✨2.15 : Maybes and Certainties✨

4.9K 121 18
                                    

Comments are really appreciated :D Thank you!

Tweet me with #VINCENTwp

✨✨✨

Maybes and Certainties

"Are you really sure we're twins?"

Inalis ko ang tingin ko roon sa napakagandang engagement ring na isinuot ni Reed sa akin at hinintay ang kaniyang magiging sagot. 

Subalit wala akong ganoon natanggap mula sa kaniya at tanging  iling lamang ang naisagot niya sa akin.   "Sorry love, even if I don't want it to be the case, we are really twins. We've already took some tests in the past just to be sure of it, you know."

"Oh..."

Siyempre hindi ito ang gusto kong marinig sa kaniya lalo pa at kakasabi niya pa lamang sa akin na mga ampon kami ng mga Fonacier. 

Umasa ako na baka naman ay may posibilidad na hindi ko talaga siya kapatid. Pero siguro, ganoon talaga ang kapalaran naming dalawa. Kailangan ko na talaga ito tanggapin.

"Alam ba ng mga pinsan natin?"

"Only Levi knows."

"H-huh? Paano niya nalaman?"

Ngumiti sa akin si Reed at kinuha ang aking kamay upang hawakan. "You tell him everything," ani nito. 

Sandali na naman kaming nabalot ng katahimikan at nang ipinatong ko na ang aking ulo sa kaniyang balikat ay parang gusto ko na lamang umuwi at matulog sa tabi niya. 

That night was so intense that all my energy was drained out of me. Ang sarap lang umuwi sa bahay, humiga sa kama at matulog kasama ng mahal ko. 

"Are you two done talking and making out?"

Agad akong kumalas sa pagkakahawak ko sa kapatid ko nang marinig naming dalawa ang boses ng isang babaeng parang bored na bored, galing sa labas. Nakailang katok din siya sa ni-lock naming pinto at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ni Reed, at paminsan-minsan ang pangalan ko.

"Monica? What is she doing here?" I half-whispered to my brother. He just shrugged at me in return and helped me to stand up. 

Binalikan niya pa ang mga sapatos kong hinubad at inalalayan sa pagsuot nito. Naghintay din siya nang sinubukan kong isalba ang itsura ko.

I looked like crap because of all the crying that I did. And the only thing that could salvage what was left of my face was to scrub off all the mascara and eyeliner that smudged horribly on it.

"Sabihin mo saglit lang," paki-usap ko sa kapatid ko. Agad naman niya akong sinununod at sinabihan ang kaibigan niya na maghintay muna at lalabas din kami. Dahil doon ay huminto sa pagkatok si Monica at nanahimik.

"Bakit hindi matanggal 'to? Ang pangit ko na tuloy."

Frustrated, I doubled my efforts in scrubbing off the stubborn stain on my cheeks. Halos lahat ng make-up ko ay natanggal na nang maghilamos ako pero may nag-iisa talagang streak na hindi maalis.

"Hey," tawag sa akin ni Reed na hinawakan pa ang braso ko upang patigilin ako sa pagkuskos ng mga kumalat na mascara sa aking pisngi. "You don't need to do that," ani niya.

"But I look like..." I drifted off and looked at the mirror, "...a mess. A really horrible mess."

I watched as his reflection in the mirror sighed and started to get something inside his jacket. 

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon