I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!#VINCENTwp
✨✨✨
Nemini Crede
Simula nang sabihin sa akin ni Levi ang dahilan kung bakit siya nagagalit kay Alicia ay hindi na ako umimik.
Gods. Everything was so f ucked up.
Lahat na lang ng bagay ay problema sa paligid ko. Pakiramdam ko tuloy ay magnet talaga ako ng malas at hindi na naubusan ng kumplikasyon ang buhay ko at ang mga taong malalapit sa akin.
Levi told me that when he tried to relay the news to his mom, she surprised him by saying that she knew all along. She knew about the affair, but chose not to tell it to her son. She chose his husband who beat her like a pulp and not his son.
What a f u cked up family we both have.
Hindi ako makapaniwala na ang una kong persepsyon pagkagaling ko sa hospital matapos ng aksidente ko ay perpekto ang mga pamilya namin. I never thought how wrong I would be once I got to know them.
"Do you want to go with me upstairs?" tanong sa akin ng pinsan ko. "You can stay in my room or in my gun gallery if you want."
Nilibot ko ang mata ko sa malaking bahay nila at nakita ang pinto papunta sa may backyard at sa greenhouse nila kaya umiling ako. Ang tagal ko ng hindi nakakabisita sa kanila at gusto kong makita 'yung naitanim naming white roses noong bakasyon. Tinulungan pa ako noon magtanim nila Grey, kaya umaasa talaga ako na sana ay nabuhay sila kahit hindi na ako nakabalik para alagaan sila.
"Punta na lang ako sa greenhouse. Doon mo na lang ako balikan."
"Okay. I'll be fast, I promise." He said, before jogging his way up stairs.
Ako naman, matapos ko siyang panoorin mawala sa napakalawak nilang staircase ay tinakbo ko ang malawak na backyard nila pupunta sa puti at halos purong salamin na greenhouse nila upang hindi mabasa ng lumakas na ulan.
Pagkarating ko roon ay pinagpag ko muna ang damit at buhok ko upang matuyo dahil medyo nabasa ang mga ito gawa ng ulan. Medyo malamig din ang loob ng greenhouse dahil sa pagkakatanda ko ay controlled ang environment doon para sa mga bulaklak na kailangan ng malamig na klima.
"Got it," ani ko sa aking sarili pagka-kuha ko roon sa isang pares ng gloves na nakasabit sa may bukanan.
I remembered that it was Cole who had given me that particular pair of yellow gloves as a gift noong nalamang niyang mahilig ako magtanim ng mga bulaklak. Kitang kita ko pa nga 'yung magulo niyang sulat ng pangalan ko roon sa loob kaya napa-ngiti na lamang ako.
Those kind of memories will be forever etched on my heart. 'Yun na lang ang panghahawakan ko siguro para hindi ako maduwag sa pagsampa ng kaso laban sa papa niya.
"Well, I never thought I'll ever you again in my house." Nasa kalagitnaan ako nang pagpalit ng sapatos ko para sa tsinelas nang marinig ko ang isang malalim na boses na nanggagaling sa may kanang dulo ng green house.
Nang makita ko si tito Miguel ay napahinto ako sa ginagawa ko at pinakiramdam ang mabigat ngunit mabilis na pagtibok ng puso ko. Tinaasan na rin ng balahibo ang halos buo kong katawan dahil sa gulat. Dahan-dahan akong umayos ng pagtayo. My shoes were momentarily forgotten.
"So, how's the meeting with Martin?" ani ng isang nakangiti kong tiyuhin.
D amn it. Bakit nandito siya ngayon? Akala ko ba nasa business trip siya katulad ng sinabi ni Levi kanina? D amn it!
BINABASA MO ANG
VINCENT (Book 2 of 2) ↠ Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)
General Fiction↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko na nakapulupot sa kaniya. "I'm sick and tired of us." Wala niya akong emosyong pinagtitigan. Kung m...