DID HE REALLY DO THAT?
Kay Lolo? Kay Mama? Sa akin?
Nasa kuwarto na kami kanina pa at nabibingi na ako sa sobrang katahimikan. Nakapamulsa si Jackson sa suot na pants habang kalmadong nakatingin sa kung saan.
"Why?" Matapos ang ilang minuto, kusa na lang akong nakapagsalita. Sa iisang salita naipon lahat ng tanong ko.
He didn't answer me. Wala lang, like he didn't hear anything.
Pinilit kong huwag mautal sa pagsasalita. "Iyong mga sinabi ni Calder, totoo ba iyon?" Inilapag ko sa dresser ang brown envelope. Heto na nga iyong ebidensiya, pero gusto ko pa rin marinig ang side niya.
Kanina pa ako parang sasabog. Sana man lang may gawin siya o sabihing kahit ano para mawala ang lahat ng bumabangong pag-aalala at sakit sa dibdib ko. Sana man lang magpaliwanag siya at sabihin ang side niya para naman maintindihan ko siya. Gusto ko lang namang malaman ang totoo galing sa kanya, dahil gusto kong sa kanya pa rin sana maniwala.
I've waited for him to talk. Naghintay ako ng ilang minuto pa para lang madisappoint na wala siyang pakialam kahit nababaliw na ako sa harapan niya.
Naiinis na nilapitan ko siya. Inabot ko ang pisngi niya at pilit na hinarap sa akin ang kanyang mukha. "Jackson, magsalita ka naman!"
He just looked at me with his calm eyes.
Hinaplos ko ang pisngi niya. "Jackson, please tell me everything that I need to know. I deserve to know the truth..."
Wala pa rin siyang imik.
"Jackson, please..." Napaiyak na ako. Hindi ko na kinaya, bumagsak na ang mga luha ko. "Hindi ko na alam saan ako maniniwala, pero gusto ko sana na sa 'yo pa rin... sa 'yo pa rin..."
Ito ang unang pagkakataon na tiningnan niya lang ang mga luha ko na wala man lang siyang reaction.
"Bakit mo ako pinapirma ng kontrata na nagsasabing sa 'yo na ang lahat ng sa akin? Bakit mo rin itinago sa akin ang tungkol sa trustfund ko? At iyong tungkol kay Mama, gusto kong sabihin mo sa akin ang totoong nangyari sa kanya. Hindi ako naniniwalang ikaw ang reason kaya namatay siya. She killed herself, nandoon ako at ako ang unang nakakita sa kanya noong wala na siyang buhay. At hindi ako naniniwalang kaya mong gawin iyon sa mama ko kaya please, magpaliwanag ka sa akin. Sige na naman... please..."
Nanatili pa rin siyang kalmado. Anong iniisip niya? Bakit ganito siya? At bakit parang wala lang sa kanya ang lahat?
"Anong nangyayari sa 'yo?" Napahagulhol na ako nang wala pa rin siyang reaction. "Anong lahat ng ito? Natatakot na ako sa mga nalalaman ko, nalilito na ako... Please! Don't do this to me!"
Para akong kumakausap at nagmamakaawa sa hangin. Sa lahat ng ito, nakamasid lang sa akin si Jackson.
"How can you look at me like that?" nadudurog na tanong ko. "Hindi mo ba nakikita? Nahihirapan ako... Nahihirapan na ako..."
BINABASA MO ANG
Obey Him
General FictionHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...