I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!#VINCENTwp
✨✨✨
Traitor
"Why are you pouting like that?"
"Baby, hayaan mo na nagtatampururot na naman 'yan at wala ang kakambal niya. Come on focus more on making my tattoo better than Grey. I want a larger wolf."
Dahil sa sinagot ni Cole kay Keira ay mas lalo lang akong sumimangot at isinubsob ang ulo sa nakapatong kong mga kamay sa lamesa katapat nila. Ayokong makita ang pag-daloy ng dugo ni Cole dahil sa pagdaanan ng kung ano mang instrumentong ginagamit sa kaniyang likod ni Keira. I found it a waste of time and a waste of skin. Dinudumihan lang nila ang mga katawan nila.
"I'm bored," I sighed. "What you two doing is not an art, you know."
"It is," countered Cole.
'Ugh. Ano pa nga ba ang i-expect ko? Of course he'll come in defense of Keira.'
"Whatever. Hindi naman nakakaganda sa katawan 'yan. You'll look like some kind of a hoodlum like the rest of them."
"Bumagay naman kila Seabass at Marco ah?"
"Sila 'yun e. And they both got like what? Some little runes on their wrists? Compare naman sa wolf tattoo niyong dalawa ni Grey sa likod. Eww kaya, ang dumi tingnan."
"Your brother has one you know." Singit naman ni Keira na tutok na tutok sa kaniyang ginagawa. Unlike Cole, kalmado lang siya sa usapan namin at mukhang hindi na-aapektuhan sa mga sinasabi ko laban sa hilig niya. "Nakita mo ba? 'Yung sa may balikat niya?"
"I saw it. And well, si Reed 'yun. Bagay sa kaniya lahat," sagot ko naman.
"What about that Pierre Vincent huh? He got his full arms covered with tats."
"Chelsea's suitor? Bagay din naman sa kaniya."
Dahil doon nagkasalubong ang kilay ni Cole. "What do you want to imply, huh?" tanong niya sa akin. "Hindi mo ba alam? I'm the most popular guy in our university and compared to Grey ako ang mas tinitilian. Tapos sasabihin mo lang na pag dating sa akin magmumukha ng marumi ang tattoo na'to?"
"Oops, I didn't say that Nicoleigh!" I feigned innocence and as I laughed at his hubris I added, "Sino tumitili sa'yo? Mga langaw?" pang-aasar ko. "And hindi ba kaka-basted lang sa'yo n'ung student body president niyo? 'Di ba Keira? Nakita mo rin 'yung pang babasted sa kaniya last week, right?"
"Cuz! Namemersonal ka na!"
Kahit na si Keira at kuya Daryl na siyang mentor ni K ay natawa sa pang-aasar ko kay Cole. Ang yabang kasi. Puro hangin lang naman.
"Whatever Cole. Bottom line is, sobrang wrong decision ang pag papa-tattoo mo. You'll gonna get uglier."
Sinubukan niya akong abutin pero pinalo ko lang ang kamay niya at kinurot ang balikat niya. Hindi niya magawang guluhin ang buhok ko at burahin ang make-up ko kagaya ng palagi niyang ginagawa kapag natatalo na siya sa sagutan namin dahil doon sa ginagawa sa kaniya ni Keira.
'Ha! Mabuti nga. Akala niya may laban siya sa akin ah. Kakagigil!'
"Magtigil na nga kayong dalawa," Keira said in between her laughter.
"You know Savannah, going back to what you've said about not liking whatever I'm doing, I think it's a matter of preference naman. May iba talaga akong gusto na maaaring ayaw mo. Like this," she said motioning to her artwork. "I love doing this sort of thing and you don't. I see this as some kind of a hobby and a break from all my stresses while you think this is just a waste of time---"
BINABASA MO ANG
VINCENT (Book 2 of 2) ↠ Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)
General Fiction↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko na nakapulupot sa kaniya. "I'm sick and tired of us." Wala niya akong emosyong pinagtitigan. Kung m...