I would really appreciate if you leave some feedback/comments below hehe :D
Thank you!
Tweet me with #VINCENTwp
Music: Secret Love Song by Little Mix
✨✨✨
Savannah and ReedBuong biyahe papunta sa mansion namin ay wala akong ginawa kung hindi magdasal.
Sa sobrang pagiging kabado ko nga ay nagsuka pa ako bago pa man ako makasakay sa kotse kaya pinainom na rin ako ni Malcom ng gamot. Pinatay ko na rin ang cellphone ko dahil hindi humihinto sa pagtawag at pag text sa akin sila Reed at Levi.
My brother wanted to find me while my cousin wanted to stop whatever craziness I was about to do. At parehas ko silang tinakbuhan.
Ewan ko ba. Gulong gulo na ang lahat ng sistema ko nang mga panahong iyon.
That time, I thought that if my encounter with my parents would be as bad compared when my cousins found out about us, then I would just let it be. Napapagod na rin naman akong itago pa ang relasyon namin ng kakambal ko mula sa kanila.
"Miss are you okay?" tanong sa akin ni Malcom habang inaalalayan niya ako pababa ng limo. Kanina niya pa ako sinasabihang namumutla na, ngunit hindi ko siya pinapansin. Nakainom naman na ako ng gamot. Magiging maayos din naman siguro ako nito kapag naglaon.Sana.
Nanginginig at nasusuka akong pumasok sa mansion namin. Nakukulangan na rin ako ng hininga kaya naka-makailang ulit na rin akong tumigil at minasahe ang aking leeg upang matanggal na ang sakit sa aking lalamunan.
Nang makatuntong ako sa unang hakbang ng aming mansion ay marami ka agad na kasambahay ang nakatingin sa akin. Para bang alam na nila kung anong mangyayari sa akin sa loob. Sinubukan kong hindi na lang ito pansinin, pero mahirap, lalo pa't bawal galaw ko ay mukhang hinuhusgahan na nila.
Gods.
Kahit na napagdesisyunan ko nang angkinin muna ang lahat ng sisi sa kasalanan naming dalawa ng kapatid ko, ay hindi ko pa rin maiwasang isipin na kailangan ko siya sa tabi ko para sa suporta.
Hindi ko alam kung kaya ko ba talagang mag-isa.
Natatakot ako.
"M-mommy,"
Nakita ko siyang nakatayo at nakahalukipkip. Kausap niya si Monica at isa pang lalaking parang imbestigador na naabutan ko noon sa bahay. Mainit ang nagiging pag didiskusyunan nila. Si daddy naman ay nakaupo roon sa gitnang silya ng aming receiving area at nakasapo ang kaniyang ulo sa kaniyang mga palad na pawang napagsakluban ng langit at lupa.
Nang tuluyan ko ng naisarado ang pinto at nagsalita, huminto silang tatlo at tumingin sa akin.
Nervous, I swallowed hard and tried to speak again, "Ma, b-bakit niyo po ako...?"
Hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko ay bigla na lang naglakad nang mabilis si mommy papunta sa akin at malakas na itinapon sa pagmumukha ko ang sangkaterbang litrato na hawak niya. "How can you do this!"
Kahit na hindi ko kayang tumingin sa mga mata ni mommy ay pinilit ko, subalit ka agad ko naman itong pinagsisihan. Nanlilisik ang mga mata niya at nanginginig ang perpekto niyang labi sa galit.
"Ma..."Hinawakan niya ang magkabila kong braso nang napakahigpit at napa-sigaw ako sa sakit nang bumaon ang matutulis niyang kuko sa aking laman. "Tell me, I'm just imagining this!"
BINABASA MO ANG
VINCENT (Book 2 of 2) ↠ Amor Aeternus | (PUBLISHED UNDER CLOAK-POPFICTION)
General Fiction↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko na nakapulupot sa kaniya. "I'm sick and tired of us." Wala niya akong emosyong pinagtitigan. Kung m...