Author's note: PLEASE DON'T IGNORE: READ BEFORE YOU CONTINUE! I know mahaba but pakibasa na lang please?
Warning SPG. This chapter contains sensitive topics/issues/ triggering scene(s) not suitable for very young readers. This is also not suitable for people na maaaring may magbalik sa kanila ng masamang karanasan.
Hindi ko rin ito pinopromote na mangyari at maranasan nino man. Again, I DO NOT PROMOTE THESE SCENES. I WROTE THIS FOR YOU TO BE AWARE THAT THESE THINGS HAPPEN AND PEOPLE WHO EXPERIENCED THESE THINGS SHOULD RECEIVE HELP, SUPPORT AND JUSTICE. AT ANG MGA PREDATOR AY DAPAT NA MAKULONG. Na-censor ko na 'tong chapter na'to. IF YOU FEEL UNCOMFORTABLE READING THIS PLEASE BY ALL MEANS SKIP THIS PART JUST DON'T REPORT IT. PLEASE. I decided not to post the restricted part anymore. Sa self pub na lang kapag matuloy. But still, gusto ko lang i-warn ang lahat sa mababasa niyo. THESE SCENES ARE TRIGGERING. Please don't report me. Thank you. Iwasan din lantaran na banggitin sa comment section ang 'word' na mangyayari kay Savannah mamaya. Para hindi tayo ma-spam/matanggal ang VINCENT sa wattpad.
tweet with #VINCENTwp
✨✨✨
Huminga Ka, Savannah
"R-Reed?"
Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas buhat nang iwanan kami ni Christian subalit simula noong matapos ang usapan nila ni daddy at hindi sila nagka-ayos tungkol sa perang pantutubos sa amin ay hindi na ako umasa na makakaalis pa kami sa lugar na 'yon ng buhay.
Ni matinong pagkain o tubig nga ay hindi nila kami binigyan. Kung masasabi man matinong pagkain ang lugaw na parang tubig na inilagay nila sa harapan namin ay hindi rin naman namin maabot at makain dahil sa mga kadena naming dalawa.
"Reed?" tawag ko ulit sa kakambal ko.
Nakarinig ako ng paggalaw ng mga kadena kaya alam kong naririnig pa niya ako.
"We're going to die here r-right?" I asked. My tears were already falling. And my hope had already dwindled into nothing.
Hindi ko nga alam kung buhay pa ba ang anak ko sa sinapupunan ko. Wala na akong maramdaman. Wala na....
"I'm...s-sorry..."My brother raised his head and with swollen eyes, he looked at me with so much hurt and hopelessness that I might as well cry for what happened to us.
Hindi ko na siya makilala.
Balot na siya ng sarili niyang dugo, bukol, pasa at napakaraming sugat sa mukha. Wala na rin atang parte sa katawan niya ang hindi lamog sa ginawa nilang pambubugbog.
Kahit nga sa layo kong iyon, kitang-kita ko pa rin ang mga maliliit na sugat sa buong katawan niya na dulot ng mga naka-sinding sigarilyo ng mga utusan ni Christian na nagbabantay sa amin.
"I'm sorry, Savannah...I c-can't do anything to protect you," pananaghoy niya. "I can't do anything..."
"Reed..."
"They've hurt you because of me. This happened to you because of me. I...I'm sorry. I'm sorry..." Gustong-gusto ko na siyang lapitan at patahanin ngunit pinipigilan ako mga kadena ko sa leeg at aking mga kamay. Para kaming mga animal na kinadena. Ni hindi ko rin maigalaw ang aking mga paa dahil sa butong posibleng nabali na sa ginawang pagtukod ng dos por dos ni Christian. Katulad niya, wala na rin akong nagawa.
My gods. Bakit? Bakit ito nangyari sa amin?
"Hindi mo kasalanan. Walang may kasalanan kung hindi sila," ani ko. Tumingin ako sa paligid at ni anino ng demonyong 'yun ay hindi ko nakita. Ang kasama lang namin ay ang apat niyang utusan na natutulog na sa lamesa sa may hindi kalayuan.
BINABASA MO ANG
VINCENT (Book 2 of 2) ↠ Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)
General Fiction↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko na nakapulupot sa kaniya. "I'm sick and tired of us." Wala niya akong emosyong pinagtitigan. Kung m...