Chapter 32

379K 14.8K 4K
                                    

WHAT A BEAUTIFUL DAY IT IS. Panibagong araw, panibagong bulaklak, chocolates at ngayon may tatlong pirasong malaking red heart-shaped balloons. Ngiting-ngiti ako habang hinahaplos ang mga balloons. Katulong ko si Ate Minda na magdala ng mga ito sa sala. Sa sobrang busy ko ay hindi ko napansing nasa di kalayuan pala si Mrs. Cruz at seryosong nakatingin sa akin. Mayamaya ay umalis din naman ito at naging busy na sa lumang model nitong telepono.


"So do you like the gifts?" Hapon nang tumawag si Jackson sa messenger. Yes, sa FB messenger at pa-VC kami.


I opened my cam for him to see me. Hindi siya sa akin nakatingin dahil may kung anong mga papeles siyang binabasa at mukhang itinayo niya lang kung saang parte ng table niya ang kanyang phone.


"I like them."


He grinned. "I like you, too."


Umiinit ang pisngi ko nang bigla siyang tumingin sa screen. Huling-huli niya ang pagka off guard ko.


"A-anong oras ka pala uuwi?" pag-iiba ko. Hindi niya ako sinundo ngayon sa school dahil napaaga ang uwi ko at siya naman ay OT sa munisipyo.


"Mamaya," tipid na sagot niya.


"Oras na pala ngayon ang mamaya."


Tumingin ulit siya sa cam. "I'll try to be home as early as I can."


"Baka may daanan ka pang iba. Uwi agad..."


"Ay possessive ni Ganda!" Si Ate Minda na nasa tabi ko at nag-aayos ng mga bulaklak sa vase. Puno na ng vase ang mansiyon dahil nga sa araw-araw akong may dozen of roses from Jackson.


"Who's that?" Kumunot ang noo ni Jackson.


"Si Ate Minda." Pasimple kong siniko ang babae para manahimik ito pero dumaldal pa rin.


"Ako lang 'to, Sir! Inaalagaan kong mabuti ang bebe mo, don't worry."


"What are you doing right now?" sa halip ay tanong niya sa akin kaysa pansinin ang sinabi ni Ate Minda sa kanya.


"Inaayos lang iyong flowers tapos nagku-kuwentuhan lang kami ni Ate Minda."


"About?" Ang mga mata niya ay nasa hawak-hawak niya na namang mga papel.


"Sa mga bagay-bagay lang..."


"Like?"


"Kung anu-ano... Ganoon. Ayon."


Tamad na tumingin siya sa akin. "I could goddamn relate."


Napalabi ako. "Hindi ko pwedeng ikwento masyado marami at mahaba."


"I'm all ears here."

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon