✨ 2.52: Napapagod Na Akong Mahalin Ka✨

4.5K 103 61
                                    

I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!

Music: Listen to Agsunta's Cover of MALAYA for more feels.  I swear, dodoble yung saya niyo. And  this will be the theme song for #SaVed from now on haha!

#VINCENTwp

  "Aatras na ako sa laban.
Hindi dahil naduduwag na, kundi dahil mahal kita
Mahirap kasing labanan ang mga espada ng orasan
Kung pipilitin ko pa, lalo lang tayong masasaktan." 

✨✨✨
Napapagod Na Akong Mahalin Ka

"Excuse me. Is there any problem here?"

I didn't know who interrupted us but it sounded like one of those businessmen that we talked to earlier. Pero dahil hindi ko na mai-alis ang tingin ko kay Reed ay hindi ko na nakilala kung sino ito.

I just continued watching my brother sighed as he stepped back away from me. He let go of his hold and tried flashing a tired and fake smile towards the person behind me as if what he said to me prior was nothing.

"We're just talking here Mr. Zulueta. Sorry for disturbing your night."

"No it's alright. My wife here was just alarmed because she heard you shouting."

Umiling si kuya at mas lalong lumapad ang ngiti. "I assure you sir, there's nothing wrong here. Right Savannah?" aniya. "Away magkapatid lang."

Napalunok na lamang ako.

Anong nangyayari? Bakit siya nakangiti? Bakit kaya niya pang ngumiti ngayon samantalang ako ay hindi na makagalaw sa kinatatayuan?

"I see," sabi ng kausap niya. "Okay, we'll go ahead and talk to your father. Have a nice evening Ms. Savannah, and you too Reed."

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko ngunit hindi ko na ito nilingon pa. I couldn't take my eyes off away from my brother. I wanted to shout at him at that moment just to stop all his pretensions.

This is not the same brother that I know and loved. He grew cold and distant. Sumasakit lalo ang puso ko sa tuwing ngi-ngiti siya sa iba para lang matago kung kagaano nanginginig sa galit ang mga nakakuyom na kamao niya.

"Thank you," sagot ng kapatid ko sa taong kumakausap sa amin at saka bumaling na sa akin.

Everything moved in a slow motion after that. Hindi pa rin ako maka-bawi sa sinabi niya sa akin kaya hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. He's saying more things to me but I only heard half of it. Lutang ang isip ko sa kakaproseso ng mga nangyayari. Basta ang alam ko lang ay gusto niya kaming pumasok na sa loob ng bahay at doon mag-usap.

"Savannah? Let's go upstairs shall we?" tanong sa akin ni kuya na hindi maalis alis ang ngiti sa labi. "And talk?" dagdag pa niya.

Panay siya sipat sa paligid namin na pawang ginagawa at sinasabi niya lang ang mga iyon para sa kapakanan ng mga taong nakapaligid sa amin na nakikinig at hindi para sa akin, na ilang araw ng hinihintay ang sagot niya at tanging nakukuha lang ay ilang masasakit na mga salita.

"Savannah, I said let's go."

Hindi niya ako hinintay na makasagot at kinuha ang braso ko upang isabay na sa kaniyang paglalakad papalayo doon sa garden namin. Marahas at halos kaladkarin niya ako sa bilis niyang maglakad. "Faster," utos pa niya. Habang ako ay napatulala na lamang at napatitig sa likuran niya habang naglalakad kami papasok muli sa bahay.

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon