"I LIKE YOU. IS THAT A BAD THING?"
Napakurap-kurap ako. Na-absorb na ng isip ko iyong sinabi niya, at nakakagulat kaya hindi ko magawang magsalita. Unang pagkakataon kong makarinig nang ganito. Ang tahimik ko lang hanggang sa marinig ko ang click ng lock sa aking tabi. Binuksan niya na.
Umiling ako. "Hindi masama. Walang masama."
Tumaas ang isa niyang kilay na parang hindi naniniwala.
"We are all allowed to like someone."
"Really? 'You think so?"
Tumango ako. "May batas ba na nagbabawal na gustuhin mo ang isang taong gusto mo?" Ano ba itong sinasabi ko? Tama ba itong tinatakbo ng usapan namin?
Like lang naman e. Siguro natutuwa lang siya sa akin kasi mabait ako sa kanya. Deserve naman niya ang pakikipagkaibigan ko dahil mabait siya sa akin. And I am comfortable with him.
Nginitian ko si Kuya Calder. "Gusto rin naman kita."
Matagal siyang nakatingin sa akin na muntik ko na namang ikailang. Mabuti na lang at mayamaya pa ay ngumisi na ang mga labi niya na natural na kay pula.
Sumandal siya sa sandalan at tumingin sa labas ng sasakyan. Maraming naglalakad na estudyante sa labas. May iilang magkaka-partner na lalaki at babae na magkaka-holdinghands.
"'Wag mong gagayahin ang mga 'yan, bata ka pa."
"Opo, Kuya."
Nakangiwi siya nang muli akong lingunin. "Bumaba ka na nga."
"Bye. See you later!" Binuksan ko ang passenger side at umibis na ng Camaro. Kumaway pa ako kay Kuya Calder bago ako lumakad patungo sa gate ng DEMU.
Sinalubong ako ni Olly sa gate. Siya iyong friendly kahapon na nagturo sa akin on how to use social media. Especially Facebook. Katext ko siya kanina at sinabi nga niya na hihintayin niya ako para sabay kaming pumunta sa first class namin. "Hi, Fran!"
"Hello, Olly. Kanina ka pa?"
Umiling siya at tumingin sa likuran ko. "Where's your Instagrammable bodyguard?"
"Instagrammable bodyguard? Si Kuya Calder?"
"Yup!" Nagningning ang mga mata niya. "He's gorgeous. Pang IG. Speaking of IG, igagawa rin pala kita later."
"Umalis na e. And thanks but okay na muna ako sa FB." Pinipilit niya ako na gumawa ng lahat ng social media accounts, tumatanggi lang ako dahil iyong Facebook pa nga lang ay nao-overwhelm na ako.
"Okay." Sumimangot siya. "Tinext kita kanina, ah. Sabi ko ipakilala mo ako sa bodyguard mo."
BINABASA MO ANG
Obey Him
Ficción GeneralHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...