✨2.43: Huwag Kang Mawala✨

4.1K 72 20
                                    

#VINCENTwp

✨✨✨
Huwag Kang Mawala

"Sigurado ka bang okay ka lang?"

Kinuha ko ang baso ko at sa isang lagukan ay inubos na ang natitirang kapeng nanlamig na magmula nang timplahin ito para sa akin ni Jed noong mag-uumaga.

"Destiny?" tanong muli niya.

I kept my eyes on my cup and nodded at his question just like what I was doing for the past hour. I really wanted to talk to him and tell him that dry heaving the first thing in the morning was a norm for a pregnant woman like me. Pero syempre hindi ko 'yon ginawa at sinabi dahil baka maging katulad siya ni Levi na mag panic at kung ano-ano na ang ipainom sa aking vitamins and supplements at pagalitan ako ng pagalitan dahil sa hindi ko pag-aalaga sa katawan ko, kaya minainam ko na lamang na manahimik at hindi siya gaano kibuin.

Of course, I was glad for all his help. I didn't know what will happen to me if he didn't show up and saved me from myself.  Pero hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kausapin at ipaalam kung bakit ako nagkakaganito dahil siguradong magtatanong at magtatanong pa siya tungkol sa mga sinabi ko sa kaniya noong gabi.

At ayoko naman 'yun mangyari. Sapat nang nadulas ako sa kaniya at nasabi ang mga hindi dapat sabihin. He knew me too much. Ayoko namang i-involve pa siya sa mga problema ko. And besides, masyado na akong naging pabigat sa kaniya. Ayokong abusuhin ang kabaitan niya.

"Ang tagal ng sundo mo ah,"

"Parating na 'yun."

"Si Levi ba?"

"Yeah,"

"Okay lang naman, 'ga na dito ka muna. Pwede naman akong hindi pumasok ngayon at samahan ka."

I looked at Jed who's sitting at the opposite side of me and looking at me intently. He's downplaying it a little but still, I could see in his eyes that he's still worried about me. Napansin ko ring palagi siyang napapatingin sa mga sugat ko sa braso. Siguro ay hindi niya pa rin natatanggap ang nalaman niya tungkol sa mga markang 'yon.

"Gagaling na 'yan Jed, 'wag ka na mag-alala."

"Hindi naman---" napatigil siya at nagmukha siyang nahuli sa akto nang punahin ko siya sa pagtingin niya. Nanlaki ang mga singkit niyang mga mata at nagpa itaas-baba ang kaniyang lalagukan. He looked nervous at some point but then he visibly relaxed when I offered him a small smile.

Even my parents had that same reaction like him. 'Yung para bang hindi nila alam ang gagawin o sasabihin sa akin. They acted as if they were the one who was physically been hurt by all of these cuts. 

"---Alam ko. Hindi lang ako sanay na makita kang ganiyan, Des."

"Ako rin naman."

Pinagmasdan niya pa ako ng ilang saglit bago siya tumayo at ligpitin na ang aming pinagkainan. Mabuti na lamang at iniba na niya ang usapan namin at inilayo na ang paksa sa akin.

He talked and talked and I just nodded at  him or gave a little response every time he's asking me about something. Kahit naman na ayokong makisalamuha sa mga tao ngayon at ang tanging gusto ko lang ay magmukmok sa kwarto ko at mapag-isa ay utang na loob ko na iyon kay Jedidiah na kahit papaano ay pakisamahan ko siya.

Subalit hindi ko pa rin maikakaila na natuwa ako nang tinext na ako ni Levi upang sabihing nasa ibaba na siya at naghihintay sa akin. I immediately thanked Jed for everything he did and being a good friend that he was, he relentlessly offered to help me more in anyway possible. 

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon