I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!#VINCENTwp
✨✨✨
Mga Taksil
"Gusto mo na bang umuwi?" tanong ni Levi habang pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse niya. Hindi na rin niya ako hinintay na mag seat-belt at siya na rin ang umasikaso n'un. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Ayoko pa."
"Okay. Then at least tell me what do you want to do now," aniya. Sandali siyang tumahimik at tinitigan ko lamang siya.
His brows furrowed in concentration and I had the urge to touch it with my fingers. Kinakain na rin kasi ako ng guilt dahil nag-aalala na naman siya sa akin. Parang wala ng araw na hindi nag-aalala sa akin si Levi.
"Levi..."
"Just... tell me what to do Savannah."
I withdrew my hand but he caught it in mid-air, held it and placed it on my lap. Nanatili ang kamay niya doon hanggang sa ako na mismo ang nagtanggal nito.
"Pumasok ka na dito, Levi. Umaambon na," sabi ko sa kaniya at inayos na ang pagkakaupo. Hindi ko na siya muling tiningnan matapos kong maisandal ang aking ulo sa head rest. Gusto ko na lamang ay magpahinga.
"Savannah---"
"Please. 'Yun 'yung gusto kong gawin mo. Pumasok ka na dito sa loob."
I heard him sighed and then gently closed my door. I watched him jog to the driver seat. Pumasok siya roon at katulad ko ay umupo lang, hindi umiimik.
"At least tell me where you want to go. I know there's a restaurant around here. We can go there if you want."
Bahagya akong umiling at patuloy lamang na tumitig sa labas.
Nagsimula nang umulan ng malakas kung kaya naman ay nakaramdam ka agad ako ng matinding panginginig nang tumama ang balat ko sa salamin.
Disyembre na noon ngunit para bang Setyembre ang klase ng lakas ng ulan sa labas. Para bang agad na babaha ang buong ka-Maynilaan kung hindi ito ka agad titigil.
"Savannah?"
Ipinikit ko ang aking mata at nag-isip. Simple lang naman 'yung tanong niyang iyon ngunit wala akong maisagot... Simpleng tanong ngunit ang dami ko rin gustong isagot.
Saan ko nga ba gustong pumunta? May lugar pa ba kung saan maaaring mawala ang lahat ng gumugulo sa isip ko? May lugar pa ba kung saan mawawala ang lahat ng nararamdaman kong sakit at sa unang pagkakataon sa buwan na iyon ay makaramdaman naman ako ng kahit kaunting kapayapaan sa sarili ko?
May ganoon pa bang lugar ngayon?
"Anywhere away from here..." bulong ko sa kawalan. Mukhang napansin ng pinsan ko ang panginginig ko kung kaya naman ay pinatay niya na ang AC at kinuha ang gamit niyang sweater doon sa likod ng kaniyang kotse at ipinilupot ito sa akin.
"Do you want to talk about it?" tanong ni Levi sa akin nang manatili akong nanahimik at nakatingin lamang sa labas.
I knew that he's trying to comfort me. Ramdam ko naman 'yun. Pero habang tahimik lamang kaming umupo sa loob ng Fortuner niya ay para bang namamanhid ang buong pagkatao ko at gulong-gulo ang pag-iisip ko sa mga nalaman kong impormasyon kila attorney at Aicka
BINABASA MO ANG
VINCENT (Book 2 of 2) ↠ Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)
Ficción General↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko na nakapulupot sa kaniya. "I'm sick and tired of us." Wala niya akong emosyong pinagtitigan. Kung m...