✨2.29: Death Is Inevitable ✨

4.4K 91 36
                                    

I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!
#VINCENTwp

✨✨✨

Death Is Inevitable 


"Water?"

Tumingin ako roon sa bottled water na ibinigay sa akin bago umiling sa alok ni kuya Marco.

Kahit na nanunuyo na ang aking lalamunan ay hindi ko nagawang kuhanin sa kaniya ang tubig para inumin dahil wala akong gana ng mga panahong iyon. Bagkus ay pinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa kong pagtitig sa dalawang kabaong ng mga pinsan ko sa may 'di kalayuan.

"Ang bilis ng pangyayari 'no?"

Hindi na naman ako kumibo sa kaniya at pinagmasdan lamang si tita Ruth na nagbibigay ng huling mensahe para sa kaniyang anak. 

What happened that week was worst than hell for everyone in the family. Nang ipinaalam sa akin ni Levi kung anong nangyari sa bunso niyang kapatid, I just lost it. We both broke down and cried.

Kahit na nakasama ko pa sila sa panaginip ko at nagawa pa nilang makapagpaalam sa akin...iba pa rin ang sakit na naramdaman ko nang nalaman kong totoo pala talaga ang lahat. 

Nahirapan pa rin ako na tanggapin na hindi ko na sila muli makakasama. Masakit isipin na hindi na kami kailan man mabubuong mag-pipinsan... na sa tuwing kakain kami nang sabay-sabay ay may dalawang upuang mababakante...na kapag kami ay lalabas, ay wala na ang dalawang pilyong mangungulit sa amin...

Mahirap mamaalam sa mga taong hindi mo pa handang bitawan.

I didn't know then if those were the retributions that our family deserve for all the sins that we committed but... d a m n it, I still wished the past weeks didn't happen. O kaya, sana iba na lang... Sana 'yung dad na lang ni Ash o si Ash mismo ang naunang namatay. Sana sila 'yung pinaglalamayan ng mga panahong iyon at hindi sila Grey at Cole.

Minsan nga natatanong ko na lang sa Diyos, na kung totoo nga ba talaga Siya ay bakit Niya hinayaan na ganoon ang nangyari sa pamilya namin?  Na kung bakit ang mga pinsan ko pa? Ayaw Niya ba talaga kami maging masaya?  At sa dinami-dami ng mga makakasalanang tao sa mundo...bakit...bakit sila Cole at Grey pa?

Bakit sila pa?

"You've been quite the whole day," my cousin commented beside me and then sighed when I didn't respond again.

Wala na kasi akong gana. Ayaw bumukas ng bibig ko upang bumuo ng salita. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam ang pag-uusapan.

Hindi naman ako kagaya nila na malinis ang konsensiya. Kahit ano pang udyok nila ni Levi sa akin na 'wag ko ng sisihin ang sarili ko sa mga nangyari at wala nman daw akong nagawang kasalanan,  ay hindi pa rin naman niya tuluyang mabubura ang katotohanan na kung sana ay hindi na lang ako nagbalik muli...kung hindi na lang ako naka-ligtas doon sa aksidente ko ay sana wala na silang magiging problema na ganoon.

Everything begun because of me.

Ako ang puno't dulo ng lahat.

At heto ako buhay at humihinga pa.

"Mabuti nang ilibing sila ka agad hindi ba?" tanong muli sa akin ni kuya. I forced myself to give him another small nod. 

Our parents decided to give our families a week to mourn for our cousins and then diretsong libing na. Hindi na rin nila siguro nakayanan ang sunod-sunod na pagkawala sa pamilya namin kaya gusto na nilang matapos na ang lahat.

VINCENT (Book 2 of 2) ↠  Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon