✨2.21 : Malaya ✨

5.3K 113 21
                                    

I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D

Thank you!

#VINCENTwp

Music: Music- Youth (Acoustic version) by Troye Sivan 

✨✨✨

Malaya

"She's safe. She's here, calm down."

Nakalahad na ang kamay ko sa harapan ni Levi habang hinihintay siyang matapos sa pagsiguro sa kapatid ko na magkasama na kaming dalawa sa kwarto ko.

Nang mapansin ng pinsan ko ang nakalahad kong kamay ay sumenyas siyang ako'y maghintay. "Reed, calm down. I'll give her the phone right now, okay?" ani nito at saka ibinigay sa akin ang kaniyang cell phone.

"Savannah?" paos na tawag sa akin ng mahal ko.

Halos bumigay na ang lahat ng pinipigilan kong luha, nang marinig ko ang boses ng kapatid kong paos at hinang-hina. Nawalan na ako ng pakialam sa sasabihin o iisipin ng pinsan ko at hinayaan ang aking sarili na humagulgol na lamang doon sa aking kinauupan. "R-reed...ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya.

I couldn't imagine what he'd been through. Parang pagod na pagod na siya sa mga nangyayari.

"I'm fine, love. How about you? Did you eat the sandwiches that I made? Did Levi give them to you?"

Pinunasan ko ang luha ko at tiningnan ang mga walang lamang sandwich container sa aking gilid.

"Yeah, thank you sa mga 'yun. At okay na rin ako," sagot ko, upang hindi na siya mag-alala pa.

Sandali kaming nanahimik na dalawa at pinapakinggan lang namin ang tunog ng paghinga ng bawat isa.

"Hey,"

"Hmm?"

"Stop crying love," he softly said to me.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang matigil ito sa panginginig. Hindi ko alam na naririnig niya pala ang mahina kong pag-iyak. Sana ay hindi na lang. Ayoko na siyang mag-alala pa sa akin.

"Gusto na kitang makita..." pag-amin ko.

"Just a little bit more time, baby. We will be together soon. I promise," pangako niya.

Tumango ako at hinawakan ang aking tiyan. Gusto ko na sa kaniya sabihin ang duda kong nangyayari sa aking katawan ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Hihintayin ko na lang kapag nagkasama na kami. Para naman makita ko kung anong magiging reaksyon niya.  O 'di kaya kapag sigurado ko na. Naka ilang buwan din ang ginugol ko sa medisina para lang hindi maging ignorante sa mga bagay na katulad nito, pero... gusto ko pa ring makasigurado. Hindi rin naman kasi biro ang sitwasyon naming dalawa. At kung sasamahan pa ng ganitong balita---hindi ko na alam kung ano pa ang kaya naming gawin.

"Lil' sis?" tawag niya sa akin na may tono ng pang-aasar.

Hindi ko napigilang mapangiti sa gitna ng pag-iyak, dahil doon. Alam kong ginagawa niya lang ito para mapagaan ang mga nangyayari sa aming dalawa. Ayaw niya talaga akong palaging umiiyak.

"O, bakit kuya?" asar ko pabalik.

Marahan siyang tumawa. Hindi na tuloy malaman ng puso ko kung paano tumigil sa paghuhurumentado. I missed his laughter. I missed the times na puro tawanan at lambingan lamang kami. Gustong gusto ko ng malampasan namin ito para marinig ko na naman ang mga tawa niyang ganiyan. Gusto ko nang magising sa bangungot na ito at makita sa tabi niya, nakayakap at masaya.

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon