Chapter 1

583K 18.6K 7.3K
                                    

"Why are you growing? You shouldn't be getting old because you're a doll. You're my greatest possession, my only reason, and the only family I have, and I will protect you, and hide your beauty from this God-forsaken world... So, my doll, I beg you to live forever and never leave me behind."



Bakit bigla kong naalala ang mga salitang aking narinig noon? Saan at kanino nga ba nanggaling iyon? Ipinilig ko ang aking ulo na bigla ay sumakit sa pag-iisip.


Napatitig ako sa dugo na nasa shorts ko saka ako napakagat-labi. Naramdaman ko na ito kanina kaya lang ay hindi ko pinansin. 


Napatuwid ako nang makarinig ako ng yabag ng mga paa na papunta sa kuwarto ko. Sumilip ang matandang mayordoma na si Manang Nora sa pinto. "Ineng, kanina ka pa hinahanap ng uncle mo."


Namutla agad ako. Nandito na si Uncle Jackson sa Davao?!


Hindi ko alam ang itatawag ko sa lalaking iyon kaya 'uncle' na lang. Para kasing ang awkward kung 'daddy'. 


Si Jackson, Uncle Jackson ang 25-year-old legal guardian ko. Sa kanya napunta ang custody ko since naging asawa niya sa papel ang mama ko. Madalas siyang wala rito sa Davao pero kapag dumarating siya ay nag-pa-panic ang buong mansiyon. Umuuwi lang kasi siya kapag may problema... problema na madalas ay tungkol sa akin.


At natatakot ako na makaharap siya ngayon dahil may kasalanan ako sa kanya. At alam ko na kaya siya napauwi nang maaga rito sa Davao ay dahil alam niya na ang kasalanan ko. Umalis ako last week nang walang kasama, at ayaw niya ng ganon. Batas niya na hindi ako pwedeng umalis ng mansiyon na walang kasamang bodyguards.


Minsan lang siyang umuwi dito sa Davao because of his business in Manila, at ayaw ko sanang galit siya sa akin habang nandito siya. Dahil sa totoo lang, naiilang ako kapag bad mood siya. Malamig ang mga mata niya. 


The last time na nasuway ko ang kanyang batas ay doon ko unang naranasan ang malamig na mga titig niya. Nang bumuka ang kanyang mga labi, mababa ang tono at iilan lang ang sinabi niya sa aking salita, pero nakonsensiya ako. Tama naman kasi siya, hindi talaga maganda ang pagtakas na ginawa ko dahil marami akong pinag-alalang tao. Ang mga tauhan sa mansiyon ay mga nag-panic dahil sa pagkawala ko.


"S-sunod na lang ako, Manang." I decided to change my shorts and panties first.  Tinalikuran ko ang matanda para pumunta sa banyo ng aking kuwarto.


"Ay, bakit may dugo ang shorts mo?" Namilog ang mga mata ni Manang Nora ng mapatingin siya sa shorts ko. "Diyos ko! Regla ba iyan? Aba'y oo nga pala, kinse ka na! Huli ka na nga masyado!"


Napalingon ako sa kanya. Posible bang ang dugong ito ay dahil don? At hindi dahil sa cancer? Natulala ako nang marealize ko kung gaano ako katanga. Masyado akong nag-iisip ng kung anu-ano, kinalimutan ko na ang fact hindi na talaga ako bata.


Dalaga na ako...


"Magpalit ka na muna ng damit, magpapabili agad ako sa bayan ng napkin mo."

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon