✨2.46: Mga Bangungot Ng Nakaraan✨

4.2K 76 7
                                    

I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!

PS: Open your eyes for clues ;)

#VINCENTwp

✨✨✨
Mga Bangungot Ng Nakaraan

Matapos ng kumprontasyon namin nila Tito Miguel ay kailangan muna naming dumaan ni Levi sa isang pinaka malapit na 7-11 para mag-palamig ng init ng aming mga ulo at magkalaman ang aming tiyan. Ayaw niya pa sana pumayag dito at gustong dumeretso na sa Tagaytay ngunit sa huli ay sinunod din niya ang suggestion ko.

"Okay ka na ba?" tanong ko sa kaniya pagkababa ko ng isang cup ng instant noodles sa kaniyang harapan. Umupo rin ako at tinabihan siya.

"Ako ang dapat na nagtatanong sa'yo niyan. What happened earlier was..."

Bago pa man siya matapos ng pagsasalita ay inabot ko ang kaniyang kamay at umiling. "Kung iniisip mo na naman na kasalanan mo ang nangyari, then stop it Levi. Kahit na hindi maganda 'yung pagkausap ko sa dad mo at least, alam na natin kung paano siya lumaban ngayon. I know he'll use some dirty tactics just to jeopardize our plan against him. I know he will..." ani ko, at napahinga ng sobrang lalim.

Grabe. Hindi ko talaga akalain na ganoon kademonyo si tito Miguel...if my hunch about what he did with Alicia is true...then f uck.

Nakakagigil. Sana masunog na kaluluwa niya sa impyerno.

"Kahit na. Sana ay hindi na kita dinala roon. At sana mas nakarating pa ako sa'yo ng mas maaga. Kung may masamang nangyari sa'yo o sa anak mo..." kumuyom ang kamao niya sa pagitan ng mga kamay ko, "I will never forgive myself."

"But nothing happened. I'm okay," I said, reassuring him. Sandali pa kaming nagdiskusyon kung anong gagawin namin laban sa dad niya bago kami tinawag ng gutom at kumain na ng aming mga instant noodles.

Umuulan pa rin noong magsimula kaming bumiyahe papunta sa bahay niya sa Tagaytay. Nakatulog na nga ako sa biyahe. Ginising na lamang niya ako nang naroon na kami.

"We will only stay here until Christmas eve, then we will go back to Manila."

"Ha?" tanong ko. Ibinaba ko na ang plastic bag na puno ng pagkain na binili namin sa grocery sa maliit niyang lamesa.

Hindi ganoon kalakihan ang bahay ni Levi doon sa Tagaytay ngunit may apat naman 'tong palapag at malapit sa isang bangin.  Maayos at kumpleto naman din sa mga gamit. Isa pa, mas okay naman iyong lugar kaysa doon kami sa Manila na puro na lang problema ang nakikita namin.

"We always hold an annual Christmas gathering every 24th and 25th. They need to see us there if we don't want to raise any suspicions."

Tumango ako sa kaniya at sinundan siya sa second floor. Ibinigay na niya sa akin ang master's bedroom dahil may hiwalay itong banyo at mas malaki ang kama. Ipinahiram niya rin sa akin ang mga damit at sweater niya dahil hindi kami nakakuha ng damit ko sa bahay.

Nang mga sumunod na araw ay parang walang nangyaring pag-ulan at todo ang pasiklab ng haring araw. Kung kaya naman ay nakakahinayang na hindi lumabas ng kwarto at pagmasdan 'yung tanawin sa labas ng bahay.

Malamig na rin ang hangin sa Tagaytay at nang sinamahan pa ng inihandang kape at biscocho ni Levi ay nawalan na ako ng rason na bumalik pa ng Maynila.

Everything was so peaceful and perfect there. Nakaka tempt na hindi na bumalik sa realidad doon sa siyudad.

"I asked for an appointment with an Obstetrician later this afternoon. I'll drop you there and will pick you up after I talk to Martin. He's asking some questions regarding our business."

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon