I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!#VINCENTwp
✨✨✨
Mga Demonyo
Buong akala ko sa impiyerno ko lang makikita ang mga demonyo.
Hindi dito, kasama natin.
Pero mukhang nagkamali talaga ako ng inaakala.
Dahil lahat na ata sila nagsama-sama na para pahirapan kami ng kapatid ko.
"Hello?" rinig kong sabi ng boses sa kabilang linya dahil sa naka speaker mode ito.
My breathing was labored. Bawat subok kong huminga ay naninikip ang dibdib ko. Ni hindi ko nga rin masyadong narinig ng maayos ang mga sinasabi ni Christian sa akin dahil sa ginawa niyang paulit-ulit na paghampas ng kahoy sa gilid ng aking mukha. Malamang pati ang aking pandinig ay naapektuhan na rin.
"Hello?" pag-uulit ng boses.
Napapikit ako ng ilang ulit at napalunok. Unti-unting gumugunaw ang mundo ko.
"I'm done Miss Chelsea," sabi ni Christian. Matapos niya ako ngisian ay lumingon pa siya sa gilid niya para lang tingnang nakatulala si Reed sa amin.
Chelsea...
"Good. Good. But are you sure you gave her a clear message not to be with my Pierre? Like, natakot ba ng men mo siya ng todo?"
Umikot ang lamang ng aking tiyan sa narinig.
Paano...
Paano niyang nagawang sabihin 'yon?
"Yes. Alam na niya ngayong kailangan niya layuan ang Pierre Vincent Esquivel na'yun."
Halos maiduwal ko na ang lahat ng dugong naipon sa sugatan kong bibig nang marinig ko ang maarte niyang tawa sa kabilang linya dahil sa sinabi sa kaniya ni Christian.
I should've known.
She still loves him! And she sees me as a threat! I should've known!
Wala dapat akong pinagkatiwalaan sa kanilang lahat!
Si Christian...gusto niya maghiganti para sa pamilya niya. And of course he will do everything Chelsea asked him to do ...which is to dispose me.
"I'm happy, Chris. Don't worry you can date me this Friday just like I promised."
Sa sinabing 'yon ng pinsan ko ay hindi ko namang napigilang humagulgol. Napakababaw na dahilan para ginawa niya sa akin.
I'm not even with Vincent! I don't even give a da mn about him! Sana ay kinausap niya na lang ako! Ganoon ba niya kamahal ang lalaking 'yun para mag-astang baliw at ipadukot pa talaga ako? At si Reed! Nadamay pa si Reed!
"Chelsea...." I tried to talk but Christian stopped me and ordered his men to gag me. I cried so hard after that and for a moment my breathing even stopped. Kinailangan pa akong sipain ni Christian sa may dibdib para lamang bumalik ang aking paghinga.
Ginagawa niya ba'to lahat para lang makakuha ng pabor kay Chelsea? O may iba pa siyang motibo?
"Where na siya now? Like kanina mo pa naman siya tinakot right? It's late na ah."
Nakita kong nagwawala sa galit ang kapatid ko.
"H-how you could you! Chelsea! How could you do this to us!"
BINABASA MO ANG
VINCENT (Book 2 of 2) ↠ Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)
Fiction générale↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko na nakapulupot sa kaniya. "I'm sick and tired of us." Wala niya akong emosyong pinagtitigan. Kung m...