"PROBLEMA NI CALDER AT LUMAYAS NANG NAKASIMANGOT?"
I didn't bother to answer Ate Minda's question. Busy ako sa ginagawa. Nakaupo ako sa bar stool ng kusina while typing on my cell phone. I made an Instagram account for Jackson. Iyong personal account at hindi hawak ng kung sino-sino. Nakakainis kasi dahil may kumakalat na account at nakapangalan sa kanya, claiming that it was him, pero alam ko namang hindi. Malay ba niya mag IG? Sa FB pa nga lang, patay na bata na siya, mag-a-IG pa ba siya?
Wala naman kaso sa akin na may mga nagkalat na dummy niya. Ang nakakainis lang kasi dahil iyong IG niya na may libong followers na ay ipino-promote ang loveteam nila ni Valentina. Hindi man lantaran, pero parang ganoon na rin. Mga stolen photos kasi nila sa munisipyo at sa ilang mga private parties ang nakapost doon.
Hindi ko alam kung sino ang administrator ng IG na iyon, masyadong papansin.
"Ganda, paano nga pala mag-unfriend dito sa IG?" tanong sa akin ni Ate Minda. Katatapos lang naming magmeryenda at ito, kasama ko siyang nagce-cell phone sa bar table ng kitchen.
Pagkauwing-pagkauwi ko from school ay dito ako dumiretso. Nagpapaturo rin kasi si Ate Minda na gumawa ng IG. Meron na siya before, nakalimutan niya nga lang ang password.
"Wala yata, Ate. Unfollow lang." Hindi rin kasi ako masyadong marunong. Basic knowledge lang ang alam ko. And dati ko kasing friend at kaklase na si Olly ang gumawa ng mga social media accounts ko. Mas babad din ako sa FB kaya pagawa ng account sa Instagram, at pag-scroll ng newsfeed lang ang alam kong gawin.
At ito nga, dito ko nakitang napakaraming post ng kung sino mang admin ng dummy Instagram na ito ni Jackson. May post pa ito na kasama niya si Valentina sa dilim. Parang nag-uusap sila rito nang palihim. Controversial ang photo, although cropped naman para lang palabasin na sila lang dalawa sa lugar na kinuhanan.
"Hala, Ganda!" Hinampas ni Ate Minda ang mesa. "Ano itong post tungkol dito sa Valentina Soza Hynarez na ito?!" Ipinakita niya sa akin ang screen ng kanyang phone.
Viral na talaga ang photo sa dilim.
"Para silang lovers na nagtatagpo nang patago rito, ah!"
Nakapapag-init talaga ng ulo, pero hindi ako sumagot.
"Feelingera itong Valentina na ito, ah! Hindi ako naniniwala rito, Ganda! Kung papatulan 'yan ni Sir, dapat dating-dati pa. E hanggang FUBU lang sa buhay ni Sir ang naabot nitong bwakananginang babaeng 'to e!"
Bigla akong nasamid.
"Ayos ka lang?" Hinagod niya ang likod ko.
"O-okay lang, 'Te." Napaubo ako. Nakakawindang kasi iyong sinabi niya e!
"Nakakainis itong Valentina na ito." Hindi pa pala tapos sa hinanaing si Ate Minda. "Malamang namang siya lang ang may kagagawan ng mga naglipanang fake news na ito. Itong kuha nila ni Sir sa dilim, obvious naman na may iba silang kasama sa paligid. Cropted lang para magmukhang malaswa at sila lang ang makikita. Gusto niya lang ma-issue, lintek siya! Kung gusto niya ng issue, aba bibigyan ko siya! Ipopost ko iyong totoong ka-issue-issue. Iyong halikan niyo sa dilim ni Sir ang isasampal ko sa mukha niya dahil iyon talaga ang hindi fake news!"
BINABASA MO ANG
Obey Him
Ficción GeneralHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...