Worth It
Hindi na ako nahintay pa ni kuya na makarating sa kaniya, agad siyang tumakbo papalapit sa akin at siniil ako ng yakap at hindi na pinakawalan pa sa kaniyang mga bisig.
Gods. 'Yung yakap na iyon ni kuya ay panghabang buhay ko na talagang aalalahanin at bibigyan ng importansiya. Nang mga oras na 'yun pakiramdam ko, ay nakarating na ako sa bahay ko at pwede na akong magpahinga. Ipinaramdam ng yakap niya kung paano kasarap ang mabuhay...kung papano kasarap ang mahalin at ipaglaban at kung paano kasarap maramdaman na may isang taong handang protektahan ka.
"Reed..." Hikbi ko sa kaniyang dibdib.
Napakalakas ng hangin sa rooftop dulot ng umaandar na helicopter, ngunit hindi ko alintana iyon dahil habang nakapulupot sa akin ang mga braso niya, ay purong init lamang na nanggaling sa kaniyang katawan ang aking nadarama.
I couldn't believed that I almost lost hope in us. Akala ko talaga ay huling pag-uusap na namin iyon. Akala ko talaga ay hindi niya matutupad ang pangako niya na babalikan niya ako.
Muntik na.
Mabuti na lang at hindi ka agad ako bumitaw. Mabuti na lang talaga at naniwala ako.
"Shh," bulong niya sa aking tainga. "I'm here, agapi mou. I'm here." Paulit-ulit niya sa aking bulong upang ako'y mapakalma.
Pinagmasdan ko siya nang mabuti at malayong-malayo sa nakasanayan kong Reed na palaging napaka-ayos na disposisyon, ang nakikita ko sa aking harapan.
Katulad ko ay parang hindi rin siya nakapagpahinga at nakatulog ng ilang buwan. Hindi na rin siya nakapag shave at napakagulo rin ng kaniyang buhok na pawang ilang ulit niya ito pinasadahan ng kaniyang palad, na palagi niyang ginagawa sa tuwing hindi siya mapakali. At kahit na nag mukha siyang lalong mas bata sa suot niyang simpleng pantalon at hoodie ay halata mo pa rin ang pagod sa kaniyang katawan.
"Please 'wag mo na akong iiwan," sambit ko habang hinahayaan ang aking kamay na bagtasin ang kaniyang pisngi.
Pumikit siya nang gawin ko iyon at hinalikan ang aking noo. "Remember what I said earlier? That there will always be a fragment of me in all parts of you?" Binuksan niya na ang mga mata niya at tumango ako. "I meant that, love. Whenever that we're not together, always remember that," ani niya sa akin at hinalikan naman ang aking pisngi.
"Come on now. Papakasalan pa kita."
Natunaw ng tuluyan ang puso ko at napakalaki ng pagngiti ko nang sabihin niya iyon.
Doon pa lang... alam kong worth it na ang ginawa kong pagsugal sa pagmamahalang namamagitan sa amin.
Hinagkan niya pa ako muli bago niya ako inalalayan papa-akyat sa helicopter. Nag-alangan pa ako nang makita ko ang isang estranghero na magpapalipad ng sasakyan namin noon. But Reed assured me and said that he trusted the man, so I just gave in and let him guide me inside.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa aking kapatid na abala sa paglagay sa akin ng seat belt at head piece.
"Sweden," nakangiti nitong sagot.
Masaya akong makita ulit ang mapaglarong ngiti niyang iyon pero nasasaktan pa rin akong makita ang mga sugat at pasa niya sa mukha. Hindi na nga pantay ang kaniyang mga mata dahil namamaga na ito sa sobrang pagkakabugbog, dinagdagan pa n'un.
Hindi ko sigurado kung kagagawan ba ito ni dad o kung may iba pang nanakit sa kaniya na hindi niya sa akin sinasabi...subalit kahit gusto ko nang iyakan ang nangyari sa kaniya ay pinigilan ko na ang luha ko. Alam kong mas lalong mamomoblema lang siya kapag umiyak na naman ako.
BINABASA MO ANG
VINCENT (Book 2 of 2) ↠ Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)
General Fiction↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko na nakapulupot sa kaniya. "I'm sick and tired of us." Wala niya akong emosyong pinagtitigan. Kung m...