BEWARE, maraming SPOILERS sa baba! If you just jump here trying to find what's the meaning of VINCENT then kayo rin ang lugi kasi hindi niyo ma eexperience ang rollercoaster ride na inihanda ko for you haha
But if you're already done reading the whole thing go ahead and read this!
Enjoy!
✨✨✨
13 FAQs (Frequently Asked Questions)
1. Bakit VINCENT ang title? Bakit 'yun eh kwento naman 'to nila Savannah at Reed?
Answer: Sobrang natatawa talaga ako sa tanong na 'to kasi every update may ganitong tanong hahaha maski sa lahat ng sns ko puro ganito ang tanong lol. So may tatlong reasons ako:
a. Dahil gusto ko. Hahaha. Wala na ba akong freedom mag-isip ng isang random title sa isang story? Lol (Ito talaga main reason ko, honestly. Random sht ang title ko. Hahaha. Mahirap kaya mag-isip ng title!)
b. Read the whole story. Honestly. Haha.
c. Sa kalagitnaan bigla akong nagka epiphany na gusto ko magkaroon ng trilogy na may pangalan ko. So, V (Vincent), O (Olivia), N (Neryda) =VON! Yay! Haha tho hindi sila isang kwentong tuloy-tuloy, iba't ibang main characters pero same concept nila, which is free falling to the unknown. Sa case nila Sav at Reed, they let themselves to free fall to something forbidden.
Olivia (Ash's story) will not be Vincent's book 3, book 2 lang siya sa Free Fall Trilogy. Same with Neryda (Sebastian's story), book 3 siya sa Free Fall Trilogy. I don't know when I will post them but it'll be soon.
2. Wala na po bang kasunod 'to?
Answer: Wala na po. Huhu. Ayoko na dugtungan pa ang story nila. Tama na 'yan. Naka 2 books na tayo e haha. Ipahinga na natin mga puso natin lol. Or gusto niyo pang masaktan ulit?
3. Magkakambal ba talaga sila? Naguguluhan ako! Bakit sinabi ni Savannah na hindi sila magkapatid? At ano ang resulta ng second take nila ng DNA test?
Answer:
Kwentuhan ko muna kayo ng nangyari ah, a year ago kasi, may nag report ng VINCENT sa mismong WATTPAD dahil daw Incest ang story sila R&S. [kung nandito ka man at binabasa mo 'to huhu sana 'wag mo na ulitin! D':] kaya nag message sa akin ang pinaka head ng Wattpad Philippines (yes, nakakatakot haha) at sinabihan ako na kung hindi ko sasabihing hindi magkapatid 'yung dalawa ay permanently tatanggalin nila sa wattpad ang VINCENT.
So ayan NO CHOICE na ako kung hindi maghanap ng way para sabihin sa story na hindi magkapatid sila Sav at Reed at nagkataong sabay lang silang kinuha ng daddy Fonacier nila sa roster ng experimental babies.
Pero huhu, outside wattpad, I will stand by my true and own plan for VINCENT, na magkakambal sila (In case na matuloy ang self pub). Pero dahil nasa wattpad tayo at kailangan natin sumunod sa guidelines nila, pikit mata kong sasabihin na hindi sila magkadugo (hay.)
-Secret na ang second result dahil sa mga sinabi ko sa taas haha.
4. May possibility ba na panaginip ang lahat?
Answer: Wala. Sobrang cliché na 'yan for an ending so, NO.
5. Bakit ganoon ang ending?
Answer:
Because I want to. Lol. Dapat nga hanggang sa Wakas (2) lang 'yan kaso bigla ako nagka change of heart at hindi kayo masyadong bitinin kung ano na ang kakahantungan ni Savannah haha.
BINABASA MO ANG
VINCENT (Book 2 of 2) ↠ Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)
Fiction générale↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko na nakapulupot sa kaniya. "I'm sick and tired of us." Wala niya akong emosyong pinagtitigan. Kung m...