✨2.19 : Mali Ang Magmahal ✨

4.9K 90 25
                                    

Super bigat ng mga susunod na chapters, please kumapit kayo. Kaya niyo 'yan hahaha and I would really appreciate if you leave some feedback/comments below  :D

Thank you!

Tweet me with #VINCENTwp

✨✨✨


Mali Ang Magmahal

"Miss, kumain na po kayo."

Do you know the feeling of being nothing?


'Yung tipo bang parang lumulutang ka na lang?


'Yung tipong parang sumusunod ka na lang sa agos ng kawalan? 


'Yung para bang, kahit gustuhin mo mang makaramdam ng kahit ano... kahit gustuhin mo mang bumalik 'yung kagustuhan mong magpatuloy, 'yung kahit gustuhin mo mang magkaroon ng kahalagahan muli ang saysay mo rito sa mundo ay mismo 'yung katawan mo na ang sumusuko at ginagawa ka na lang parang isang lalagyanang walang laman...isang kaluluwang palutang lutang ng walang dahilan?

"Miss,"

I closed my eyes and opened them again just to stare at the bare ceiling on top of me.

I sighed deeply.

Wala.

Parang nawalan na ako ng rason na gumalaw.

Para bang ang bigat-bigat ng katawan ko habang nakahimlay ito sa aking kama. Bawat paghinga ay parang mabigat na trabaho na gusto ko ng tapusin. Bawat pag-iyak ko ay mas lalo lang nakakadagdag ng sakit... nagbibigay lamang ng paalalang may lamat na ang puso ko.

At dahil sa paulit-ulit na pag-sampal ng mga mapapait na alaala ng kahapong kaganapan sa bawat pagpikit ng aking mga mata...ay nagsisilbi na rin itong isang parusa.

Kailan ba matatapos ang pakiramdam na ito?

"Miss? Sige na po. Kailangan niyo na pong kumain. Kahapon pa po kayo ganiyan," ani ng babae.

Nagbuntonghininga na naman ako.

Hindi ko na nga alam kung ilang araw, oras, minuto o segundo na ang nakaraan simula nang paghiwalayin kami.

Pero parang sariwa pa rin 'yung sugat na naidulot nito sa akin.

Gods.

I wanted so bad to see him.

I wanted to know if he's okay.

I wanted to hold him and feel his touch...his warmth.

I wanted to see his smile again. I wanted to touch the curve of his lips, the tips of his nose and the masculine edge of his jaw...But most of all, I wanted to see his eyes. 

His eyes that always told me that he loved me even without words.

I wanted him to comfort me and tell me that it's all going to be okay.

I wanted to hear his voice.

I wanted him to say my name again as if it gave him life.

Gusto kong maramdaman ulit 'yung init na nararamdaman ng buong katawan ko sa tuwing hinahalikan niya ako. 

Gusto kong mabuhay ulit ang puso ko sa galak sa tuwing tinatawag niya akong 'agapi mou.'

Gusto kong makaramdaman muli ng kapayapaan ang kaluluwa ko sa tuwing tatabihan niya akong matulog sa gabi.

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon