•Don't forget to comment your reactions okay? (It will be very much appreciated haha)• #VINCENTwp
✨✨✨
Lies
"Miss, we're here."
Nagising ako sa malumanay na boses ng aking bodyguard na si Mal. Iminulat ko ang mga mata ko at nag stretch nang kaunti. Matapos noon ay tumingin ako sa bintana at nakita kong naka-land na pala ang private jet namin.
That was my first time traveling abroad ever since I had my accident so talagang excited ako.
"Hinihintay na po kayo ng kapatid at ng mga pinsan niyo roon, miss Savannah." Dagdag pa niya. Nagpasalamat ako at naghintay na lang sa hudyat ng kapitan na pwede ng magtanggal ng seatbelt at bumaba na ng eroplano.
I was expectant and excited at the same time by what Mal told me.Hindi lang dahil sa posibilidad na naroon ang mga pinsan ko at makikita ko kung magkaka-ayos na ba kami, kung hindi dahil na rin makikita ko na ang kakambal ko, matapos na ilang araw naming walang komunikasyon.
Sa wakas.
"Miss, isuot niyo po 'yung glasses niyo pati na rin 'yung cap ninyo. May mga photographers po sa arrival area."
"Photographers?"
Tumango si Mal. "Tumawag po ang iba kong kasama na nauna na roon at sinabing may mga reporters daw po na nakatunog na paparating kayo."
"Bakit hindi na lang tayo dumaan sa private arrival area?"
"Mas lalo pong marami ang mga reporters doon ma'am. Doon po kasi kayo ine-expect na dumaan. Hindi na po ma control ng security ang mga reporters doon kaya napagpasyahan po namin na idaan na lamang kayo sa pampublikong daan. Kaunti lang po ang nag-aabang na reporters doon sa ngayon at maraming civilians. Kung magmamadali po tayo sa paglalakad ay pwede po nating subukang humalo sa mga pasaherong kakarating lang din para hindi nila tayo makilala. At doon din po kayo sasalubungin ng mga pinsan niyo, ma'am."
Lumunok ako sa kaba at kinuha ang sunglasses ko sa bag. Hindi ko naman naranasan ito sa Pilipinas, dahil matapos ang aksidente ko ay nag lie-low na ako sa mata ng publiko. Ni social media ay hindi ko sinusubukan dahil gusto ko ng pribadong buhay. Ngunit simula ng naging maingay na naman ang kapatid ko at si Monica sa publiko ay nagsimula na namang bumalik ang interes ng media sa aming mga kamag-anak nila.
"Miss Savannah, look at this way please!"
"Savannah, what can you say about your twin's relationship with Monica?"
"Savannah!"
"One smile, Fonacier please!"
Ilan lamang 'yun sa mga sigaw na narinig ko habang nakatago ako sa mga malalaking braso ni Mal papunta roon sa arrival area ng airport.
Sa pagka-kaalam ko, ang Heathrow airport ang busiest airport doon sa London kaya hindi na ako nagulat na sa bawat pagtawag ng mga reporters sa pangalan ko ay mas lalong kumakapal ang mga taong nakiki-usyoso sa amin sa magkabilang gilid ko.
Gods.
Celebrity ba sila Reed at Monica, at ganoon na lamang ang kagustuhan ng mga reporters na makakuha ng scoop?
"Miss iyon na 'yung sasakyan, pumasok na kayo sa loob. Sa kasunod na van na po ako sasakay."
Since Mal was a six-foot-two mountain of a man, he easily shielded me from all the reporters who wanted to take some pictures of me, and guided me through a heavily tinted stretched limousine.
Bago ako pumasok ay lumingon muna ako, may mga reporters pa rin na nakasunod sa amin at kinukuhanan ako ng litrato.
BINABASA MO ANG
VINCENT (Book 2 of 2) ↠ Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)
Fiksi Umum↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko na nakapulupot sa kaniya. "I'm sick and tired of us." Wala niya akong emosyong pinagtitigan. Kung m...