I enjoyed writing this, lol. I'm on my zone haha anyways, comment! Comment! Vomment! Comment! Share! Comment! Sobrang nakakagana magsulat pa kapag nakakabasa ako ng feed back so pleaaaaase, it won't take a minute or two to leave one naman e. Hahaha. Thanks!
PS. Next chap is heartbreak-less chap (I think?) lol para makahinga naman tayo haha.
#VINCENTwp
✨✨✨
Isa Pa, Savannah"Anong ginagawa mo dito?" I blinked a couple of times just to be sure that what I was seeing was really Jedidiah.
Aminado akong nawalan na ako ng konsepto kung sino-sino na ang kaharap ko simula nang ubusin ko ang ika-apat kong vodka, subalit habang tumatagal ang pagtitig ko doon sa tumawag sa akin ay mas lalong kumaklaro ang mukha niya.
Chinito, matangkad, at matipuno ang tumutulong sa akin upang makatayo. Mukhang kayumanggi rin ang kulay ng balat niya dahil sa ilang oras na pagbibilad sa araw habang nagtatanim sa Montego katulad ng kaibigan ko kaya hindi na ako nagdalawang-isip kung siya nga iyon. At isa pa, wala namang ibang tumatawag sa akin na Destiny kung hindi si Jed lang.
"May kinita lang ako dito. Teka, lasing ka ba?" aniya habang tinitingnan ang suka ko doon sa paanan niya. He grimaced and hoisted me away from my puke and offered me his handkerchief that he got from his back pocket before staring back at me with concern.
Tumawa ako nang malakas sa nag-aalalang tono niya at hinampas ang mga kamay niyang umaalalay sa akin sa pagtayo. Mabilis ko ring pinunasan ang bibig ko.
Bakit lagi na lang nag-aalala sa akin ang mga taong nakapaligid sa akin? Do I really look helpless and pathetic to them?
"Sa club? Paano kayo magkakaintindihan doon? At ako? Malalasing? Never!" I said, swaying and cursing my limbs when they almost buckled up under me.
When I grasped his arms and then crashed down into him, I laughed so hard that I could already felt my lungs bursting inside my body. Ang weird ng pakiramdam. Parang wala akong pinoproblema habang nakangiti ako doon sa kaibigan ko.
"Saan ka napunta ha, Jed? I missed you! Bakit hindi ka pumunta sa birthday party ko? Inimbitahan ka ba nila? Dapat nagpunta ka! Dapat nakausap mo rin si Reed! Masaya! Matutuwa ka sa sasabihin niya!"
Parang bigla na lang nawala ang lahat ng paki ko sa paligid nang magsimula akong magkwento ng kung ano-ano kay Jedidiah. Parang bigla na lang naging masaya o nakakatawa ang lahat ng bagay. I felt like s h i t and totally wasted in front of him, but at the same time, I just didn't care.
I just didn't care.
Sana, kung ang alak talaga ang rason kung bakit ganoon kagaan na lamang ang naramamdaman ko, ay sana...sana hindi na ito mawala sa sistema ko. Sana panghabang buhay na lamang akong lasing.
"Wait, gosh. Don't answer that. Anyway, nandito ka ba para sunduin ako?Tinawagan ka ng pinsan ko 'no?"
He brushed off my accusatory glare and gently held both of my shoulders to steady me. Natawa ako nang gawin niya 'yon lalo pa nang mas kumunot ang noo niya at mas naging singkit ang mga mata niya habang nag-iisip siguro kung bakit ako parang baliw na tawa ng tawa sa kaniya.
"'Ga, alam mo namang hindi ko kasundo ang mga pinsan mo," aniya. His frown deepened and if my eyes weren't already playing tricks on me, I would say that I saw his eyes darkened when he mentioned about my cousins.
Kung hindi lang sana ako lasing ay baka nag over think na naman ako tungkol sa kung ano nga ba talaga ang totoong nangyari noon at masyadong malalim ang pinag-uugatan ng galit niya sa pamilya ko ngunit dahil na rin sa impluwensiya ng alak, ay nawalan lang ako ng interes dito at ang gusto ko lang gawin ay yayaain iyong kaibigan kong magpakalasing.
BINABASA MO ANG
VINCENT (Book 2 of 2) ↠ Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)
General Fiction↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko na nakapulupot sa kaniya. "I'm sick and tired of us." Wala niya akong emosyong pinagtitigan. Kung m...