Music: Huling Gabi by Moira.
4 special chapters + 3 parts epilogue left,
let's go!
I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!#VINCENTwp
✨✨✨
This Is Where It All Ends
"Jedidiah..."
Namamalat na ang boses ko at nalulunod na ako ng sarili kong luha habang nagpapasalamat sa kaibigan ko. I was beyond happy to see him...to see all of them.
Akala ko kasi talagang wala na. Na dito na kami mabubulok ni Reed. Na hindi na ako makakahinga pa ng maayos.
Pero doon ko lang napagtanto na may pag-asa pa palang makaligtas kami doon, sumuko na ka agad ako.
Gods.
Tama nga ang sabi ng ilan, matatapos lang ang lahat ng bagay kapag sinukuan mo na ito.
Oo nga at marahil mas masahol pa sa impoyerno ang napagdaanan namin sa lugar na iyon. Oo, at marahil kahit na gumaling na ang mga sugat na natamo namin ng kakambal ko ay pang habang buhay pa rin namin dadalhin ang kababuyang pinaggagawa nila sa amin. Oo at siguro nga ay hindi na kami papatakasin ng mga bangungot tungkol sa mga nangyari doon sa amin.
Ngunit hindi sapat na dahilan 'yun para sumuko na ako ka agad.
I should've hold on tighter. I should've believe that there will be still a slight chance that we would survive.
A miracle.
A small sliver of hope.
Dapat hindi ko sinukuan ang pag-asang makakaligtas kami ni Reed sa impyernong kinasadlakan namin.
Dahil kahit gaano man kadilim ang mga napagdaanan namin, meron at meron pa ring liwanag sa dulo ng lahat. Mabuti na lamang at hindi kami sinukuan ng mga pinsan at kaibigan namin. Mabuti na lamang at hindi nila kami pinabayaan.
Sa unang pagkakataon simula nang magising ako sa madilim na lugar na 'yon, bumalik ang pag-asa ko.
Pag-asa.
Oo. Meron pa palang ganoong natitira sa mundo ko.
Ni hindi ko na nga inalintana ang magkahalong amoy ng gasolina at dugo sa paligid, isinawalang bahala ko na rin na pati ang ipinalit sa aking damit ay basang-basa na rin ng gasolina na nagkalat sa lupa mula sa iilang natumbang mga drum na naglalaman ng mga ito at ang mga kadena na bumabaon sa kamay at paa ko na pinipilit tanggalin ni Jed ay mas gumaan sa pakiramdam nang dahil lang sa alam kong mawawalan ito lahat ng halaga kapag nakalaya na kami doon.
At mas lalo pa ako nabuhayan nang mapanood ko ang pag-asikaso naman ni kuya Sebastian sa mga kadena ng kapatid ko.
I know, just a little bit more and we will be free. We will be all away from this wretched place.
Gods. I was praying so hard...Nang mga oras na iyon na lang ulit ako nagdasal. I was praying and wishing that everything was not in the state of chaos.
Pero lahat ay mabilis pa rin na nangyayari nang sabay-sabay.
There were already pools of blood and dead bodies everywhere, mostly wearing the uniform of the police. Christian's men kept on coming for my cousins. Parang wala silang tigil sa pagdagsa sa lahat ng direksyon.
Lahat sila ay handang patayin kaming lahat gamit ng malalaki at nakakatakot na mga baril nila. Wala silang sinasanto at walang habas na pinag-babaril ang mga pulis na kasama nila Levi. Tinapatan ito ng mga pinsan ko at ni Vincent, ngunit pawang hindi sila nauubos.
BINABASA MO ANG
VINCENT (Book 2 of 2) ↠ Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)
Ficción General↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko na nakapulupot sa kaniya. "I'm sick and tired of us." Wala niya akong emosyong pinagtitigan. Kung m...