I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!
#VINCENTwp✨✨✨
Isa Kang Salot
Nauna na sila Ate Kath doon sa ospital bago kaming mga natitirang magpipinsan, kasama na si Alicia, ay nakasunod. Sasakyan ni Levi ang ginamit at siya na rin ang nagmaneho upang mabilis kaming makahabol doon.
Mabuti na lamang at hindi na sumama pa sa amin si Ash at nagpa-iwan sa bahay kasama ang ilang mga kamag-anak, dahil hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman ko o pwedeng masabi at magawa sa kanila, matapos kong malaman 'yung binalak nilang mag-ama sa aming magkapatid.
"I hope your cousins are okay, Sav." Nilapitan ako ni Alicia noon at niyakap. She looked tired as well like the rest of us. Magdamag niyang sinamahan si Levi at tumulong sa aming umasikaso ng mga nakikiramay.
"Sana nga rin..."
Nang makarating kami roon sa hospital kung saan dinala sila Keira at Cole ay agad naming tinakbo ang elevator para mabilis naming marating ang VIP floor. Tinulungan kami ng mga nurses at security doon kaya ka-agad naming natunton ang kwarto.
"Do everything you can!"
Umalingawngaw ang pagalit na boses ni Kath sa buong pasilyo ng palapag na 'yon. Nasa labas sila tita Chie, si mommy at ang mga daddy namin, bukod kay Tito Martial, at mukhang alalang-alala sa mga nangyayari sa loob. Naka harang at naka-silip naman sa pinto si Kaizen, na nauna at sumama kila ate Kath, kaya bukas na bukas ito at naririnig sa labas ang mga usapan sa loob.
"D a mn it. It's Keira!" Nauna nang tumakbo sa amin si kuya Sebastian para makapasok ka agad siya sa loob at nagbigay daan si Kai sa kaniya.
"Mom?" Tawag ko naman kay mommy nang makita nila kaming papalapit. Agad niya akong sinalubong at niyakap.
"Si Keira lang ang nandito...nasa operating room pa si Cole," aniya matapos niya akong bitawan. She looked like she's trying to conceal all her emotions, but still, I saw it in her eyes...She wanted to break down too like tita Yasmin. Malapit ang loob niya kila Cole at Keira kaya naman naintindihan ko kung ginawa niya ito.
"A-ano po ba ang nangyari?" My voice was shaking because I was too afraid to ask. I already had a feeling that something bad had happened to make her look so grave.
"The doctors said that they will try to save him but...I saw him dear...at hindi...hindi ko na alam..."
Tiningan ko ka agad si Levi sa tabi ko. Para siyang nawalan ng dugo sa sobrang putla ng mukha. Hahawakan ko na sana ang kamay niya dahil nanginginig na ito habang nakikinig sa sinasabi ni mommy tungkol sa kalagayan ng kapatid niya, ngunit napansin kong hawak na siya ni Alicia sa kabilang gilid kaya hinayaan ko na lamang.
"They were involved in car accident. Sabi sa amin ng mga police kanina, mabilis daw ang pagpapatakbo ng pinsan mo. They hit a bus and then they were almost thrown off the cliff."
"Cliff?"
Lumapit din sa amin si tita Chie. Her eyes were puffly like mommy. "Sa Baguio raw papunta sila Keira. Nobody knows why. Hindi pa rin siya gumising hanggang ngayon kaya wala pa ring nakakaalam."
"Coma?"
Tumango silang dalawa sa akin. Narinig namin ang paghagulgol nila tita Yasmin sa loob at ang pagmumura ni kuya Sebastian.
"What about Cole? You said earlier that he's being operated?" tanong ni Kuya Marco. Nagkatinginan na naman kami ni Chels. Humawak siya sa akin at naramdaman ko ang panlalamig nito kagaya ng sa akin.
BINABASA MO ANG
VINCENT (Book 2 of 2) ↠ Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)
General Fiction↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko na nakapulupot sa kaniya. "I'm sick and tired of us." Wala niya akong emosyong pinagtitigan. Kung m...