I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!
#VINCENTwp✨✨✨
An Unwanted Gift
"Hey,"
Ang una kong napansin bukod sa napakalamig na boses na bumati ka agad sa akin ay 'yung amoy at kulay ng paligid.
It smelled like mannitol and anti-septic...actually, kung iisipin, my surroundings almost smelled like a... hospital. At 'yung kulay ng paligid...puro puti...nakakasilaw.
Nasaan ba ako?
"Who are you?" I weakly asked as I tried to focus my vision to see the person that rescued me before I passed out. Sinubukan ko ring umupo para mas lalo ko siyang maananigan pero sa sobrang hina ko ay nakamakailang ulit akong napahiga.
"Woah. Chill," bigkas ng lalaki at saka lumapit sa akin. He smelled faintly of cinnamon and lavender. Saan ko nga ba ulit iyon naamoy?
"Here, rest for a bit again, love," aniya sa akin at ganoon na lamang biglang nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa kamay nang hawakan niya ako upang alalayan sa paghiga muli. Para bang napasa sa akin ang lamig ng kaniyang mga kamay nang hindi niya binitawan ang braso ko.
Gods.
Bakit ganito ang naramdaman ko? How come all of these feel familiar to me?
"Don't try to get up yet. Your doctors advised you to rest," sabi niya.
Pinagmasdan ko siya nang maiigi dahil may hinuha na ako kung sino siya. His voice, his scent... and the roughness of his hands feel like a distant memory.
Wait...is this..."Vincent?" Nang makumpirma ko nga kung sino ang tumutulong sa akin ay agad kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko. "Don't touch me," bigla kong sabi.
Hindi ko naman ito sinasadya at ayun lamang talaga ang unang lumabas sa bibig ko pagkakita ko sa kaniya.
Anong ginagawa ni Pierre Vincent Esquivel dito sa Pilipinas?
"Fine. I won't touch you...just calm down, okay?"aniya at agad siyang umatras mula sa akin at itinaas ang dalawa niyang kamay sa pagsuko.
"S h i t. This is the first time that a woman told me not to touch her," natatawa niyang bulong sa kaniyang sarili ngunit alam ko namang sinadiya niya itong iparinig sa akin dahil hindi maalis ang ngising namuo sa labi niya na pawang natutuwa pa siya sa naging reaksyon ko sa kaniya.
Gayunpaman ay napatitig na lamang ako at inilibot ang mga mata sa buo niyang pagkatao sa pagtataka. Pormal na pormal ang itsura niya dahil sa suot niyang itim na amerikanang may puting polo sa loob. Bukas ang dalawang nauna niyang butones dito kaya naman sumisilip ang balat niyang punong-puno ng mga makukulay na tinta hanggang sa kaniyang leeg.
Miski nga 'yung kamay at palad niyang pinanghawak sa akin ay balot din ng tinta at mga pigurang hindi ko mawari kung ano.
Para tuloy siyang naglalakad na painting...nakakamangha.
"Do you remember me?" tanong niya ngunit hindi pa rin ako sumagot. Binasa niya ang kaniyang labi at pinaglaruan nang saglit ang kaniyang lip-ring bago muling nagsalita. "I'm Vincent. The one that---"
"You're Vincent Esquivel. We've met before. I know you. You're the drunk man at Sebastian's wedding," I said, cutting him off.
Mas lalong lumaki ang kaniyang ngiti. And he's looking at me again like the way he looked at me at the wedding.
BINABASA MO ANG
VINCENT (Book 2 of 2) ↠ Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)
General Fiction↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko na nakapulupot sa kaniya. "I'm sick and tired of us." Wala niya akong emosyong pinagtitigan. Kung m...