✨2.38: Pagod Na Ako ✨

4.8K 105 20
                                    

This is a very very long chapter, I'm sorry kung hindi ko na siya naputol but I still hope you'll enjoy it. And...I know that Savannah is a little bit frustrating and sometimes dramatic. I'm sorry if she's not perfect, ganoon talaga eh, nakakainit talaga siya minsan ng dugo, pero  kapit lang, samahan natin siya mahirapan sa mga susunod na chapters, ma lilinawan naman ang lahat sa dulo.

✨✨✨

And I would really appreciate it if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!
Music:
Sad, beautiful tragic- Taylor Swift

All I ask- Adele

Take it all- Adele

#VINCENTwp

✨✨✨

Pagod Na Ako

Pagkatapos ng unang bugso ng pagsusuka ko, puro hangin na lamang ang lumalabas. Subalit hindi pa rin ako tumatayo sa pagkakaluhod ko sa banyo. I stayed there and heaved.

I heaved and heaved until nothing was coming out.

I heaved until I finally broke down crying.

Kailangan ko mailabas ang lahat ng hinanakit sa loob ko.

I can't believe this. I can't believe him.

Matapos niyang sabihin na mahal niya ako...matapos niyang sabihin na na-mimiss niya ako...makikita ko si Monica sa kwarto niya?

Is he cheating on me?

'I'll just shower and then I can give you the massage that you asked me earlier. And maybe even more...it's your birthday anyway.'

Kahit na hindi ko gusto ay pauli-ulit sa utak ko ang mga sinabi ni Monica.

What does that mean?

Why was she there?

Bakit niya bibigyan ng masahe si Reed?

May posibilidad ba talaga na...

Gods. Kumapit ako sa sink at ginamit 'yun para matulungan ako sa pagtayo. I couldn't see properly. My vision had been clouded by my tears that couldn't f u cking stopped from falling.

Ang sakit.

At ang hapdi-hapdi ng dibdib ko.

Iniisip ko pa lang na may gagawin dapat sila sa kwarto na 'yon, kung hindi lang akong kailangang tawagan ng kapatid ko, ay hindi ko na ka-agad maatim.

Parang sampal 'to sa akin. Alam niyang ayoko kay Monica. She's the reason why our parents found out about us in the first place.

Simula nang magsumbong si Monica kila mommy, ay sunod-sunod na ang lahat ng kamalasan sa buhay ko. Sunod-sunod na ang mga taong nawala ko. Because of her, my life became totally out of control.

Godd amn her.

I knew it's not right to blame her for everything, dahil kami ni Reed naman talaga ang nagkasala pero...kung hindi niya lang sana binuksan ang madaldal niyang bibig at isinumbong kami kila mommy...Reed and I...we could've thought of some plan not to make this such a huge mess.

Naka-amin sana kami sa mga magulang namin nang tahimik at walang nadadamay na tao. Or better yet, we could've eloped without all of them knowing a thing.

Alam 'to lahat ni Reed pero...pero kasama niya pa rin ang babaeng 'yon?

Bakit?

At bakit siya mukhang nag-guilty kanina nang magpakita si Monica?

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon