Chapter 19

357K 14K 4.6K
                                    

Hindi pa rin nagpaparamdam si Calder sa akin kaya hindi ako mapalagay. Ano bang nangyari sa kanya? Bakit bigla na lang siyang nawala na parang bula? Ni wala siyang pasabi. Nag-aalala ako sa kanya dahil baka napaano na siya, pero hindi ako makakilos dahil hindi ko naman alam kung saan ako magsisimula.


At kung ang pagsisimula ay ang pagtatanong kay Uncle Jackson, hindi ko talaga kayang magsimula. Dahil paano mo lalapitan at tatanungin ang isang tao na kung iwasan ka ay para kang may sakit na nakakahawa?


Sa sobrang busy ko sa pag-iisip kay Calder ay hindi ko alam kung umuuwi pa ba si Uncle Jackson dito sa mansiyon.


The next day ay nakapasok na ako sa school, pero may apat na bodyguards na nakabuntot sa akin, pwera pa sa driver ng SUV na naghahatid sa amin sa Don Eusebio Mariano University.


"Hi, Pretty Fran!" Nakangiting nilapitan ako ni Olly.


Alisto ang mga guwardiya sa paglapit sa akin ni Olly. Naiilang ako dahil para akong anak ng presidente na kahit saan ako magpunta ay hindi talaga lumalayo ang apat na lalaking inutusan daw ni Uncle Jackson upang bantayan ako. Hanggang sa mismong pinto ng classroom ay naroon sila.


Naupo si Olly sa bakanteng upuan na nasa aking tabi. "Ano palang meron? Bakit ang dami mong guwardiya?"


"Utos ng step-dad ko," tipid kong sagot sa kanya.


"Oh, really? Ang protective naman masyado, e hindi ka naman prinsesa."


Nagkibit ako ng balikat.


"Love na love ka ng uncle mo. E pano ka na maliligawan niyan kung marami ka ng bantay?" Lumabi siya. "Sad."


Nakapagtataka na kinakausap ako ni Olly na parang hindi niya ako sininghal-singhalan noong huli naming pagkikita. Hinayaan ko na lang din siya na muling tumabi sa akin.


"Saka pala, nabalitaan mo ba iyong nangyari kay King?"


Hindi ako kumibo dahil alam ko na kahit naman hindi ako magtanong ay matutuloy-tuloy pa rin ang kwento niya.


"Nasa ospital sila ng tropa niya. May tama ng baril pareho."


Tahimik lang akong nakikinig kay Olly, kunwari ay hindi interesado sa impormasyon.


"Pinagbabaril sila sa legs at tuhod kaya hindi makatayo ang dalawa. Ang gago talaga nong may gawa non sa kanila, pero mabuti na rin na ganon lang ang ginawa at hindi sila tinuluyan."


"Sino ba iyong g-gago na gumawa non sa kanila?" hindi ako nakatiis na hindi magtanong.


"Holdapper daw e."


Tumango-tango ako. Mabuti na lang at duwag si King— Duwag sa katotohanan.


"Mabuti at hindi sila pinuruhan," komento ko, fishing din kung ano na ang lagay nina King.


Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon