HINDI AKO MAKATULOG.
"You should sleep. That's the best thing that you can do instead of staring at me."
Bakit niya alam?
That's exactly what he said to me. E kasi para akong shunga na nakatitig sa likod niya. Hindi naman sa umaasa ako na lilingon siya. Pero kung lumingon siya e di...
Pero hindi siya lumingon. Pero parang ganon na din, kasi para naman siyang may mata sa likod dahil alam niya na nakatitig nga ako sa kanya. O malakas lang talaga ang pakiramdam niya.
"Go, my doll. Take a rest now."
"S-sorry. Sige." Napahiya na ako kaya kahit nanginginig ang mga tuhod at pinilit kong makalayo sa kanya.
Bakit kasi sumunod pa ako hanggang sa balcony? Ano pa ba ang kailangan ko? Pumayag na nga siya e.
Hindi lang kasi ako makapaniwala na pumayag na siya. Na mag-aaral na ako sa isang university, na magkakaroon na ako ng mga kaibigan, na malalasap ko na ang mundo. Na pinagkakatiwalaan niya na ako.
Ang resulta, alas onse na ako ng umaga nagising kinabukasan. Bumaba na ako at kumain ng diretso brunch na dahil sa lipas gutom ko nong nagdaang gabi. Wala si Uncle Jackson kaya mabilis at magaan ang mga pagkilos ko.
Maagang umalis si Uncle Jackson. Sinundo siya ni Vice. Magpapasa siya ng application para sa pagtakbo sa paparating na eleksyon. Narinig ko na nag-uusap si Mrs. Cruz at iyong guwardiya sa patio at pinag-uusapan ang nalalapit na halalan, hindi daw malabo na manalo si Uncle Jackson dahil kilala ito sa buong Quezon City at kahit sa buong Pilipinas.
Kilala pala ang late mother niya sa mga foundation na itinayo nito noong nabubuhay pa. At hanggang ngayon, existing pa rin ang mga foundation na iyon. At dagdag pa sa popularidad niya na ang daddy niya ang bise presidente ng Pilipinas. At matagal na ring inaabangan ang pagpasok ni Uncle Jackson sa pulitika.
Kapag may party na ina-attend-an si Vice, palagi nitong bukambibig ang anak. Kung minsan ay isinasama pa nito. Kahit tahimik at mailap sa camera si Uncle Jackson, hindi iyon naging dahilan para makalimutan siya. Sa halip ay lalo pang na-curious at natuwa sa kanya ang mga tao. Lalo na ang mga kababaihan, matanda man, may asawa, dalaga o kabataan.
Kapag nanalo siya, mas magiging busy siya. Tapos ako naman, magiging busy sa eskwela. Lalo akong napangiti.
"Uy, masaya yata ngayon si Ganda, ah?"
Sinalubong ako ni Ate Minda sa daan. "Hi, Ate. Good morning po."
"Pag tayo lang, Ganda na lang tawag ko sa 'yo. Mas bagay sa 'yo kasya sa pangalan mo."
Dumadami na ang pangalan ko sa mansiyon na ito. Si Mrs. Cruz kailan kaya makakaisip ng itatawag sa akin?
"Masaya ka nga. Anong meron?" Lumapit siya sa akin habang bitbit ang dusting board. "Hanga rin ako sa'yo, Ganda. Nakukuha mo pa ring maging masaya kahit pa nandito ka lang at di ka nakakalabas, ano? Happy ka pa rin kahit wala kang friends."
BINABASA MO ANG
Obey Him
General FictionHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...