Comments are really appreciated :D Thank you!
Tweet me with #VINCENTwp
✨✨✨
Two Sides Of A Coin
"She found me,"
Mukhang dahil sa sinabing iyon ni Vincent ay mas lalong nainis at nagalit ang kapatid ko. Kaya naman agad kong tinanggal ang kamay niya sa aking balikat at nagmadaling tumayo na.
"Let's see each other again okay? Kapag hindi ka na lasing," sabi ko sa bago kong kakilala.
I tried my best not to look uncomfortable in front of him, but I couldn't help it. Lalo na at mas lalo lamang lumaki ang mayabang niyang ngisi sa mukha nang alangan pa akong naglakad papunta sa kapatid ko."Just ring me anytime. I'll be available," aniya.
Tumango lamang ako sa sinabi niya pero hindi na lumingon. I didn't know if I would see him again that time. Pero sa talim pa lang ng mga ibinabatong tingin ni Reed sa kaniya ay may pakiramdam na akong pagbabawalan ako ng kapatid kong makipagkita pa sa mga katulad ni Vincent na parang walang ginagawang mabuti.
"Savannah, we're like looking for you everywhere! Nandito ka lang pala!"
I flashed an apologetic smile towards Chelsea's direction before bringing my attention back to my brother, who was fuming with rage for some unknown reason.
Gods. Magiging ganito ba talaga ang reaksyon niya sa lahat ng lalaking nakakausap ko?
"Don't make a scene please," I quietly said, when I reached his side.
Tiningnan niya muna ako nang mariin at mukhang ikinokonsiderang hindi ako pakinggan. Siyempre, dahil sa kambal kami, kagaya niya ay hindi rin ako nagpatalo at nagpatinag sa tindi ng kaniyang ibinigay na tingin.
Hanggang sa hinawakan ko ang kaniyang braso at napahinga na lamang siya nang malalim. "Let's go." Matigas niyang sabi sa akin. Hinawakan niya ang aking palapulsuhan at sinumulang higitin papalabas ng ballroom.
"Teka lang... Reed! Bitawan mo ako!" Reklamo ko sa kaniya. Pero hindi niya pa rin ako binitawan at bagkus ay niluwagan lang ang pagkakahawak niya sa akin para hindi na ako masaktan.
Hindi ito naging sapat kaya patuloy ko pa ring sinubukan itong tanggalin ngunit hindi talaga siya nagpatalo at tuloy-tuloy lang naglakad papalabas ng ball room.
Doon ko tuloy nilingon ko muli si Vincent. Nakikipag-usap na siya kay Chelsea pero nang mag-tama muli ang mga mata namin ay agad na may ngisi akong nakita sa kaniyang mukha.
"We need to have a talk," ani ng aking kapatid bago niya ako tuluyang inilayo sa kwartong aming pinanggalingan.
✨✨✨
"Are you okay? Did he do something to you?" Tanong ka agad sa akin ni Reed nang marating namin ang rest room sa may dulo ng corridor.
Ni-lock niya ang pinto at ako naman ay ka agad na nagtungo sa pinaka dulo nito. Umupo ako sa mahabang lababo roon at nagpahalukipkip ng kamay.
"We're just talking, Reed. Ano sa tingin mo ang ginagawa namin doon?"
Sinubukan ko talagang pakalmahin ang aking tono at hindi magtunog na naiinis dahil alam kong gusto niya akong maka-usap nang matino, pero masyado pa ata talaga akong galit sa hindi niya pagsang-ayon sa akin na itigil na niya ang pagpapanggap na ginagawa niya at maglayas na lamang kami, kaya ganoon na lamang ang talim ng pananalita ko.
BINABASA MO ANG
VINCENT (Book 2 of 2) ↠ Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)
General Fiction↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko na nakapulupot sa kaniya. "I'm sick and tired of us." Wala niya akong emosyong pinagtitigan. Kung m...