•Warning: SPG (Language)•
•Don't forget to comment your reactions okay? (It will be very much appreciated haha)• #VINCENTwp✨✨✨
Kahihiyan
"K-Kuya Seb---" nanginginig na ang boses ko at kung hindi pa hahawakan ng kakambal ko ang aking kamay ay hindi ko pa malalaman na pati ito ay nanginginig na sa takot.
Habang inisa-isa kong tingnan ang mga larawan ay parang gusto ko ng magsuka sa kahihiyan. Gumagapang na ang init na nanggagaling sa aking tiyan papunta sa aking buong katawan. Gusto ko ng lamunin ako ng lupa. Gusto ko ng maglaho na roon.
Halos lahat doon ay nakuha habang naghahalikan kami ng kapatid ko sa Sagada. May isang larawan pa roon na halatang kinuhanan sa labas ng tinuluyan naming inn. Nakayakap sa akin si Reed mula sa likod at hinahalikan ang leeg ko.
My gods. May nakasunod sa amin?
Pero paanong...
"What's that dude?" tanong ni Grey at sabay silang lumapit ni Cole para tingnan ang mga pictures. Miski sila Keira at Chels ay tumayo sa kanilang mga upuan para maki-usyoso. Nanatili si Levi at Kaizen na nanonood sa amin.
"Pictures?" Ani ni Cole nang marating nila ni Grey ang aking gilid. Sa sobrang panic ko ay nagmamadali kong ini-alis ang mga litrato kung saan nila pwedeng makita at itatago na sana ang mga ito sa aking bag pero mabilis na tumayo si ate Kath at sinunggaban ang mga kamay ko. Mahigpit ang hawak niya sa aking braso kaya napa-sigaw ako sa sakit.
"Katherine!" Sigaw ni kuya Marco na lumapit din sa amin. Hindi naman sa kaniya nakinig si ate Kath at pilit pa ring kinuha ang mga litrato sa kamay ko.
"Keep your hands off her!" Galit na sabi ni Reed na napatayo na sa kaniyang inuupuan at marahas na tinanggal ang kamay ni ate sa akin. Tinulak naman siya Grey nang makitang nasaktan din ang kapatid niya. "Hey!" galit na ani nito sa kakambal ko.
"Ate," I bit my lower lip to stop it from trembling. I felt Reed shifted on his feet. Nakuha ni Ate ang mga pictures.
"Where did you get that?" malamig na tanong ng kapatid ko na bumaling na kay kuya Seb.
Sa sobrang takot ko ay wala na akong nagawa kung hindi pagmasdan na lamang si ate na isa-isahing tingnan ang mga litrato. Kitang-kita ang galit at pandidiri sa kaniyang mukha.
Ibinigay niya ang mga ito sa iba pa naming mga pinsan. Tinititigan niya lang ako na parang hindi siya makapaniwala.
F v c k . F v c k. F v c k .
Ano na ang gagawin ko.
"Holy s h i t ! T a n g ina, naghahalikan kayo rito!"
Napangiwi ako sa sinabi ni Grey. Miski si Cole ay napamura rin sa tabi niya. Chels started to tear up and Keira just looked at me with a sad expression etched on her face. Naaawa siya sa akin dahil nalaman na nang lahat ang sikretong parehas naming itinatago.
Gods.
Hindi ko pinagsisihan na minahal ko si Reed. Hindi ko pinagsisihan ang naging desisyon ko. Pero 'yung mga binabatong mga tingin sa akin ng mga pinsan ko bukod kay Levi, na para bang ang dumi-dumi kong babae... na para bang hindi sila makapaniwalang nagpakababa ako at pumatol sa sarili kong kapatid, nakakapanlumo para sa akin.
Sinira ko ang tiwala nila. Sinira ko ang imahe ko sa kanila. Sinira ko ang lahat.
"EXPLAIN THIS TO US!" Makatindig balahibo sa aking sigaw ni ate Kath. Nanginginig siya sa galit at parang 'yung hawak na lang sa kaniya ni Chelsea sa braso ang tanging pumipigil sa kaniya upang sunggaban ako at saktan.
BINABASA MO ANG
VINCENT (Book 2 of 2) ↠ Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)
General Fiction↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko na nakapulupot sa kaniya. "I'm sick and tired of us." Wala niya akong emosyong pinagtitigan. Kung m...