Kailan pa ako nagkaroon ng matigas at mainit na unan?Ang sarap ng tulog ko. Kung hindi pa nag-alarm ang alarm clock ko na nakapatong sa bedside table ay hindi pa ako magigising. Komportable ako sa inuunanan ko at kayakap—
Kayakap?!
Napadilat ako at agad na napaurong nang marealize na hindi ako nag-iisa sa kama. Na may katabi ako sa buong magdamag. Na sa kwarto ko natulog si Un—Jackson.
Gigisingin ko ba siya? Nagdadalawang isip ako kung iistorbohin ko ba siya o hindi. Sarap na sarap siya sa pagkakahiga sa unan ko, nakakaawang gisingin.
Dahil umaga na ay pumapasok na sa bintana ko ang liwanag mula sa labas. Napakalinaw na ng kanyang anyo sa aking paningin at ang cute niya palang matulog. Hindi lang siya guwapo, cute rin. Ngayon ko lang nalaman na pwede palang maging guwapo at cute nang sabay.
Nang dumilat siya ay natulala ako. Oh my... ang ganda ng mga mata niya sa liwanag. Naghahalo ang pagka gray at itim. Ang linaw. Nakakahypnotize!
At nakaka-amaze kasi wala siya maski isang muta!
"Good morning." Maaligasgas at kaysarap sa pandinig ang lalaking-lalaking boses na kumiliti sa tainga ko.
Napakurap ako nang ma-realize na gising na siya. Hala, gising na nga siya!
"B-babangon na ako," kandautal na sabi ko.
Hindi siya tuminag. Nakatingin lang sa akin ang maganda niyang mga mata.
"Ang s-sabi ko, babangon n-na ako." Bakit ba ako nauutal?
"Okay."
"Iyong braso at hita mo nakadagan pa sa akin—" Natigilan ako ng ngumisi siya. Saka ko napansin na nasa tagiliran niya na ang isa niyang kamay. Nang tingnan ko ang katawan ko ay nakagat ko ang aking ibabang labi sa hiya. Wala na ang ang kanang hita niya sa mga hita ko, wala na rin ang braso niya sa ibabaw ng aking sikmura sa halip ay ako ang nakayakap pa sa dibdib niya at nakatanday sa kanyang bewang!
Mabilis akong lumayo sa kanya at umupo. "S-sorry!" Ramdam ko ang pagapang ng pula sa magkabila kong pisngi.
Nakatihaya pa rin siya at mukhang walang kabalak-balak na bumangon. Nakataas ang sulok ng kanyang bibig habang pinapanood ang pag-alis ko sa kama.
Nang bumaba ang mga mata niya sa gawing dibdib ko ay kitang-kita ko ang pagsasalubong ng kanyang makakapal na kilay. Tila ba siya may nakita na hindi niya maintindihan.
"So you really are human..." anas niya na halos di ko gaanong naulinigan.
"Ha? Ano?"
Tumingin siya sa mga mata ko pagkuwan. "Nothing. I just said that you're beautiful."
Laglag ang panga ko. Ano raw?
"Maaga pa." Tinapik niya ang kanyang tabi, pinapabalik ako.
"May pasok ako."
"Ugh." Nasapo niya ang kanyang noo. "Yeah. Right." Bumangon siya at hinagilap sa sahig ang hinubad niyang sapatos.
BINABASA MO ANG
Obey Him
General FictionHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...