I would really appreciate if you leave some feedback/comments below :D
Thank you!Music: Let's hurt tonight by One Republic (Listen to this guys!! Ganda!)
#VINCENTwp
"They say love is pain, well darling, let's hurt tonight."- One Republic
✨✨✨
Halik
"Kamusta ka na nga pala? Hindi kita natanong kagabi. Anong nangyari sa inyo ni Alicia? Nagkaayos ba kayo?"
Nilagpasan niya lang ako at may kinuha mula sa study table niya. Magtatanghalian na rin at noon lang kaming nagising na dalawa.
Huh. Nagkaayos kaya sila? Ni wala man lang siyang nabanggit kahapon. Kahit na si Alicia ay hindi man lang tumawag sa akin para magkwento tungkol sa pag-uusap nila nitong pinsan ko.
"What are these?" Binuksan ko ang paper bag na ini-abot niya sa akin at nakita ko na dagdag gamot ko na namang iinumin.
"Vitamins."
"I'm taking a lot of vitamins already, Levi. Sapat na siguro 'yun," pabirong reklamo ko.
"'Di ba nag-aral ka ng Medicine? You should know why your body collapsed yesterday. Drink that after breakfast. Your doctor says so. It's for your child."
"Fine," sabi ko. Bumalik na naman siya sa pagseryoso niya. Sinusubukan ko lang naman pagaanin ang sitwasyon. "Magdamit ka nga, hindi ka ba nilalamig?"
"No."
Kahit anong sabi pa niya ay kinuha ko pa rin 'yung nakasampay niyang T-shirt sa may upuan at ibinigay ito sa kaniya. Naalala ko tuloy sila Grey at Cole. Sila 'yung mga mahihilig maghubad sa bahay.
"What do you want to eat?" Kinuha niya ang shirt sa akin at imbes na isuot ito ay isinampay niya lang sa kaniyang balikat at lumabas na ng kwarto. Sinundan ko siya hanggang sa marating namin ang kusina.
"Kahit ano. Bahala ka na lang," sagot ko. "Wait, hindi mo na ako sinagot tungkol sa usapan niyo ni Alicia kahapon. Ano na napagkasunduan niyo?" Alam kong baka makulitan na siya sa akin pero tinanong ko pa rin. Wala siyang magagawa. Makukulit talaga ang pinsan niya.
"Sit. I'll prepare something for you." Iniayos niya muna ang uupan ko at binigyan ng plato bago niya ako tinalikuran at nag-astang busy sa paghahanap ng mga ingredients doon sa ref.
Wala na akong nakakain na maayos simula nang magising muli ako, puro na lang lugaw at kung anong-anong soft food. Miski juice o gatas ay hindi rin advisable at puro tubig o ORS lang ang pinapainom niya sa akin. Utos kasi ng doktor 'yun para maibsan ang pagka dehydrated ko kaya kahit na hindi ko na malunok ang mga ipinapakain niya ay hindi na ako nag reklamo pa. It's my way of appreciating everything that he'd already done for me.
"Here, drink another glass before you eat." Ininom ko agad ang isang baso ng tubig na ibinigay niya sa akin at tinanong muli siya tungkol kay Alicia. Ilang beses ko pa 'yon pinaulit-ulit hanggang sa narinig ko ang problemado niyang buntong hininga at napatingin na rin siya sa akin sa wakas. He looked irritated but still he kept his calm.
"What do you want me to say?" seryoso niyang tanong. Hindi ako sumagot. He knew what I'd wanted, kaya pinagtitigan ko lang siya at umasang siya ang unang bibigay at unang mag kw-kwento. Pero tinalukuran niya lang ulit ako at nagsimula na mag prito ng kung anong nakuha niya mula sa ref.
BINABASA MO ANG
VINCENT (Book 2 of 2) ↠ Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)
Narrativa generale↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko na nakapulupot sa kaniya. "I'm sick and tired of us." Wala niya akong emosyong pinagtitigan. Kung m...