✨ 2.55: Aking Anak✨

4.9K 98 23
                                    

I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!

#VINCENTwp

✨✨✨

Aking Anak

Halos isang linggo rin ako nagtagal doon kila kuya Sebastian. Inalagaan nila ako doon at sa tuwing hinahanap ako nila mommy o ni daddy ay si kuya Seabass ang kumaka-usap sa kanila at sinasabing maayos lang ako.

Ilang beses na rin ako kinumbinsi ni Levi para aminin niya ang lahat kay Reed pero palagi akong humihindi, dahil siguro ay may tangang parte pa rin sa akin na umaasa na si Reed mismo ang kusang pupunta at hihingi ng tawad sa akin pero nang walang dumating na Reed Fonacier matapos ng isang linggo ay tuluyan na talaga akong sumuko.

Wala na siguro talaga kaming pag-asa.

"Savannah? Dear, are you awake?" Narinig ko na ang katok ni Khyzza bago pa man niya ako tawagin ngunit ayoko lang talaga siya tayuin.

"Yeah,"

"Can I come inside?"

Bumuntong hininga ako at dahan-dahang umupo sa aking kama. Just like all week long, wala akong gana sa lahat ng bagay.

"Breakfast is ready Savannah," ani ng asawa ni kuya Seabass nang pumasok siya sa pinahiram nilang kwarto sa akin. She looked radiant and beautiful. And she's smiling like everything around her made her happy.

Gods. Nakakasakit sa mata ang kasiyahan niya.

"Thank you." Tipid kong sagot sa kaniya.

"You're welcome." She cheerfully replied. "And oh, Chelsea visited again. Papaalisin ko ba siya ulit? Or you'll receive visitors now?"

Tiningnan ko ang suot kong pantulog at hinawakan ang buhok kong walang suklay, bago ko ibinalik ang atensyon sa kaniya. "I'll talk to her, but I should  probably need to take a bath first."

She nodded in understanding at me and headed towards the door. "Sure, I'll tell her."

After she left, I busied myself with the preparations. Naligo at inayos ko ang aking sarili. I'd been avoiding Chelsea and the thought of a bort ion because I was waiting for Reed to change his mind all week long.

Ngayong wala na talaga, siguro ay ito na ang tamang oras para ituloy ko na ang plano ko.

"Oh my gods, girl. Nakakainis. Like, ano bang nakita niya sa drama queen na 'yun? Hello? I am prettier and elegant than her right?"

Nasa pintuan na ako ng library nila kuya Sebastian nang marinig ko ang boses ni Chelsea na may kausap. May uwang ang pintuan kaya sumilip ako rito upang tingnan kung sino ang kausap ng pinsan ko at baka maka-abala naman ako kapag pumasok ako sa kwartong 'yun ng walang pasabi.

Subalit nang sumilip naman ako ay tanging si Chelsea lamang ang nasa loob at may hawak na telepono. I stood still.

"He kept on asking about her! Like hello? Why would you ask me about that b i tch? Are you like manhid? Ugh!"

Sino kaya itong kaaway niya?

"What did I say?" aniya sa kausap. "Well, I just told him that she doesn't want a makulit guy like him. Then, to top it off I also asked him if he could stay away just as she requested."

Umikot si Chelsea at natatawang may sinabi pa sa kausap niya. Nang tumingala siya ay nagtama ang aming mga mata. Ngumiti lang ako at mas binuksan ang pinto. Sumenyas ako na maghihintay na lang ako sa may sofa hanggang sa matapos siya sa usapan nila ng kaibigan niya sa telepono.

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon