✨ 2.56: Too Much, Too Soon✨

4.7K 103 75
                                    

I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!
13 chapters na lang ata 'to haha kapit pa!

#VINCENTwp

✨✨✨

Too Much, Too Soon

I looked for my clothes on my way out of the room but when I couldn't found them I just proceeded on running towards the exit.

Marami akong nakasalubong din na mga nurses sa may pasilyo na mukhang nagsilabasan sa kani-kanilang mga naka-assign na mga kwarto dahil sa komosyong ginawa ko. May ibang sumubok na pahintuin ako ngunit kahit anong gawin nila ay hindi ako nagpapigil at nagtatakbo pabalik sa lobby.

Kaya nga noong makarating naman ako doon sa lobby ay ay hingal na hingal ako.

"Savannah..."

I didn't know if I just imagined things out of desperation or if I truly had gone mad but when I saw my cousin, Levi and my twin, Reed on the waiting area, I suddenly stopped in my tracks. Nanuot ang paa ko sa lupa at hindi ako makagalaw.

"Savannah!"

Kahit hindi ko na mahabol ang paghinga ko sa gitna ng biglaan paghinto ay napanood ko pa rin ang pareho nilang pagtigil sa pag-uusap nang makita nila akong parang nababaliw at nakasuot lamang ng isang hospital gown.

My twin looked like he didn't slept for a year. Bags were visibly seen under his eyes and he didn't even shave. He's wearing his simple shirt and pants that I've missed. Mukha siyang nagulat sa akin at 'di tulad ni Levi na mukha lamang na disappoint sa naging desisyon ko.

How did they know that I'll be here? Sinabi ba sa kanila ni Chelsea? Sinundan ba ako dito ni Levi kahit na sinabihan ko na siya na ayaw ko?

"Why are you he-here?" Pag-uutal ko. Hindi ko alam kung narinig ba ng kambal ko ang sinabi ko subalit hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon na makita ako sa ganoong kalagayan kaya agad akong tumalikod at nagtatakbong umalis sa kinatatayuan.

I didn't want to see him...or even talk to him.

"Wait!"

"Tigilan mo ako! Umalis ka na!"

Agad kong hinanap ang emergency exit. I was so confused as to why my brother's there and I was so desperate to get away from that clinic that I didn't even realize I already reached the exit.

Agad kong itinulak ang pinto at napadapa pa ako nang mabuksan iyon.

"Savannah!"

Napabuntong hininga ako at napapikit, gods, anong kailangan kong gawin? Anong dapat kong gawin?

"Talk to me, Savannah."

Umiling ako at hinawi muli ang kamay niyang humawak sa akin. Hindi pa ako handang makita ulit siya. Sariwa pa sa akin ang mga sugat na iniwan niya. At higit sa lahat ay tapos na ang isang linggong palugit na ibinigay ko sa aking sarili para mag tira pa ng kahit anong amor sa kaniya. Wala na akong kayang ibigay pa sa lalaking 'to. Inubos na niya ako. Hindi pa rin ba 'yun sapat?

"Please, let's talk. Agapi mou..."

Sinubukan niya akong tulungang patuyuin pero agad ko itong hinawi nang hindi man lamang tumitingin sa kaniya. Nangingig pa nga ang aking mga kamay bago ko ito muling kinuyom. "Don't you dare call me that again."

Pinilit kong tumayo na mag-isa pero mabilis ang kapatid ko at naabutan niya ako. Hinawakan niya muli ako ako sa aking braso at pinilit na paharapin sa kaniya.

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon