✨2.32: Who Is He?✨

4K 81 13
                                    

This is a short one but I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!

#VINCENTwp

✨✨✨

Who Is He?

"Your parents are here. Ako na ang bahalang mag-isip ng dahilan sa kanila," Levi said to me when we reached our door. Pinagbuksan kami ng dalawang security detail sa labas at sinalubong naman kami ng dalawang kasambahay sa loob.

"Ano ang sasabihin mo?" bulong ko sa kaniya. Umalis ako mula sa pagkakasandal ko sa kaniyang braso at sinubukang maglakad mag-isa. Dahil mukhang hindi naman ako matutumba kahit papaano ay hinayaan na niya ako. Dumeretso kami sa study room ni daddy kung nasaan sila ni mommy ayon sa mga maids na naka-usap namin.

"I'll tell them that we just had lunch on a nearby restaurant. They'll understand."

Tumango na lang lamang ako at kumatok na sa pinto. Si mommy ang nagbukas at nagpapasok sa aming dalawa.

"Oh dear, I'm glad you're here! Nag-alala kami sa'yo," ani ni mommy pagkakita niya sa amin ni Levi sa may pinto. Nakita kong nakaupo si daddy sa kaniyang table at mabilis na iniligpit 'yung mga papeles na nagkalat dito.

"Sorry po mommy, sinilent ko po kasi ang phone ko kaya hindi ko po nakita ang mga tawag ninyo," sagot ko kay mommy. "Hi, dad,"bati ko naman kay daddy. Tumingala siya mula sa ini-aayos niya at tipid na ngumiti sa akin.

"You should have at least called us. Your mom was so worried about your whereabouts earlier. Halos tinawagan na naman niya ang lahat ng kamag-anak natin kanina na nakiramay sa burol----"

"Fredericko, enough! Nakakahiya sa mga bata." Natatawang sagot sa kaniya ni mommy. "I'm just glad that you're fine, dear."

Nginitian ko na lamang sila. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko at ayokong matuluyang makipalagayan ng loob sa kanilang dalawa. Kahit na anong pag-uusap naming tatlo at kahit ilang beses pa kami humingi ng patawad sa isa't isa sa mga nagawa at nasabi namin, ay hindi talaga madaling makalimutan ang ginawa nila sa amin ni Reed. Those nights scarred me for the rest of my life.

"It's my fault tita, tito. Hindi ko po napag-paalam si Savannah sa inyo," ani ni Levi sa tabi ko.

Nilapitan ako ni mommy at niyakap.

"It's okay. Alam ko namang safe sa'yo ang anak ko," sagot sa kaniya ni mommy. Naglakad naman si daddy papalapit sa amin. He stood beside my mother and talked to us.

"Will you have dinner with us Levi?" tanong niya sa pinsan kong agad na umiling bilang pagsagot.

"I can't, tito. My mom needs me at home. May pag-uusapan lang kami ni Savannah, at aalis na rin ako."

"Are you sure hijo? It's getting late. Kahit dinner lang," ani ni mommy.

"Next time na lang po tita," sagot niya sa kanila.

Sandali pa kaming tinanong ng mga magulang ko kung saan kami buong araw na nagpunta bago nila kami payagan ng umakyat sa kwarto ko.

Nang makarating naman kami roon, ay hindi pa rin siya umiimik.

"So, are you still angry with me?"

Umupo ako sa higaan ko at nag-expect na ng sermon galing sa kaniya. Pero wala akong natanggap. Patuloy niya lang ako pinagmamasdan habang nakahilig siya roon sa may pinto ko at nakapamulsa. Mukhang kinakalkula ang mga sasabihin.

"Hindi ako galit."

"Eh ano 'yung kanina?"

Pinasadahan niya ang kaniyang buhok at humingang malalim. "I was just annoyed that I was not there with you when you needed me." He stopped in mid-sentence and continued to observe me. Hindi ko nakayanan ang bigat ng titig niya sa akin kaya naman inabala ko ang sarili ko sa pagtatanggal ng sapatos.

"Okay lang naman. Naroon naman si Vincent."

"I don't trust that guy."

"Bakit? Mukhang ayos naman siya ah."

"Haven't your brother told you anything about him?"

Inalala ko ang banta sa akin ni Reed dati noong kasal na hindi ko dapat pagkatiwalaan si Vincent dahil stalker ko raw siya at obsess daw ito sa akin. At 'yung nararamdaman kong masamang aura kapag mag-kausap kaming dalawa kanina at noong nakaraan. Pero ayoko naman din sabihin ito kay Levi dahil magmumukha naman akong paimportante at may mataas na tingin sa sarili kaya tumikhim na lamang ako.

"He may be over with his obsession with you but I still can't trust him. What's worst was that Chelsea was there and---"

"Wait, ano naman ngayon kung nandoon si Chels?"

Huminto siya sa pagsasalita niya na para bang hindi niya inaasahan ang tanong ko. SIguro isa ito sa napakaraming sikreto ng nakaraan ko na ayaw pa nilang ipaalam sa akin.

Nang itinikom niya ang bibig niya at pinasadahan na naman ang kaniyang buhok bago tuluyang umupo sa tabi ko ay natanggap ko nang hindi niya ako sasagutin ng matino at iibahin na naman ang usapan. Gaya ng ginagawa ng iba.

Palagi na lang.

"Savannah," pag-uumpisa ni Levi. "Pierre was the father of Chelsea's unborn child. Ginamit niya si Chelsea, para lang mapalapit sa'yo." Hinawakan niya ang kamay ko, pero ini-alis ko ito ka agad at ginamit upang takpan ang naka-uwang kong bibig ng dahil sa gulat.

"Si-sigurado ka?"

Tumango siya sa akin at malamlam akong tiningnan. "He's not a good man Savannah. Kaya hindi mo ako masisi kung nag-alala ako para sa'yo kanina."

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon