✨ 2.1 : Hanggang Kailan ✨

16.3K 175 8
                                    

• show some love!
•vote and kindly leave some feedback! •
•Thank you •
Music:  Sa'yo by Silent Sanctuary.
#VINCENTwp

✨✨✨

Hanggang Kailan

"Why are they here?"

Sumilip muli ako mula sa pinagtataguan namin ni Reed dito sa may tabi ng gift shop para makita kung nandoon pa ba sa bilihan ng cotton candy ang pinsan ko at ang girlfriend niya.

Nang maaninag ko palang ang kulot nitong buhok at ang matikas nitong pangangatawan ay agad akong bumalik sa pwesto ko at ibinalik ang atensyon ko sa kapatid ko na kasalukuyang nakatayo sa aking harapan at itinatago ako sa paningin ng mga dumadaang mamimili ng gift shop. Nagsusumiksik kaming dalawa dito sa may likod nang napakalaking halaman sa may entrance. "I don't know! It's been a week since we last talked!" pabulong kong sigaw sa kaniya.

"Are you two fighting again?" aniya habang pinagmamasdan ang dalawa.

Nang hindi ako agad na sumagot ay nagbalik sa akin ang tingin niya at tinaasan ako ng kilay.

"Hindi...basta! I'll tell you later okay? Kailangan lang natin makaisip ng way paano tayo makakatakas sa kanila."

Kahit na hinahabol ko pa ang aking paghinga dahil sa ginawa naming pagtakbo kanina ni Reed upang makahanap ng lugar na maaaring mapagtaguan kina Grey at Maine ay minabuti ko munang punasan ang aking pawis at nang sa kapatid ko. Mabilis kong tinuyo ang likod niya  gamit ang towel na dala namin dahil  mahirap na siyang matuyuan at magkasakit, at baka matambakan pa siya ng trabaho sa opisina.

Gods, it's been a month ever since we came back here in Manila, at naka-ilang tagong dates na din ang nagawa namin, pero ngayon lang namin talaga naranasan na makasalubong ng kakilala namin sa mga date naming ito. What's worse ay pinsan pa talaga namin. At sa lahat ng pinsan namin ay si Grey pa talaga ang kamuntikang makakita sa amin kanina.

Mabuti na lang at nakilala ko agad ang kulot niyang buhok ng makasabay namin silang pumila doon sa Haunted Mansion, at nakatago ka agad kami dito sa Gift shop. Kapag kami talaga ay nakita nito,  nako, siguradong hindi pa kami nakakauwi ng bahay ay alam na ng buong angkan namin ang tungkol sa amin ni kuya. Sobrang daldal pa naman ng kulot na'to.

"Look at them. Gaano ba talaga katagal bumili ng cotton candy?"

"You know Grey, he always take his time on everything."

Napabuntong hininga ako at halos magpasalamat na sa lahat ng santo nang akbayan na ni Grey si Maine at lumayo na sila sa pinagtataguan namin.

"Kailangan na ata nating umuwi, Reed. Mahirap na at baka mahuli nila tayo."

Umiling siya sa akin at kinuha ang kamay. Lumabas na kaming dalawa sa pinagtataguan namin at naglakad sa kabilang direksyon na tinahak nila Grey. "No. We will stay here. Come on, I saw one ride we can both try."

"But Reed..." pagrereklamo ko at nilingon ang pinuntahang direksyon ng pinsan ko. They're nowhere to be found. I think we're safe for now...pero hanggang kailan?

Gods. Napapagod na ako sa laging patagong ginagawa namin ng kapatid ko. Every time I'm with him, palagi na lang akong tumitingin sa paligid, just to make sure no one can recognize us. Hindi na ako natahimik at natigil sa pag-aalala na baka may makahuli sa amin.

A month ago, ang lakas pa ng loob kong sabihing kaya ko ang lahat ng pwedeng mabato sa aming balakid, hindi ko naman akalain na umpisa pa lang ay mahihirapan na kami.

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon