Huli
Pagkarating namin sa mansion, agad-agad akong bumaba sa kotse nang hindi sila hinihintay. Narinig kong tinawag ako ni Reed pero hindi ako huminto at diretsong pumasok sa aking kwarto.
Ibinagsak ko ang pinto at naglakad-lakad para maiyaos ko ang isip ko.
So, engaged na pala silang dalawa? Sht! Ano ba ang tingin sa akin ni Reed? Mahal niya ba talaga ako? At 'yung Monica na 'yun, bakit pa siya sumama dito sa Pilipinas? Balak niya ba talagang sirain kaming dalawa ng kakambal ko?
"Savannah..." Narinig kong pumasok ang kapatid ko sa aking kwarto. Ni-lock niya ang pintuan atsaka lumapit sa akin.
Noong mga panahong 'yun, gusto ko na siyang sampalin o kahit paluin man lang para mailabas itong frustration na nag-uumapaw sa loob ko. Pero nagtimpi ako at naghalukipkip na lamang.
Kumalma ka, Savannah.
"So kailan ang kasal?"
I really tried my best to show no emotion as I said that. But my lips were quivering and I was on the verge of crying. Wala pang bente-kwatro oras kong kilala 'yung Monica na 'yun, pero ngayon baka siya na ang maging dahilan ng pagkasira namin ni Reed.
"What are you talking about?" aniya. Nakakunot ang ulo niya na parang gulat na gulat pa siya sa tanong ko.
"I heard about you two talking earlier. About your effing plan. So kailan?" I admitted. "Engage ka na pala sa kaniya, hindi mo man lang sinabi. May pa best friend ka pang nalalaman, fiancé mo na pala."
I knew he wasn't having any of my tantrums as he closed the space between us and held my arms. Sinubukan kong kumawala pero mahigpit ang hawak niya sa akin kung kaya ay wala rin akong nagawa kung hindi mapilitang tumingin sa pagod niyang mga mata.
"There will be no wedding Savannah," kalmado niyang sabi sa akin.
Hindi ko alam kung saan mas lalong nagpintig ang tainga ko, kung sa sinabi niya ba o sa kung gaano kalmado niya ito sinabi.
Maybe both.
"Bull s h i t. Ano ba Reed? Sawa ka na ba sa akin? Are you just after the chase huh? Matapos mo akong makuha at mapa-ibig, ayaw mo na? Sawa ka na?" Sinubukan kong hinaan ang boses ko dahil baka marinig ng buong kasambahayan itong pagtatalo namin. Subalit ang hindi ko lang kayang pigilan ay 'yung panginginig ng boses ko. Just thinking that he's already over me, na sawa na siya dito sa aming dalawa...hindi ko yata 'yun makakaya. "You've been cold to me! Hindi ko na alam saan ang mali! Lagi na lang tayong nag-aaway, ano ba..."
Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko at agad niya akong niyakap nang mahigpit. Nang nakabaon na ang mukha ko sa kaniyang dibdib ay doon lang talaga ako bumigay at 'yung mga unang patak ng luha ko ay tuloy-tuloy nang dumaloy galing sa aking mga mata.
Nagsisimula nang magkalamat ang relasyon naming dalawa. Natatakot na talaga akong baka magtuloy-tuloy 'to.
"We'll call it off after I got the position. And no, baby, what are you thinking? I'm not just after the chase d a m n it. Do you think I'll go this far just for the chase? I am doing all of this to secure our future Savannah. I want to give you a comfortable life. I want to give you a future where in you no longer need to worry about anything. I am doing this all for you."
I badly wanted to believe everything he said. Pero nahihirapan na ako. My feelings were being clouded with doubt and jealousy. Nahihirapan na akong tanggalin ang mga 'yun sa puso ko.
BINABASA MO ANG
VINCENT (Book 2 of 2) ↠ Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)
Fiksi Umum↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko na nakapulupot sa kaniya. "I'm sick and tired of us." Wala niya akong emosyong pinagtitigan. Kung m...