. To make it short,Half pinay half korean ako.Pero since sa Spain kami nakatira dahil sa work ng tatay ko,Pinapalitan nya ng Morgan ang surname namin._Martha.Muli ko syang sinuri sa mas malapitan,Hindi yata uso ang suklay sa kanya at napaka simple din ng suot nya.White lose shirt at saka pinutol na maong at ginawang short.
"Ganun ba,Kaya pala kahit magaling ka magtagalog parang may accent pa din.Mukhang alam ko na ang trabaho mo,Isa kang painter right?_AKO. Bahagya akong natawa sa tanong ko.Minsan din,may katangahan ako sa mga bagay na obvious na.
"Well,Tama ka naman dun.Actually,bihira lang akong mag trabaho dito sa apartment talaga kaya walang nakaka alam na isa akong painter.Madalas kasing sa malalayong lugar ako nagpupunta para makakuha ng magagandang inspirasyon.Nagkataon lang na natanaw ko mula sa ibaba itong nag gagandahang mga bulaklak kaya naisipan kong ipinta._Martha.
"Ganun ba,Sabagay maganda naman talagang subject ang mga bulaklak sa pagpipinta.Anyways,Its nice to meet you Martha and i hope to see you ng madalas para naman maging close tayo bilang magkapitbahay. Sige ha,Need ko ng maghanda para pumasok eh.Mauna na muna ako. _AKO.Hindi ko kasi talaga kayang mag stay sa labas ng rooftop dahil takot ako.Pero hindi ko lang yun pinahahalata sa kaharap ko.
"Its Nice to meet you too Miss Katie.Babalik na din ako sa room ko dahil mainit na din dito.Sige bye.Ingat._Martha.Kumaway pa sya sa akin habang bumababa dala ang kanyang drawing pad at lapis at ako naman ay pumasok na din sa loob para maligo.
"Miss Katie,Kayo na po ang susunod na sasalang sa interview. Pinareremind lang po ni Senator Hipolito na bawal daw pong magtanong tungkol sa drug addict nyang anak.(Pocholo Hipolito,drug addict)_Mira.(Coordinator ng program) Ganito ang kalakaran sa network na pinapasukan ko,Kapag matataas na opisyal ng pamahalaan,kailangang sumipsip ng network para mas dumami ang backer nila sa gobyerno.
"Alam ko na kamo ang gagawin,wag silang mag alala._AKO.Ito ang hirap sa kakaumpisa pa lang sa trabaho,wala ka pang karapatang magreklamo kahit para ka nilang tao tauhan.Bawat tanong detalyado at kailangang walang kasiraan sa ini interview.Kaya nga ba ayokong maging news anchor lang.
"Magandang umaga Miss Katie,Lalo ka yatang gumaganda?Well,Hindi naman nakapagtataka yun lalo pa't nagmana ka sa dalawang nanay mo ng kagandahan._Senator Hipolito.Alam ko namang may halong pasaring ang ibig nyang sabihin sa dalawa kong nanay,ngumiti na lang ako sa kanya at saka muling binalikang basahin ang mga tanong na ibabato ko maya maya lang sa kanya.
"Good morning din po senador,Salamat po sa papuri.Alam nyo po bang sobra akong blessed sa pagkakaroon ng mahusay na mga nanay na nagpalaki sa akin kaya naman bukod sa itsura,pinamana din nila sa akin kung papaano gumalang sa nakakatanda._AKO.(Bukod kasi sa drug addict ang anak nya,madami na ding mga reklamo sa pagiging bastos at walang pag galang nya sa nakakatanda)
"Hahahaha,Well totoo naman yun.Sayang nga lang at hindi kana nasundan pa,Mas madami sanang IVF baby ngayong kasing ganda mo na na nag iinterview sa akin.Btw,Ikumusta mo na lang ako sa Mama Terry mo,matagal na din kaming di nagkikita._Sen.Hipolito.May ilang business din kasi sya kaya may mga gathering silang parehong pinupuntahan.
"Hayaan nyo po at makakarating ang pangungumusta nyo sir._AKO. Ilang saglit pa ay nagsimula ng gumiling ang camera kaya naman seryoso ako habang nag i interview sa kanya.
"Salamat sa inyong lahat sa pagbibigay sa akin ng chance na maipaliwanag ang side ko.Salamat din sa mga head nitong programa sa paglalaan ng panahon sa akin na maiparating ko sa sambayanan ang malinis kong intensyon sa pagtulong sa maralita nating nasasakupan. Asahan nyo po ang malinis at mapuso kong pagdamay sa lahat ng mga naapektuhan ng nangyaring demolisyon._Sen.HipolitoSa huling mensahe na ipinarating ng senador,parang gusto kong masuka.Kabaligtaran kasi lahat ng mga sinabi nya ang tunay na ugali nya.
"Miss Katie,Pinapatawag po kayo ni Boss Kelly.Gusto daw kayong makausap para personal na magpasalamat sa mataas na rating ng show. _Mira.Kaagad naman akong nagtungo sa opisina ng boss ng News Channel na si Boss Kelly.Ang boss na medyo ilang ako dahil pakiramdam ko,tinanggap lang ako dito dahil type nya ako at hindi dahil sa kredibilidad at kakayahan ko.
"Please come in Katie,Bukas yang pinto._Boss Kelly.Bumungad kaagad sa akin ang nakangiting si Miss Kelly Peralta.(Lesbian na halos kaedaran na ng parents ko.May katabaan sya at saka parang minamanyak ka kapag tumitingin sya sa akin.)Kasi naman,sa dibdib at hita ko sya palagi nakatingin at hindi sa mukha ko kapag kausapan ko sya ng harapan.
"Good evening po Boss.Ipinatawag nyo daw po ako ma'am._AKO. Tipid ako magsalita lalo pa't kami lang dalawa ang nandito sa loob ng opisina nya.
"Yes,Gusto ko lang sanang i congratulate ka sa naging outcome ng live interview mo kay Pen.Mataas ang rating ng show sabi ng survey at isa ito sa pinaka mataas na rating ng show na ikaw ang host.Kaya naman gusto ko sanang ikaw ulit ang kunin sa susunod na episode._Boss Kelly.
"Salamat po ng marami Boss.Natutuwa po akong malaman na may mga nasiyahan sa interview ko ngayon gabi._AKO.Deep inside,hindi ako natutuwa sa ginawa ko.Para ko na ding kinunsinti at pinagtakpan ang bulok na pagkatao ng senador sa ginawa kong panayam.
Ito ang hirap sa baguhan at papasimula pa lang sa pag abot ng mga pangarap nya,kailangan mong lokohin ang mga tao at sumunod sa nakakataas para tumagal ka at makarating sa itaas.