☀️2.65: Amor☀️

6.1K 98 55
                                    

Amor

Reed Jacob Fonacier's POV

I was dead tired when we arrived back in the Philippines that following week. Dumereto pa kasi kami sa Montego para asikasuhin ang mga naiwanang transakyon ng mga magulang namin. Dalawang araw lang ang itatagal ko naman doon bago ako muling bumyahe papunta ng London.

"Hijo,"

"Yes, dad?"

"Follow me in my study. We need to talk."

F uck. I sighed as I handed my bags to our maid. I needed to sleep. Couldn't dad wait?

"Fredericko, hindi ba pwedeng mamaya na lang? The kids need to rest, especially Reed. Halos isang araw na lang ang pahinga niya bago pumunta ng London."

Savannah rolled her eyes and pouted at our father. She already placed her things in our room and was just coming out of it when she overheard our conversation. "Oo nga naman daddy," she muttered.

But dad refused to listen to the two women who were with us and rolled up his sleeves as if saying that the conversation was over and he needed me right away. "He can rest later," he said and then left.

Wala na akong nagawa. Mas lalong hahaba lamang ang magiging pag-uusap namin kung hindi ako susunod ka agad.

Niyaya na lamang tuloy ako ni mom na kumain ng hapunan kasabay niya habang tinawanan lang ako ng kapatid ko. Mukhang maglilibot na ka agad siya sa paligid. D amn. Hindi pa ba siya pagod sa haba ng biyahe namin?

"Good luck kuya. Enjoy your time with dad!"

"Where are you going?"

Huminto siya sa may pinto at naglakad pabalik sa akin. "Bibisitahin ko lang sila Jedidiah at Sophia."

I didn't want to pry but I couldn't help it. Normal naman yata sa isang kuya ang maging pakialamero.

"For what?" tanong ko.

"Because they're my friends and I missed them?"

Umiling ako sa sinabi niya. Matigas na noon pa man ang ulo ng kapatid ko. Hindi na ako nagtaka kung bakit ang hilig niya pa rin makipagkaibigan sa mga taong hindi na dapat pa.

"Pinagsabihan na tayo ni dad na 'wag na makikipagkaibigan sa mga empleyado, bakit hindi ka pa rin sumusunod?"

Savannah rolled her eyes at me and I stopped myself from getting pissed.

Palagi niya na lang sinusuway ang mga utos ni dad sa amin. Hindi ba siya natatakot? Hindi ba niya naiisip na kapag nasa London na ako at pinagpatuloy niya pa rin suwayin ang kahit mga simpleng utos lamang ni dad ay wala na sa kaniyang magtatanggol at wala ng sasalo ng mga parusang ibibigay sa kaniya?

Hindi niya ba naiisip na baka matulad kami kila Levi at maranasan din namin ang mga ginagawa ni tito Miguel sa kanila sa tuwing hindi sila sumusunod?

"Don't be absurd. Sila Jed lang naman 'yun."

"Ano ba talaga ang kailangan mo sa kanila?"

"Wala naman, bibisita lang ako."

Hindi ako naniwala sa sinabi niya at hindi ko rin siya pinakawalan. Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya at ipinaupo ko siya muna sa sandalan ng sofa.

"Tell me." Alam kong may itinatago pa siya. Kitang-kita ko 'yun sa mga mata niyang hindi makatingin ng diretso sa akin.

"Hay, wala talaga akong maitatago sa'yo. Fine. I need to tell Jed something."

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon