✨2.34: His Destiny✨

4.2K 67 2
                                    

I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!

#VINCENTwp

✨✨✨

His Destiny

"Hey, mag-aral ka nga! Babalik ka rito a month before Christmas break tapos hindi ka rin naman pala mag fo-focus. You should have drop the course na lang sana."

My mind snapped back to reality when I heard Alicia's voice. Napatingin ako sa kaniya at nakita siyang tutok na tutok sa Microbiology book niya at nag-aaral.

That's what I was supposed to be doing before I got distracted. Dapat nag-aaral ako ngayon para sa shifting exam namin mamaya sa Micro at makabawi man lang sa mga na-miss kong meetings.

The dean gave me a second chance kahit na dapat ay F.A. na ako kaya naman wala na dapat pa akong rason para mawalan ng focus sa pag-aaral.

But gods, sobrang hirap gawin iyon kapag marami kang iniisip bukod sa pagpapataas lamang ng ng scores sa test.

I tried though. A day after my cousins' funeral, bumalik ka agad ako sa UST. I petitioned my case and then I tried to keep up.

Hindi na sana ako tatanggapin muli doon sa kurso ko dahil may iilang nag protestang mga propesor at estudyante laban sa akin ngunit dahil na nga sa kapangyarihan at koneksyon nila daddy sa mga pari at institusyon mismo ay pinayagan din ako makakuha ng mga espesyal na mga exams, mapa-practical man o written.

Nag-aral ako ng nag-aral hanggang sa halos mamanhid na ako at hindi ko na maisip pa si Reed, Grey, Cole, si Keira at iyong...iyong batang dinadala ko.

I really tried.

I stopped thinking about all of them whenever I was studying. Sinabi ko sa sarili ko na sa bagal ko mag-aral, ay hindi ko na dapat pang ma-afford ang mga sagabal. I pushed myself so hard to study. Even in my free time, I let myself be consumed with books and notes.

Nakinig din ako sa mga advices ni Alicia na i-block out lahat ng distractions at mag focus lamang sa kung ano ang sa ngayon ang mahalaga.

Aniya, hindi naman purong problema sa puso at sa buhay lang ang dapat kong pinag-aaksayahan ng oras. Dapat din daw ay paganahin ang utak nang hindi mangalawang.

Dagdag pa niya, ang diploma raw ay maaaring hindi ko pa rin makukuha kahit na gaano pa kalakas ang koneksyon namin sa eskwelahan, pero ang problema lagi raw na nandiyan at naghihintay lamang na kainin ako ng buo.

Hindi ko rin alam kung bakit siya biglaang naging agresibo sa pag-aaral niya. Ngunit ang sigurado ako ay nagsimula lamang 'yun nang magtungo si Levi sa London para sa isang business expo kung saan siya ipinadala ni Tito Miguel.

"Nabasa ko naman na ang mga samplex."

"Kung sa mga samplex ka lang aasa, you'll surely fail. Sinabi ko naman sa'yo na hindi ganoon kadalas gumagamit ng past exams ang Anatomy department 'di ba?"

Isinirado ko ang libro ko at kinuha ang kape na nalamigan na sa tagal kong hindi pag-inom. "I'm trying, okay?"

"You're not trying enough, b i t c h. Ang dami mo pa kayang kailangan habulin. And besides, trying is never enough these days. In trying, there's always a chance of failing. And you cannot afford to fail. So stop daydreaming diyan and start achieving something for a change."

Pinunasan ko ang gilid ng labi kong nadumihan ng kape at binuksan muli ang makapal na librong nakapatong sa aking hita. Hindi ko alam kung nakailang kape na kaming dalawa ni Alicia, para lamang hindi na kami tablan ng antok at pagod, pero mukhang umeepekto na ka agad ito sa akin.

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon