✨2.31: Lahat Ng Nagmahal Naging Tanga✨

4.4K 75 12
                                    

I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!
#VINCENTwp

✨✨✨

Lahat Ng Nagmahal Naging Tanga

Noong hapon din na 'yun ay inayos ka agad ni Chelsea ang mga forms na kailangan ko para ma-release na ako sa hospital. Hindi na kasi ako mapalagay at mas gusto ko pang sa bahay na lamang magpahinga.

She also asked me again whether I wanted to a b o r t the baby or not para matawagan niya na agad in-advance 'yung clinic na tinutukoy niya at makapagpareserve na kami ng appointment habang maaga pa.

Pero dahil hindi pa talaga ako sigurado kung gusto kong ipagpatuloy ang pagbubuntis ko at kaya pa namang itong itago sa mga taong nakapaligid sa akin, ay humindi muna ako sa alok niya.

Papakiramdaman ko na lang muna ang katawan ko bago gumawa ng desisyon.

"Galit ba siya?" tanong ko ka agad nang ibaba na ni Chels ang telepono niya matapos siyang mamaalam doon sa kausap niya sa kabilang linya.

Ngumisi siya sa akin at naglakad sa likod ng wheelchair ko upang tulungan akong makalabas ng kwarto at sumagot. "He's just being a sissy, Sav. You know Levi, kasing O.A. niya ang mga kuya natin,"ani niya sa akin na natatawa.

May isang bodyguard niya ang agad na sumunod sa amin at dinala na ang handbag niya pati ang sa akin at sinamahan kami papalabas ng ospital.

"Dapat sa driver ko na lang talaga tayo nag pasundo."

She just laughed again and looked at me like I just told her an absurd joke. "Are you kidding me? Kanina pa ako kinukulit ni Levi. He'd been calling me non-stop! Like, my phone was about to blow out na e, coz of him and you are telling me that I should have just ignored his calls and magpasundo na lang sa driver mong walang nagawa to save you? Uh. Hell no. I don't want to have a nagger like my kuya na papagalitan ako in my life. Mabuti nang ikaw lang ang sermonan nun, 'wag lang ako."

I sighed and let the nurses assist me to my wheelchair. She's right. Papagalitan  ako ni Levi kapag nagkita kami mamaya.

"Will you tell him about the baby tho?"

Umiling ako at sinubukang maging kumportable sa kinauupuan ko. Wala pa akong balak sabihin sa lahat ang pagbubuntis kong 'yon. I decided that as long as it's not yet evident, I wouldn't tell a soul.

"Ayoko na siya maabala. Tsaka na lang pag tapos na."

"You mean, pag napa-a b o r t mo na?"

"Depende."

"How about kay Reed?"

Napatahimik ako at nagbuntong hininga. Ni hindi ko nga alam kung paano ko siya makaka-usap sa panahong iyon, masabi pa kaya na buntis ako.

"Sav?" My cousin prompted.

"I don't know Chels. Siguro, kailangan ko rin munang makasiguradong maayos lang ang lagay niya kung nasaan man siya ngayon bago ko siya kausapin tungkol dito."

"Right. That's a good plan," she said. "You know when I was pregnant like you, I was so afraid. Sobrang bata ko pa kasi noon. And being a teen mom was not really a norm during those days so you can just imagine what kind of hell my brother raised at that time."

"Pinatigil ka ba nila Tita?"

"Sa school? Oh, yeah. They told everyone that kuya Marco and I would transfer schools because of our family business or some s h i t like that."

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon