✨2.20 : Amor Vincit Omnia ✨

4.7K 100 32
                                    

Hi! Magtiwala lang sa akin okay? Walang bibitaw! Haha Kaya niyo 'yan! And  I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D

Thank you!

Tweet me with #VINCENTwp

Music: As Long As you love me by Justin Bieber (Huhu love love this song!)

✨✨✨

Amor Vincit Omnia

Sa huli, hindi rin nagawang pakinggan ni Keira ang paki-usap ko at iniwan na lamang akong nag-iisa at walang kakampi.

Wala na sa aking sumunod na dumalaw matapos nang ginawang pagdalaw na 'yun ng pinsan ko.

Miski nga si Levi na inaasahan kong tutulong sa akin ay hindi man lang sa akin bumisita at nangamusta.

Malamang ay pinagsabihan na sila ni Keira na wala nang magagawa pa sa akin.

Na tuluyan na talaga akong hindi na makontrol. Na naging makasarili na talaga kaming dalawa ng kakambal ko at hindi na inisip ang kakahantungan nilang mga kamag-anak namin.

Gods.

Hanggang dito na lang ba talaga?

Wala na ba talaga kaming pag-asa?

"Savannah!"

Hindi ko alam paano ako nakapunta sa kama ko at nakatulog buhat ng mga nangyari. Siguro ay nahimatay ako. Siguro ay hindi ko lang talaga nakayanan ang bigat ng sama ng loob sa dibdib ko kaya talagang sumuko na ang katawan ko.

"Savannah! F v ck it! Get away from me! Let me see her! Savannah!"

I stirred it my sleep. Nahihibang na ba ako? Totoo nga bang hanggang sa panaginip ko ay naririnig ko ang boses ni Reed?

"Savannah! Savannah!"

Sinubukan kong gumalaw ngunit sobrang bigat ng aking katawan. Para bang may nakadagan sa aking dibdib na miski ang paghinga ay hirap na hirap akong gawin.

"Please! I just want to talk to her!"

May narinig akong isang malakas na kalabog. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling ngunit paulit-ulit ko itong naririnig. Para bang may katawan na paulit-ulit na tumatama sa marmol na mga sahig noong mansyon, base sa mga tunog na iyon.

At kahit na hindi ako iyong nasasaktan ay pakiramdam ko na ako pa rin ang nakakaranas ng mga tama. Para bang mas lalong bumigat ang aking katawan. Pati 'yung desperasyon na nararamdaman ko na hindi ko naman alam kung saan nanggagaling ay bigla na lamang dumoble. 

"What's happening?"

"Sir, we caught him trying to open the door."

"Reed! Son!"

"Mom! Dad! I'm begging you both. Let me see her. Let me see my sister, please!"

Patuloy lamang ang pagsigaw na naririnig ko hanggang sa tuluyan na lang akong nagising.

Unang bumungad na naman sa akin ay ang kadiliman at ang walang buhay na kisame.

Tatawa na sana ako dahil hindi ko lubos akalain na hanggang panaginip ba naman ay sinusundan ako ng mga delusyon at kalungkutan ko, kung hindi ko lang narinig muli ang boses ni Reed na walang humpay na isinisigaw ang pangalan ko sa labas.

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon