I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!
#VINCENTwp✨✨✨
Never Forget
Matapos ng pagtatalo namin ni Levi ay tinulungan niya akong ayusin ang nagulo kong kama at hinintay na nakapaglinis muna ako ng sarili at nakapagpalit ng pantulog bago siya nagpa-alam.
"Good night, Savannah. I'll be in the other room, okay? Call me if you need anything," aniya. Papaalis na sana siya nang hilain ko ang dulo ng kaniyang t-shirt. Agad naman siyang lumingon at bumalik sa harapan ko.
"Levi?"
"Hmm?"
"Salot ba talaga ako?"
Sandali niya akong pinagtitigan at hindi ko napigilan at naluha na lamang nang mahigpit niya akong niyakap.
Hanggang ng mga oras kasi na iyon ay naririnig ko pa rin ang mga sigaw ni ate Katherine at ang mga tinging itinapon ng iba naming kamag-anak sa akin habang pabalik ng bahay.
Lahat sila ay parang naging tingin na sa akin ay salot. Tagapag-dala ng malas sa buong pamilya.
"Kapag niyayakap ba kita ng ganito, nararamdaman mo bang salot ka?" Bulong niya sa akin. Humikbi ako at mas lalo ko pang naramdaman ang pagyakap sa akin ng pinsan ko.
Hindi ako nakasagot dahil sa pag-iyak at muli na naman niya akong tiningnan, pinunasan ang mga luha ko sa mata at hinalikan ang aking noo.
"Kapag hinalikan kita ng ganoon, nararamdaman mo bang salot ka?"
Umiling ako sa kaniya. At ngumiti lamang siya sa akin.
"Katherine was just angry at herself, Savannah. Gusto niya lang may masisi dahil wala siyang magawa sa mga kapatid niya."
"I know that, pero..."
"Alam kong ilang ulit ko nang sinabi sa'yo 'to, pero," huminto siya at 'yung ibinigay niya sa aking titig ay 'yung tipong kailangan ko talagang sumang-ayon sa kung ano mang sasabihin niya. "Hindi. Mo. Kasalanan."
✨✨✨
"Dude! Wait up!"
Naglalakad ako papaakyat sa isang burol nang may tumawag sa akin. Alam ko kung sino ka agad ang nag mamay-ari ng boses na 'yon kaya mabilis akong lumingon.
Kamuntikan na akong lumuhod sa damuhan at umiyak nang walang humpay kung hindi lang siya ka agad tumakbo papunta sa kinatatayuan ko at inakbayan ako.
"You walked too fast. D a m n it. Kakahingal!" reklamo niya. He let go of me and put both of his hands to his knees and tried to catch his breath.
"I think I need to work out again. What do you say dude? Samahan mo ako bukas mag gym?"
I didn't answer him and just stared at his smiling face until my eyes begun to water.
Walang dugo sa kulot niyang buhok...may buhay pa rin ang mga mata niya...humihinga pa rin ang pinsan ko.
Totoo ba talaga 'to?
Siya nga ba talaga itong nasa harapan ko?
Bangungot lang ba talaga na nakita ko siya sa kabaong?
"G-Grey? Ikaw ba talaga 'yan?" Pahikbi kong tanong sa kaniya. Hinawakan ko ang mukha niya at pinisil-pisil ang kaniyang pisngi. Pati 'yung kulot niyang buhok ay paulit-ulit kong pinasadahan hanggang sa tapikin niya paalis ang mga kamay ko at pagtaasan pa ako ng kilay.
BINABASA MO ANG
VINCENT (Book 2 of 2) ↠ Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)
General Fiction↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko na nakapulupot sa kaniya. "I'm sick and tired of us." Wala niya akong emosyong pinagtitigan. Kung m...